Monday, December 27, 2010

December 27, 2010

Female singer, sobrang plastikada at etchosera!


Taun-taon tuwing Pasko ay hindi makalimutan ng ilang reporters ang pagiging etchosera ng isang female singer. Ilang Pasko na raw kasi nila itong nai-interview at iisa lang ang dialogue nito parati sa kanila. Na may hinanda na itong mga regalo at siya pa mismo ang nag-gift wrap dahil hilig daw niyang magbalot ng regalo.

“Never ending ang dialogue n’yang ‘yan tuwing mai-interview namin siya kapag malapit na ang Pasko,” sey ng isang reporter.

“Parati niyang sasabihin na, ‘Uy I have gifts for all of you. Humingi na ako ng listahan sa ma*nager ko. Ako mismo nag-gift wrap ng mga regalo n’yo. I love wrapping gifts talaga. Kaya matutuwa kayo.’

Pero dumating at lumipas ang Pasko, walang mga regalo na dumating sa mga reporters na tsinika ng female singer.

Ang sama pa nito ay noong makita ng mga reporters na ito ang female singer sa isang showbiz event ay dedma na ito sa kanila at tila hindi na naalala ang mga pinangako nitong mga regalo na siya pa raw mismo ang nagbalot.

“Nakakalokah nga ang ugali niya. Ang plastik niya talaga!” talak ng isa pang reporter.

“Hindi lang siya etchosera, mapagpanggap siya na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko!” sey pa rin ng aming kausap.

Kaya nga every Christmas ay laging naaalala ng mga reporters na ito ang pagiging etchosera ng female singer sa kanila. Hindi raw nila alam kung nagyayabang lang ba ito na nagrer*egalo siya o sadyang may kasamaan lang ang ugali nito.

Nang may nagtanong nga na isang reporter kung nasaan na pala ang female singer dahil more than seven years na siyang hindi na active sa showbiz. May sumagot na baka sa gift wrapping section ng department store na ito nagtatrabaho.

“Hindi ba magaling daw siyang mag-gift wrap ng regalo? ‘Yun na lang ang gawin niya since isa siyang malaking etchoserang gift giver!”

RUEL MENDOZA
MONDAY, DECEMBER 27, 2010





Controversial and popular personality aktor nakabalik sa nilayasang network
Walang kahirap-hirap na makababalik sa nilayasang network ang isang aktor at dahil ito sa kaibigang magbabalik sa kanya sa network via a new show. Tiyak na magre-react ang mga loyal viewers ng network dahil ayaw nila sa aktor na ito mula nang la*yasan ang istasyon.

Kasama ang aktor dati sa isang sikat na show nang nilayasang network, pero biglang iniwan ang show dahil inilipat siya ng kanyang manager sa ibang network for a higher talent fee. Kaso hindi nag-click ang show nito sa ibang istasyon at ang ending, nawalan siya ng regular show at pati guest stint ay dumalang din.

Suwerteng naging kaibigan nito ang isang controversial but popular personality na malakas sa nilayasang network. Sa bagong daily show nito, isasama ang aktor at hindi kami magugulat kung pati sa isa pang show ng controversial and popular personality, join din na rin siya.

TALONG ANONYMOUS
December 27, 2010





Aktres na nagpresyo ng doble ’di hinabol ng isang network
Talent fee pala ang main reason kung bakit hindi natuloy mapasama ang magaling na aktres sa cast ng malaking soap ng isang network. Nagpresyo ng mataas ang aktres pero hindi kinagat ng network dahil feeling nila, sobra ang hinihingi nito.

Doble sa TF ng aktres sa pinanggalingang network ang hiningi nitong bayad sa sisimulang soap, pero sa halip na ibigay, pinalitan na lang siya. Bale ba’y kaibigan pa ng aktres ang aktres na ipinalit sa kanya sa importanteng role sa soap.

Sayang dahil guaranteed contract for one year ang ibibigay sana sa aktres at multiple show ang ibibigay sa kanya. Bukod sa soap, may isa pa siyang show na gagawin at bibigyan pa sana ng lifestyle show, pero hindi na ito matutuloy.

Nitz Miralles
December 27, 2010





Kuripot na young actress, mahilig sa libreng pagkain!

Nahihiwagaan ang cast ng isang TV show na ito sa kasamahan nilang young actress dahil sa ugali nitong ayaw makihati kapag nagpapabili sila ng pagkain sa set. Hindi nila alam kung kuripot ba ito o sadyang gusto lang niya ng libreng makakain parati.

May usapan kasi ang cast ng show na ito na tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa set, maghahati-hati sila sa gusto nilang kainin sa madaling-araw. Kasi nga naman hindi na sila nasasarapan sa catering dahil iinitin na lang ang pagkain. Gusto nila ay ‘yung bagong luto. Kaya nag-aambag-ambag sila sa pagkakasunduan nilang ipapa-deliver na pagkain sa set.

Pero ang kasama nilang young actress ay bigla na lang nawawala kapag ang pinag-uusapan ay ang pag-ambag ng pera sa bibilhing pagkain. Kapag nangongolekta na ang P.A. nila sa set ay si young actress ang parating wala at nasa loob na ito ng sasakyan niya.

“Kakalokah nga ‘yang babaeng ‘yan. Kapag ambagan biglang nawawala. Pero kapag nandiyan na ang pagkain, biglang lumalabas ng kotse!” kuwento ng P.A.

“Tapos ang parating dialogue na hindi raw niya narinig na magse-share ng gastos sa pagkain kasi may kausap daw siya sa phone or nakikinig siya ng music sa car niya. Pero makikikain pa rin siya kahit wala siyang share. Ang kapal niya! At ang lakas pang kumain! Dinaig pa niya ang mga nagbigay ng pera.”

Minsan nga ay uunahan na ng P.A. na hingan ng pera ang young actress para wala na itong excuse.

Umaabuso na raw kasi ito, eh pare-pareho lang naman silang malalaki ang talent fee. Ano ba naman ‘yung mag-share siya kahit magkano.

Noong magkaroon ulit ng ambagan, nilapitan na ng P.A. ang young actress na papaalis na sa set.

Sinabi nito na hindi na siya mag-share dahil busog pa siya sa huling kinain niya. Nagtaka naman ang lahat dahil huli nilang nakitang hawak ng young actress ay kape at hindi sila naniniwalang busog ito.

Ayaw lang nitong mag-share ulit.

Biglang dumating ang isang aktres na kasama nila sa show at masaya ito dahil nabayaran na siya sa isang endorsement na ginawa niya kaya siya na ang maglilibre ng kakainin nila kaya binalik na ang mga perang naiambag ng ibang artista.

Laking gulat nila na biglang lumabas ng sasakyan ang kuripot na young actress at kunwaring magse-share. Tinaasan siya ng kilay ng P.A. at sinabing manlilibre na ang isang kasamahan nila.

“Naku for sure, echosera siya. Narinig lang niyang may maglilibre kaya kyemeng mag-share siya sa pambili. Jusko naman, sana naging consistent na lang siya sa masamang ugali niya at hindi ‘yung nagkukunwari siya, eh hindi naman bagay sa kanya!” 

Sunday, December 19, 2010

December 19, 2010

Pamilyadong aktor, adik sa sex!

Palabas na lang ang pagsasama ng showbiz couple na ito. Ginawa nga raw na makipagbalikan ni aktres sa kanyang mister na isang actor-playboy dahil naaawa ito sa pamilya nito na sobrang mabait sa kanya.

Aware nga raw ang pamilya sa ma*tinding problema ng showbiz couple na ito. Wala naman daw silang magawa sa asawa ng aktres dahil hindi na raw ito mapagsabihan. Kapag sinasabihan daw nila ito na maawa sa kanyang asawa, lalo raw itong gagawa ng kung anu-anong hindi maganda na lalong ikaiirita ng misis niyang aktres.

Matagal nang pinag*de*sis*yunan ni aktres na iiwan na niya ang kanyang mister na walang sawang makipagharutan sa kung kani-kaninong babae. Matanda man o bata. Ilang beses na niyang nahuli ito at ilang beses na niyang pinatawad. Pero nitong huli ay hindi na niya kinaya dahil kasosyo na niya sa negos*yo ang bagong kalukadidang ni aktor.

Nag-alsa balutan na si aktres noon at iniwan niya ang mga anak nila sa kanyang mister dahil ito ang kumikita ng pera. Balak niya na sa US na manirahan kasama ang kanyang pamilya at kapag naayos na ang paghihiwalay nila, magpa-file siya ng custody para sa mga anak nila. Alam niyang lalaki lang na matu-trauma ang mga bata sa ugali ng ama nila.

Pero nakiusap ang biyenan ni aktres na bumalik na sa kanilang bahay. Kawawa naman daw ang mga anak nila kung iiwan niya ito sa aktor. Aminado ang pamil*ya ni aktor na ma*tindi ang problema nito kaya hindi maiwasan ang mambabae. Intindihin na lang niya ang situwasyon ng mga bata dahil hindi sila mapapalaki nang maayos ng ama nila.

Nalaman nga ni aktres na nagpatingin sa isang psycho*logist ang kanyang babaerong mister at na-diagnose ito na isang sex addict. Isang psychological na sakit na puwedeng mangyari anytime at nasa aktor ang susi kung paano niya ito maiiwasang gawin. Kinakailangan nitong magpa-rehab para makontrol ang pagnanasa nito sa kung sinu-sinong babae.

Dahil nga sa sobrang mahal ni babae ang kanyang mga anak, kinausap nito ang playboy na mister na babalik siya pero palabas lang ang lahat para lang hindi masaktan ang mga bata. Hindi raw niya makakaya kung may mangyaring masama sa mga anak nila at wala siya rito.

Kaya kung nakikita ang dalawang ito in public, palabas lang ang lahat dahil sa magkahiwalay na kuwarto sila natutulog at walang pakialam si babae sa ginagawang pambabae ng mister niya.

RUEL MENDOZA
SUNDAY, DECEMBER 19, 2010




Hunk actor, mabantot ang paa

BULUNG-BULUNGAN ang poor hygiene ng isang hunk actor na malapit nang ikasal sa kanyang kasintahan.

Mabaho ang paa ni hunk actor dahil pawi*sin at hindi naglalagay ng foot powder.
Nabalita rin ang pagkakaroon ng underarm odor niya.

Komo mabait at ma-PR, hindi magawang tanungin ng press ang aktor tungkol sa tsismis.

Kapag humaharap siya sa media, amoy-bagong ligo si hunk actor at nag*lagay ng pabango sa katawan.

Pero sabi ng mga kasamahan niya sa taping at shooting, oras na nababad na sa init ang actor, lumi*litaw ang mga tsismis niya sa katawan.

Ang isang kakilala namin ay nagpatunay sa poor hygiene ni hunk actor.
Minsang kumain sila sa set, nakatabi ng kakilala namin si hunk actor.

Muntik nang masuka ang kakilala namin sa nakita niya sa hunk actor habang kumakain sila.

May particles na nakadikit sa mga gilid ng butas ng tenga ni actor. May parang natuyong likido rito.

Hindi na tinapos ng ka*kilala namin ang kinakain niya. Agad itong nag-excuse at umalis sa upuan.

REY PUMALOY
December 19, 2010 Sunday





Nakakaloka ang sexcapades ng isang movie director na nakagawa ng ilang pelikula sa isang malaking network.
Hindi lang pick up boys ang hilig ni direk kundi mga lala*king inirereto sa kanya ng masahista niyang bugaw.

Ang mga lalaki ay mga nag-endo sa bar o resto.

Komo ang kanyang masahista ay dating waiter sa mga resto at bar, marami itong naging kaibigang mga kasamahan sa trabaho.

Kapag nag-e-endo ang waiters at bartenders, ini*susuga ang mga ito ng masahista sa kaibigang direktor.

Minsan, humingi ng makakalaro si direk kay masahista. Nagbigay si direk ng peg na gusto niyang makasama -- maganda ang katawan, maputi, kahit hindi guwapo pero may itsura.

Alam na ni masahista ang mga requirements ni direk. Hindi lang isa ang gusto nitong makalaro kundi dalawa.

Kinontak na ni masahista ang dalawa niyang kakilala na naghahanap ng raket.

Sinabi ni masahista na ang kliyente nila ay si direk. Sinabi rin nitong da*lawa silang lalaro kay direk.

Pumayag ang dala*wang lalaki na magkaibigan dahil galing sila sa iisang bar na pinaglingkuran.

Hindi kalakihan ang budget pero tamang-tama sa gagawin nilang serbisyo kay direk.

Ipinadala na kay direk ang dalawang lalake at natipuhan niya ang mga ito.

Pumasok na sila sa kuwarto at inutusan ni direk na maghubad ang dalawa.

Tinanong ng dala*wang lalaki kung bakit naka*damit pa si direk? Sagot ni direk, hindi siya makikipaglaro sa kanila, kundi sila ang maglalaro sa isa’t isa.

Nagulat ang dalawang lalaki dahil wala sa usapan na silang magkaibi*gan ang magsasabong. Ang alam nila, paglalaruan nilang dalawa si direk.

Komo direktor, mala*kas ang convincing power ni direk. Nangako itong magbibigay ng additional sa dalawa.

Dahil nangangaila*ngan, napapayag ang magkaibigan na magsa*bong sa isa’t isa.

Hindi nagtatagal ay napansin ng dalawang lalaki na parang may hawak-hawak si direk habang nanonood sa kanila. Pinapagana pala nito ang kamera at kinukunan ang dalawa sa kanilang sabong.

Parang mga pusang naghiwalay ang dalawang lalaki sa isa’t isa. Wala kasi sa usapan na kukunan sila ng video.

Hindi raw sila mga professional na **** para gawing bida sa porno films.

Umaayaw na ang dalawang lalaki sa takot na baka mailabas ang kinunang eksena sa kanilang dalawa at mabibilad sila sa kahihiyan.

Pero dahil malakas ang convincing power ni direk, napapayag niya ang dalawa na kunan sandali ang kanilang sabong. Personal consumption lang daw ito at buburahin din.

Nang makalahatang tumatagal ang pagkuha ni direk sa kamera, nagreklamo uli ang dalawa.

Sa takot ni direk na baka magwala na ang dalawang lalaki, itinago na niya ang kamera at sumawsaw na sa dalawa para makipaglaro.

REY PUMALOY
December 19, 2010 Sunday

Saturday, December 18, 2010

December 18, 2010 AM

MAY-ARI NG SIKAT NA SARDINAS, NAWALA ANG MGA MAMAHALING GAMIT NANG MAKIPAG-DATE SA PRODUKTO NG ARTISTA SEARCH
(Na-solo mo na nga siya, ninakawan ka naman...)
ni Roldan Castro, Bulgar


Nu'ng dekada 80, sikat na "star fu*ck*er" ang negosyanteng ito. Naging controversial ang affair niya sa magandang fresh starlet of her time na
ngayon ay indie producer na. Mas controversial din ang naging relasyon niya sa mag-kapatid na starlet na parehong hindi na aktibo sa showbiz
ngayon.

Biglang nag-lie low si sardines magnate, naging knight in shining armor siya ng isang TV commercial-model turned actress na ina ng isang young
actress ngayon. Binigyan niya ito ng house. Nag-tagal ang relasyon, pero katulad ng dati, na-uwi sa hiwalayan.

Kama-kailan ay nag-balik sa circulation ang sardines magnate-star fu*ck*er. Ipina-kilala sa kanya ng isang controversial talent manager na hindi
na rin aktibo sa industriya ang isang produkto ng artista search.

Nawalan ng maraming valuables si sardines magnate habang ka-date ito. Duda ng manager, may pagka-klepto ang produkto ng artista search na 
ito. Sino sila?





Young actress mas magaling na suporta kesa bida
(Pilipino Star Ngayon) Updated December 18, 2010 

MANILA, Philippines - Mas magaling sa supporting role ang isang batang aktres kesa maging bida.

Dalawang pelikula niya ang magkasunod kong napanood this week.

Sa unang pelikula, ang laki ng role niya as in siya ang bida. Pero sadly, super effort sa character na ginagampanan niya. Parang hilaw pa siyang magbida.

Literal na nilamon siya ng ka-partner na kilalang magaling na aktor.

Isang factor siguro kaya hindi siya bumagay ay dahil masyado pa siyang bata para sa role.

Sayang. May ibubuga naman siya sa aktingan pero parang namimili ng role ang hitsura ng baguhang aktres na ito.

Pero kahit ganun, nadala naman ng kuwento ang character niya kaya lumabas pa ring maganda ang pelikulang pinagbibidahan ng batang aktres.

Anyway, nang mapanood ko siya sa isa pang pelikulang kasali na hindi na siya bida, magaling na siya.

Walang effort ang portrayal na cousin ng bida sa pelikula.

Malayo ang mararating niya, ‘yun nga lang parang mas sisikat siya sa supporting role.





Batang aktres, diring-diri sa ex-boyfriend na batang aktor!
(RUEL MENDOZA)
ENTERTAINMENT
Abante Online
December 18, 2010

Tuwing tinatanong ang young actress na ito kung gusto pa nitong makipagbalikan sa kanyang ex-boyfriend na young actor, mabilis na sinasagot nito ay “hindi” na may kasamang pandidiri. Kahit na raw magmanik-luhod ito at lumuha pa ng dugo ay never na raw siyang makikipagbalikan dito dahil sobrang nainsulto ang pagkababae niya sa young actor na ito.

Maganda pa naman ang simula ng relasyon nina young actress at young actor. Kapwa mga baguhan at sa isang TV guesting lang sila nagkakilala. Mula noon ay parang “love at first sight” nga ang nangyari sa kanila.

Pero dahil sa may karelasyon ang young actor na iyon sa isa ring baguhang young actress, umiwas na ang young actress na ito dahil wala raw sa bokabularyo niya ang mang-agaw ng boyfriend.

Nakalipas ang ilang buwan at bigla nga raw tinawagan ni young actor si young actress para sabihin na break na sila noong girlfriend niyang young actress. Puwede na silang magkaroon ng relasyon dahil wala nang masasaktan at masasagasaan.

Ilang buwan din bago sinagot ni young actress ang young actor dahil nakita niya ang pagiging matiyaga nito at nakasundo nito ang pamilya niya. Kaya umabot din sa isang taon ang kanilang relasyon bago naisipan ni young actor na maging unfaithful ito sa mabait na girlfriend niya.

Nasa kalagitnaan na ng isang taon ang relasyon ni young actress kay young actor nang may magsabi sa kanya na nambababae si young actor at dinadala pa niya ito sa bagong biling condo unit niya. Ayaw ngang maniwala ni young actress dahil ang alam niya ay hindi ito magagawa ng young actor sa kanya.

Napilitan siyang tanungin ito sa young actor at siyempre, deny-to-death ang young actor sa akusasyon ng ilang kaibigan ni young actress.

Pero mapaglaro talaga ang tadhana dahil si young actress pa mismo ang nakabuking ng pagiging babaero ng kanyang boyfriend. Naisipan kasi ni young actress na sorpresahin ang young actor sa condo nito dahil wala naman itong trabaho at sinabi niyang magpapahinga lang ito sa condo ng buong araw.

May dala-dala pang paboritong pagkain si young actress para kay young actor. Pagdating nito sa reception guard ay hiningi niya ang floor at room number ni young actor. Namukhaan ng security guard ang young actress at sinabi nito na kakapanik lang daw ng girlfriend ni young actor.

Napa-“Ha?” na lang si young actress dahil siya ang girlfriend ni young actor. Inusisa niya ang guard kung ano ang hitsura ng babaeng umakyat pero bago sumagot ang guard ay bumukas ang elevator at huling-huli si young actor na may kaakbay na ibang babae.

Hindi gumawa ng eksena ang young actress at sumakay ito sa sasakyan niya at umalis. Hinabol siya ng young actor pero hindi niya ito naabutan. Sinubukan niyang tawagan si young actress pero hindi na siya nito sinasagot.

Iniyakan ng ilang araw ni young actress ang ginawa sa kanya ng boyfriend niya. Nang puntahan siya ni young actor sa bahay nito, hindi hinarap ni young actress ang young actor kundi ang maid ang pinalabas niya para sabihin na tapos na sila.

Kinabukasan ay dinala pa ni young actress ang mga niregalo sa kanya ng young actor sa condo unit nito. Doon siya kinuwentuhan ng isang unit owner na iba-ibang babae raw ang naiuuwi ni young actor sa condo nito. Inakala nga raw nila na siya ‘yung babaeng inuuwi ni young actor gabi-gabi.

Kaya hindi na raw kailangan pa
ng kausapin ni young actress ang kanyang ex-boyfriend dahil certified na babaero talaga ito.

Friday, December 17, 2010

December 17, 2010

STARSTRUCK AVENGER, PUMATOL SA MAY SABIT NA RICH BUSINESSMAN, PA-ABROAD-ABROAD NA LANG
(Feeling princess ngayon...)
ni Roldan Castro, Bulgar

Nu'ng businessman pa lang ang guy na bida sa blind item na ito, naging ma-tagal siyang ka-relasyon ng beauty queen-actress. Hindi naman nag-tagal
ang relasyon nila dahil hindi niya ma-pakasalan ang beauty queen-actress. May asawa kasi ang businessman.

Hanggang magkaroon ng baby boy ang businessman sa isang magaling na sexy actress. Nangarap din ang sexy actress na pakasalan siya ng negosyante,
pero hindi rin nangyari. Gayunpaman, well-provided naman siya - may condo, maraming kotse at may weekly allowance.


Ang negosyanteng ito ay tinangka ng isang member ng all-female group na ma-sulot. Hindi naman nag-tagumpay ang magandang miyembro dahil ang
type ng businessman ay sosyal at ingleserang babae.

Pero aktibo raw sa pam-ba-babae ang businessman. Naging jowa niya ang isang Starstruck avenger. Talaga namang inglesera si starlet, kaya
hayun, after na magka-kilala sila, a few days lang, nasa Singapore na sila at limang bese na dinala diumano ang girl sa bayan ng businessman
para mag-practice ng target shooting. Nasa Hong Kong sila as we write this column at balak nilang mag-Las Vegas para ma-dalaw ang anak ng
magaling na sexy actress na may sakit daw sa puso.

'Yun na!



Guwapong aktor, nakawiwindang ang bad breath!
December 17 | Posted by admin | Pinoy Parazzi

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino naman itong hunk actor na ‘to na talaga namang kung titignan mo ay napa-kaguwapo, pero nakawiwindang naman ang pagka-bad breath? Bakit kaya? Totoo kaya ito? O , may naninira lang sa kanya?

Kaya raw siya inayawan ng isang sikat na actress na maka-kissing scene, eh dahil sa amoy ng hininga nito, ‘di ba? Sa bagay, kung ako naman din ‘yun, aayawan ko talaga ‘yun.

Ayan para sa mga clue, nabaliw ang aktor na ‘to sa dating bidang naging kontrabida. ‘Yun na!

Ooola Chika!
By Tita Swarding



Wholesome na primetime actor, pa-booking din?!
December 17 | Posted by admin | Pinoy Parazzi

BLIND ITEM: KINSA Siya? Nakalulungkot ang kuwentong ito mula sa kasamahan sa trabaho. Hindi kasi niya inakalang sumabak na rin sa ‘booking business’ ang isang guwapong primetime actor na wholesome pa naman ang image. Kuwento ng aking kaibigan, meron daw siyang source mula sa isang bansa na malapit lang sa Pilipinas. Diumano, nakita niya itong wholesome na primetime actor sa kuwarto ng isang hotel sa nasabing bansa kasama ang isang rich gay benefactor.
Nagtatrabaho bilang bellboy ang Pinoy source ng aking kaibigan at minsan daw ay nag-room service siya sa kuwarto ng actor at nang pumasok na siya ay nagulat siya na may kasama ang wholesome primetime actor na isang bading. Nabigla rin ang wholesome primetime actor na nadatnan ng bellboy ang rich gay benefactor sa kanyang kuwarto kaya ang ginawa nang actor ay nag-tip-tsina ito sa bellboy ng dollars ha, as in 100 U.S. dollars. Bongga ha! Hindi siya kuripot kung mag-tip.

Pero, dama ng aking kaibigan na kaya ganu’n kalaki mag-tip itong si wholesome primetime actor ay para manahimik at itikom ang kanyang bibig. Hindi akalain ng wholesome primetime actor na matabil itong Pinoy bellboy at ikinuwento ang kanyang nasaksihan.

Nakakaloka ang kuwentong ito dahil sobrang sweet itong wholesome actor at hindi ito makikitaan na gagawa rin pala ng milagro at wais ha, sa ibang bansa pa nagpa-booking.

By Arniel Serato



AKTRES, TAGILID SA REMAKE NG MOVIE DAHIL TABACHINGCHING!
('Andito na naman, todo-announce na kasama, inunahan pa ang produ...)
ni Dinno Erece, Bulgar


Hindi pa rin na-pa-finalize ang cast ng isang remake ng movie noon. Nakaka-tawa ang nangyayari sa final casting ng isang movie na ga-gawin next
year. Kung sinu-sino na ang na-a-announce na cast nito and some of them, sila na mismo ang nag-a-announce pero as of this writing, tatlo 
pa lang din ang officially included sa movie na ang producer na ang nag-sabi.

Pasok sa TEMPTING movie ang Reyna ng Kapuso, and Diyosa ng Isla at ang may mina-mahal sa Hong Kong. The fourth girl, pinag-pi-pilian pa sa tatlo
na may requirement na kailangang gawin.

Ang FLOWER girl, dapat ay mag-pa-payat dahil tuma-taba raw. Ang babaeng ASUL, same situation, dapat mag-pa-payat din. Ang babaeng mahal ng
AMNESIA boy, kabaligtaran naman, kailangang magpa-taba.

May pang-apat na pangalan nang nai-lista pero near to impossible ito, the CALENDAR girl of 2011. Hinding-hindi ito ipa-hi-hiram ng kanyang
agency and network sa said film company kahit nag-ba-balak na ang producer na kausapin ang huma-hawak sa kanya.

Kaya payo sa mga artista, hanggang hindi ang producer ang nag-a-announce, huwag munang pangunahan nang hindi ma-udlot.

Wednesday, December 15, 2010

December 15, 2010

MAGALING NA AKTRES BUNTIS NA NAMAN?
ni Ambet Nabus, Bandera


Naku, kapatid na Ervin, gulat na gulat kami nang malaman namin ang identities ng magka-relasyong sikat na aktor at sikat na aktres na ma-tagal
na palang nag-pa-plano na mag-pakasal.

Yes, isang mapagkakatiwalaang source ang na-dulas sa amin isang hapon habang kami'y nag-ku-kuwentuhan ng mga usapang bakasyon out of the country,
ang nag-chika nga na dapat pala ay noon pa nagpa-secret marriage ang dalawa. Minsan na kasi silang nag-bakasyon together at noon diumano nila
napagkasunduang mag-pakasal, pero na-delay ito dahil sa dami ng mga projects nila.

Muli nila itong plinano bago pa mag-Decmeber, pero may oportunidad uling dumating na isang bonggang project for them. Pero sabi nga ng aming
impormante, "Baka after Christmas ma-gawa na nila. Malay natin, it comes in threes! Hahaha!"

Obvious namang positibo ang dulot ng relasyon nila sa kanilang mga career at personal lives, at nasa hustong gulang na sila to settle down.

A-abangan natin ang su-sunod na kabanata, mga kapatid. Hindi lang namin sure kung totoo ang mga chika na kaya mag-pa-pakasal na ang showbiz 
couple na ito ay dahil buntis na ang girl. 'Yun na!




CALL CENTER AGENT NA EX-JOWA NG BADING NA MATINEE IDOL, AYAW MAG-ARTISTA
ni Ed De Leon, X-Files

Wala naman daw balak na maging artista ang call center agent na nag-si-simula nang mag-kuwento sa naging relasyon niya sa isang bading na matinee
idol. Kuntento na raw naman siya sa kanyang trabaho. Nagkataon lang na nakapag-kuwento rin siya tungkol sa kanyang naging karanasan dahil
sa pagka-inis na rin dahil feeling niya ay ni-loko rin naman siya ng bading.





PA-LAOS NA AKTRES, MAMATAY-MATAY SA INGGIT SA KASABAYANG AKTRES
ni Ed De Leon, PM

Ang totoo, mamatay-matay pala sa inggit ang isang aktres na hindi na masyadong na-pa-pansin ng mga tao at ng media. Lalo pa nga siyang na-i-inis
dahil ang ka-kumpetensiya noong panaahon ng kanyang kasikatan hanggang ngayon ay talagang sikat pa rin. Paano ba naman siyang hindi ma-i-inggit?

Sa haparan, sina-sabi pang sana ay mag-balik na nga ang dati niyang ka-laban pero pag-talikod sa iba, ang sina-sabi, "Bakit kaya hindi pa iyan
manahimik?"





MAY EDAD NANG MALE SINGER, ULYANIN NA, PINAGBINTANGAN ANG KASAMAHANG NINENOK ANG GAMIT NIYA, NA-IWAN PALA SA RESTO!
(Koriks! 'Di win 'pag puno ang memory...)
ni Roldan Castro, Bulgar

Nakaka-loka ang male singer na ito dahil may sakit na siyang ka-limot. May edad na rin kasi kaya laging nawawalan ng gamit. Nu'ng una, nawalan
ito ng gadget at pinagbintangan niya ang isang kasamahan sa trabaho. May chismis na na-iwan pala niya ang gadget sa kinainan niyang restoran sa
Timog at ibinalik naman sa kanya.

Pero dahil may pinagbintangan na siya, hindi na niya inamin na ibinalik sa kanya dahil may tao na siyang na-saktan at na-pahiya. May nabalitaan
na naman kami na nawalan uli ng gamit ang magaling na male singer. Hay, naku, dala na talaga ng katandaan!

Sino ang male singer? Basta ang show niya ay napapa-balitang ma-si-sibak na...





SIKAT NA YOUNG STAR, KINU-KUWARTAHAN LANG ANG TIBONG DIREK, GUWAPO AT BIG TIME NAMAN NA AKTOR ANG TOTOONG LABS!
(Kelan kaya siya ma-ha-halata at ma-te-take ang gina-gawa niya?)
ni Mercy Lejarde, Bulgar

Press release ng isang sikat na young star, best friend niya ang t-bird na direktor, pero ayon sa isang network insider, ang totoo, ka-on
niya ito at kinukuwartahan lang daw niya dahil lalaki pa rin ang kina-career niya - ang isang aktor na na-li-link sa kanya ngayon na guwapo
na ay big time pa dahil galing sa isang mayamang pamilya.

Korek, bilmoko raw (raw, ha, raw!) ang girl sa tibong direk, pero panay naman ang pa-cute nito sa guwapong aktor na nagpapa-tibok sa kanyang
heart. Kung kelan siya ma-ha-halata ni tibong direk at ma-te-take ang kanyang gina-gawa, that's the question.

Tuesday, December 14, 2010

TUESDAY DECEMBER 14 2010

Aktres, mahilig manlait kahit maputik ang sarili
Written by Ed de Leon
Tuesday, 14 December 2010 00:05
HATAW!


NATATAWA na lang ang isang aktres sa tuwing mapag-uusapan ang mga kahibangan ng kanyang dating sister in law na artista rin naman. Kung ano-ano nga raw kasi ang pinagsasabi niyon tungkol sa kanyang buhay, e sa totoo lang may sabit pa nga siya dahil kasal pa naman siya sa nauna niyang asawa. Kaya nga natatawa na lang ang kanyang dating sister in law. Akala mo nga naman kung sinong makaporma pero magulo rin naman ang buhay.




2 komedyante, naghahangad masulot ang titulo ni Ai Ai
Written by Timmy Basil
Tuesday, 14 December 2010 00:02
HATAW!

NAGKAROON ng Christmas Party for the movie press si Ai Ai delas Alas na ginanap sa City’s Best. Parang panata na rin siguro ni Ai Ai ang mag-share ng kanyang blessings tuwing Pasko sa mga movie reporter na nakatulong naman sa kanya in terms of publicity sa loob ng isang taon.

After all, siya pa rin naman ang Comedy Queen. May mga nag-aasam na masungkit ito mula sa kanya pero pawang bigo sila.

Actually, dalawa ang gustong masungkit ito sa kanya pero ‘yun na nga, bigo sila at hindi talaga makuha-kuha nila mula kay Ai Ai ang titulo.

Tamang-tama at akma ang titulo ng concert ni Ai Ai na Akin ang Tronong ‘To na siguro ay patama niya sa dalawang komedyana na nag-asam na makuha ito mula sa kanya.








Seksing young actor, bugaw ng mga batang aktor!


Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang isang sexy young actor na bading pala ang dating child actor na napapanood niya noon sa TV at pelikula. Na-confirm niyang bading ito nang minsang mai-take home siya nito mula sa isang kilalang bar sa Quezon City.


Kasama nga raw ni sexy young actor ang kanyang mga kaibigan nang magpunta sila sa naturang bar.


Since sanay na nga ang sexy young actor na kapag nalasing ay naiuuwi ng kahit sino. Pero hindi siya libre na naiuuwi dahil may presyo siya. Raket nga niya iyon since wala siyang masyadong trabaho ngayon sa TV.


Noong tumambay ito sa bar ay nilapitan siya ng isang lalake na hindi naman daw mukhang bading pero pamilyar ang mukha. Nag-offer ang lalake sa kanya ng presyo at kinagat naman ng sexy young actor. Since medyo lasing na siya, maaatim na niyang romansahin ang lalakeng ito dahil maganda ang presyo na bigay sa kanya.


Nang dalhin daw siya sa condo unit nito, nakita ng sexy young actor ang mga litrato na naka-display.


Kaya pala pamilyar ang bading ay dahil dating child actor ito. Naka-display pa nga ang isang trophy nito na katabi ng kanyang mga litrato noong bata pa siya.


Nang tawagin siya sa kuwarto ay agad niyang si*nimulan ang trabaho sa bading. Alam ni sexy young actor na madatung ang bading kaya gagalingan niya para may ekstrang bayad.


Hindi nga naman nabigo ang sexy young actor dahil natuwa ang bading sa kanyang performance at na-triple ang bayad sa kanya. Pero bago umalis ang sexy young actor ay tinanong ng former child star na ngayon ay bading kung mairerekomenda niya ang ilang mga young actors ngayon na pahada.


Kapag nagawa raw niya iyon, may komisyon siya.


Nag-name drop nga ang sexy young actor ng mga pahadang young actors ngayon at nangako siya na madadala niya ito sa bading na dating child actor. So ngayon, bukod sa pa-take home na ang sexy young actor, bugaw pa ito ngayon kaya sobra-sobra na ang niraraket niya kahit wala siyang regular na trabaho ngayon.


RUEL MENDOZA
TUESDAY, DECEMBER 14, 2010




KINSA Sila? Dati nang may maraming hindi kagandahang balita tungkol sa ugali ng young actress A na sumikat sa TV version ng isang sexy movie noon.
December 14 | Posted by admin | Blind Items | Pinoy Parazzi


KINSA Sila? Dati nang may maraming hindi kagandahang balita tungkol sa ugali ng young actress A na sumikat sa TV version ng isang sexy movie noon. Si young actress A ay produkto ng reality star search ng isang malaking istasyon kapareho ng bestfriend niyang si young actress B na nagmula rin sa isa pang reality search sa isang sikat na bahay.

Naging mabilis ang kanilang pagiging mag-bestfriend dahil pareho silang galing sa south. Palagi silang magkasama sa mga lakaran, sa gimikan at maging sa mga sikreto nilang dalawa ay alam ng bawat isa. Kuwento pa ng ate ni young actress B sa isang staff ng isang showbiz talkshow, sa kanila pa nagpa-Pasko noon si young actress A dahil nga malayo ito sa kanyang pamilya. Pero lately, naging maasim na raw itong si young actress A kay young actress B dahil mas magagandang proyekto ang naibigay kay young actress B kaysa sa kanya.

Marami rin ang nagtataka kung bakit marami umanong istorya ng kamalditahan sa staff at sa personal assistant itong si young actress A. Noong nagsisimula pa lang itong si young actress A, sweet ito sa mga staff ng mga showbiz talkshow kasi lagi itong bumebeso sa kanila. Pero ngayon, kapag nasalubong or nakatagpo sa mga events itong si young actress A, hindi na nito ginagawa ang pagbeso sa mga crew ng mga talkshows.

Sana hindi tuluyang malunod sa isang basong tubig itong si young actress A, dahil ang kanyang bestfriend noon na si young actress B ay hindi pinagbago ng kasikatan kaya tuloy nananatili ito sa rurok ng tagumpay!!!

(Arniel Serato)





Young actor sobrang sinungaling
Bandera
First Posted 07:30:00 12/14/2010


MAY nabasa kaming mga pahayag ng isang hunky actor tungkol sa rumor na pumapatol siya sa bading. Halos mabuwal kami sa aming kinauupuan dahil grabe rin palang magpalusot ang bagets na ito. Wala siyang inamin siyempre, lahat itinanggi niya.

Pinalabas niyang baka may bading lang daw na nag-iilusyon sa kanya. My gosh! Love ko pa naman ang bagets na ito pero nagtayuan ang mga balahibo ko sa pagdedenay niya. Sana ay hindi na lang siya nag-comment para hindi siya pinagtatawanan ngayon ng mga bakla.

Ang sabi ni bagets ay ni minsan daw ay hindi siya pumatol sa bading. Meron daw minsang nag-text sa kanya but was asking for a "date". Ang ginawa niya ay nagpalit daw siya agad ng number para hindi na siya kulitin nu'ng bading.

"I saw that guy with a gay beautician na nagsa-shopping. Pinamili siya ng bading and confirmed ko na may relasyon sila. Sinusundo pa nga siya minsan, e. And looks like, in love ang bading sa kanya. Balita ko, meron siyang tinatanggap na regular allowance from my gay friend," anang isang source namin. Nang marinig namin ang namesung ng bading ay naalala kong nakasama ko pa minsan sa New York ang gay beautician na ito. Mabait nga iyon at may ipon na talaga.

"Nang mabasa ko ang denials ni _____ (pangalan ni actor), natawa talaga ako. Ang galing-galing niyang mag-imbento ng kuwento. Ano naman ang masama kung nakikipag-date siya sa bading, aber? Pinakikinabangan naman niya, di ba? Hindi naman siya nagbabalahura. Kung ayaw niyang malaman ng fans niyang meron siyang gay benefactor o sumama na siya before sa mga bading, manahimik na lang siya.

"Deadmahin na lang niya ang issue or i-comedy na lang niya by saying na matagal na niyang naririnig ang tsismis na iyan. Pero hindi na niya kailangan pang magpaliwanag dahil hindi naman totoo. Ang haba-haba ng explanation niya, hindi naman totoo. Ano ba iyan?" litanya ng aming kausap.

Ayan kasi, hindi nag-iingat kaya nakakalkal tuloy ang past. Meron pang sinabing isyu ang source naming ito tungkol sa isang naudlot na affair ni bagets actor sa isang talent manager na bading na tinanggihan siya for some personal reasons. Alam n'yo, sakit na ng mga artista iyan eh, ang mag-deny kahit bukung-buko na.







Matinee idol kabit ng 2 mayamang bading
Bandera
First Posted 07:30:00 12/14/2010


Meron pang isang kuwentong gay story na sarap pagpistahan. Ha-hahaha! Hindi lang ito ordinaryong affair ng sikat na matinee idol sa isang mayaman niyang gay benefactor. Kakaiba rin ang drama ni bagets. Hiniwalayan na niya ang kanyang sikat ding girlfriend dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang gay lover.

Gandang story, 'di ba? Hindi ito fairytale, totoo ito. Ganito ang kuwento. Long time ago, ang kaibigan naming rich gay ay may steady boyfriend na isa ring actor na nanalo sa isang reality show ng isang malaking network. Pinag-aral ni rich gay ang noo'y bagets pang actor.

Kinunan niya ito ng condo unit sa Quezon City at talagang nagmahalan sila na parang tunay na magdyowa. One time, nakarating sa actor na may another actor na kinalolokohan ang kanyang gay lover. Mas sikat daw sa kanya. Narinig ni steady boyfriend na ikinuha ng townhouse ng bading ang matinee idol.

Hindi naman binili ni rich gay ang townhouse, patira lang kumbaga sa matinee idol na that time ay nagpapagawa pa lang ng sarili niyang bahay. One time ay inikutan ni steady boyfriend ang townhouse na iyon at kitang-kita raw niya ang bading na nagbababa ng bagong appliances para kay matinee idol. Kinagabihan ay nag-usap nang masinsinan si steady boyfriend and rich gay, pilit na pinaamin si bading kung may relasyon nga ba sila ng matinee idol.

Deny naman nang deny si rich gay kahit huling-huli na sila sa akto ni matinee idol. Umiyak si steady boyfriend, as in hagulgol talaga! Sabay sabing bibigyan na niya ng kalayaan ang kanyang lover kahit mahal na mahal niya ito.

And guess what? Totoo nga pala ang tsismis, naging mag-on talaga sina matinee idol at rich gay. Hiniwalayan pa raw ni matinee idol ang kanyang sikat na GF. Pero ano itong bagong kumakalat na chika na hindi pa raw nakuntento si matinee idol sa mabait niyang gay lover dahil once in a while daw ay nakikita itong nakikitulog sa isang maitim na gay TV and movie director?

Ano naman daw kaya ang drama ni matinee idol sa buhay ng gay director na ito? Kung pera naman ang pag-uusapan, marami na namang ipon si matinee idol, napakaganda ng ipinatayo nitong bahay. Marami siyang shows at mabenta sa mga out of town performances. Ano pa't namamangka pa siya sa dalawang bading na ilog?

Kakaloka, di ba? Pag nakorner mo ang bagets na ito, definitely, magdedenay rin ito. Sure na sure na kami diyan. Mabait lang talaga ang batang ito kaya hindi namin mabuking sa aming mga panulat.

Nagugulat lang kami sa kuwentong nakabalot sa buhay at pagkatao niya. Ang tanong nga namin, hindi kaya bading na rin siya ngayon?

Sunday, December 12, 2010

December 12, 2010

FEMALE STAR TAKOT NA TAKOT KAY SIKAT NA AKTOR
ni Ervin Santiago, Bandera


Takot na takot daw itong si female star. No, hindi siya minu-multo o ina-asawng. May fear factor lang daw ang magandang aktres dahil sa 
pagkaka-link niya sa isang sikat at super guawpong aktor.

Sey ng ating source, hindi raw kasi nagugustuhan ni female celebrity ang pagkakaroon nila ng "special conection" ni kilalang aktor, bukod daw
kasi sa ayaw niya ng mga negang intriga, na-ta-takot din daw siya sa posibleng gawin ng misis ni male star sa kanya kung mag-pa-patuloy ang 
pag-kalat ng mga chismis tungkol sa kanila.

May chika kasi kaming narinig na minsan na raw pina-sundo ni aktor si female star sa bahay nito, ang akala raw ng girl ay driver lang ang
su-sundo sa kanya, pero na-shock daw siya na pati ang aktor at mga bodyguard nito ay kasama rin.

Hiyang-hiya man daw si aktres ay sumakay na rin siya sa kotse ni aktor. Sey ng ating source, "Wala namang nangyari sa kanila. Basta sinundo
lang siya dahil nga may shooting sila that time. Siguro, nagpapaka-gentleman lang si (name ni aktor) pero malay natin kung ano talaga ang
balak niya du'n sa girl, 'di ba?"

Sey pa ng ating source, "Buti na lang hindi pokpok si (name ng aktres) dahil kung cheap 'yun, pumatol na 'yun. Ang masama lang diyan, baka
ma-challenge 'yung lalaki sa kanya at hindi siya tigilan, 'di ba? Patay kang bata ka! Baka 'yun ang ikina-ta-takot nu'ng girl, baka one day 
ay sugurin na lang siya ng misis ni aktor! Hahaha!"

Kailangan pa ba ng clue? I know, alam niyo na kung sino sila. 'Wag nga kayong mag-maang-maangan. Hahaha!




SEXY STAR PINI-PILAHAN NG MGA MA-YA-YAMAN
(Ma-tapos kalasan ng milyonaryong may-ari ng maraming condominiums...)
ni Ernie Pecho, PM

Kilala ang isang sexy star sa kanyang mga relasyon sa mga very rich at powerful. Sanay siya sa real-life role na backstreet woman o betsa
by golly wow (read: kabit).

Maganda na sana ang takbo ng affair niya sa isang may-ari ng mga condominiums. Noong una ay nai-ta-tago pa ang lihim na relasyon. Na-gulat na
lang ang millionaire-builder na nasa blind items na siya bilang bagong sugar daddy ni Miss Sexy.

Higit siyang nag-panic nang hilingin sa kanya ng voluptuous star na siya ang kuning image model sa mga condominiums na ibine-benta sa publiko.
Siyempre, higit na ma-bu-bulgar ang affair nila kapag ang artista ang lumabas sa mga anunsiyo ng kanyang condo buildings.

Napilitan tuloy ang negosyante na kumalas bigla sa kanyang betsa by golly wow! Na-iwan na lamang nag-i-isa ang artista. Ewan ko ba kung bakit
madali naman maka-kita ng bagong mag-ma-mahal si sexy.

Mukhang maraming ma-ya-yaman ang naka-pila at nag-ha-hangad na ma-tikman siya!





Female Dancer Binastos, Ipinahiya Ni Willie!
(Sey daw ng mga nakapanood sa Willing Willie...)
ni Jobert Sucaldito, Bandera


DON'T watch Willie Revillame's show actually, honest to God! You know naman why, di ba? Alangan namang magpakaplastik pa ako sa inyo – natural na hindi ko panonoorin ang show niya – para ano? Ha-hahaha!

Anyway, a friend of mine from the States sent me an e-mail tungkol sa napanood niyang episode kung saan may nag-birthday daw na isang female dancer si Willie.

"Kapamilya talaga ako, palagi lang akong nakatutok sa mga shows ng Dos kaya lang, hindi ko type ang Noah kaya lumipat ako sa TV5. Kapal talaga ng mukha ng Willie na iyan. Nag-birthday yung isang dancer niya. Imagine, sinalpak niya ang cake sa mukha ng babae. Kahit sabihin pang biro iyon, hindi magandang tingnan, di ba?

"How ungentleman of him! Wala talaga siyang modo, akala niya magandang tingnan at nakakatawa yung ginawa niya? Ang bastos!" ayon sa kanyang e-mail.

Kahit hindi ko napanood ang episode na iyon, I feel na in bad taste nga naman kung totoong ginawa ‘yan ni Willie. Kawawa naman ang girl para salpakan mo ng cake sa mukha.

Hindi na lang sana siya nag-birthday sa show para hindi siya nabastos nang ganoon. Para kay Willie siguro cute ang ginawa niya, pero sa ibang tao, hindi maganda ang ganu'ng biro.

Kasi nga, napakarami niyang nabobolang matatanda at kiyemeng sumusuporta sa kanya kaya akala niya, sikat na sikat pa rin siya. Ewan ko ba sa mga matatandang ito, naniniwalang si Willie ang magbabago ng buhay nila. Hindi nila alam na gamit na gamit sila sa show. Pinaniniwala sila ni Willie na siya ang emissary ng langit para tumulong sa kanila gayong hindi naman talaga. Kaloka!

May nag-e-mail naman sa akin na tatlong girls na galit na galit naman kay Willie dahil sa pakikipag-break daw nito kay Nadine, ito yung girlfriend niya noon na estudyante, remember?

"May naka-post pang photo nila ni Nadine na magkasama pa sa trade launch ng TV5 noong October at sweet pa sila. Ngayong pumasok na sa eksena itong si Shalani Soledad ay bigla niyang hiniwalayan si Nadine. Anong klaseng lalaki 'yan? Pinaglalaruan lang ba niya ang mga babae?" anang galit na galit na e-mail sender namin.

Feeling ko, kaibigan nu'ng Nadine ang mga babaeng nag-e-mail as amin, pero hindi na lang ako nag-react sa akusasyon nila dahil wala pa akong nakukuhang ibang detalye about it. Pero isa lang ang masasabi ko rito, totoong marami pa rin ang imbiyerna kay Willie.

"Nakakaloka ang kuwento tungkol sa dancer niyang si Aiko. Nang may makaaway itong isa pang dancer sa show nila, biglang tinanggal si Aiko sa show at binawi ang mga ibinigay niya du'n sa tao. Bakit? May relasyon ba sila? Kasi parang nagselos yata itong Aiko sa isang dancer ni Willie?" ang isang post naman na nabasa ko sa aking Facebook account.

I wouldn't know pa rin kung ano ang totoo tungkol diyan. I am not privy to Willie's affairs. I don't really care a bit. Hindi na naman bago sa pandinig natin ang kapilyuhan ni Willie sa girls, di ba? Ilang sexual harassment cases na ba ang isinampa laban sa kanya? Kaya kebs naman natin diyan.

Hay naku, napakaraming kuwentong hindi maganda about Willie Revillame. Yung maraming press releases na pinalalabas nila about him na kesyo mabuti ang puso niya, na mabait siyang kaibigan, na matino siyang tao, etcetera, etcetera ay hindi ko talaga mapaniwalaan. Sa mga mata pa lang ni Willie ay basang-basa ko na ang nasa loob niya. My gosh naman!





SHOWBIZ COUPLE, I-DE-DEMANDA NG MGA ADVERTISERS!
(Kapag na-buking na hindi sila OK...)
ni Ervin Santiago, Bandera


Totoo nga kaya ang mga na-ba-balitaan naming mga chika about this showbiz couple na pilit itina-tago ang kanilang marital problems para protektahan
lang ang kanilang multi-million endorsements?

Ayon kasi sa isa nating source, true raw ang mga bulung-bulungan na hindi ma-ganda ang relasyon ngayon ng dalawang celebrities na ito. Duma-daan
daw kasi sila sa isang maselang sitwasyon kung saan may third party involved.

"May affair daw kasi si (name ni female celebrity) sa isang mayamang businessman, pero hindi niya ito ina-amin kay (name ni male celebrity).
Kahit na may mga nag-pa-patunay na totoong may ka-relasyon siyang iba bukod sa partner niya," unang chika ng aming spy.

May naka-kita raw kasi kay female celebrity sa isang secluded place sa isang probinsiya kasama ang mayamang negosyanteng sinasabing kalaguyo nito.
Isa ring kilalang personalidad ang tinu-tukoy na businessman sa kuwento kaya nag-ta-taka ang aming source kung bakit napaka-lakas ng loob ng
dalawang ito na mag-pakita sa mga tao gayung may kanya-kanya na rin silang buhay?

"'Yun nga ang point, hindi naman daw kasi basta friends lang ang makikita mo sa mga kilos nila, there's something deeper pa raw sa sinasabi
nilang friendship. Hindi mo i-isiping basta mag-kaibigan lang sila dahil parang kini-kiliti raw ang girl kung maka-tawa habang mag-kasama raw sila,"
dagdag pa ng ating kausap.

Actually, hindi ito unang pagkakataon na ma-chismis na may ibang lalaking kina-kalantari si female star, pero hindi kami maka-paniwala na pa-patulan
ni aktres ang sinasabing negosyante dahil na-kilala nga ang personalidad na ito sa mga hindi kagandahang issue noon sa gobyerno.

Ang chika pa rito, pigil na pigil lang ang partner ni female star dahil hindi nga ito makapag-react nang bonggang-bongga dahil baka ma-demanda
sila ng ilang advertisers sa TV. Na-batid kasi namin na hindi sila maaaring ma-involve sa isang iskandalo habang sila ang endorsers ng mga
nasabing produkto.

Wala na munang clue dahil medyo sensitive ang issue, basta regular silang na-pa-panood sa TV at mga commercials. Hahaha! Ma-hirap ba?





MA-GALING NA AKTRES, LAGING KASAMA ANG DATING MATINEE IDOL SA GAY BAR
ni Roldan Castro, Bulgar

Napa-dalaw kami sa White Bird sa Roxas Boulevard, Paranaque kung saan ipinasyal namin ang amiga namin from Davao na si HP kasama ang kaibigang
si Danny Batuigas. Napag-usapan na na-talbugan sila ng isang ma-galing na aktres at isang aktor dahil nag-punta sa ka-laban nilang gay bar.

"Dito talaga sila unang nag-pu-punta. Ma-tagal na silang nag-pu-punta rito dahil kaibigan nila ang isa sa mga owners ng White Bird. Hindi naman
ako naniniwala na nakikipag-agawan si (name ng aktres na na-ka-kaladkad ang pangalan sa gay bar) ng i-te-table. Na-no-nood lang 'yan, behave lang.
Ang daming guwapo rito sa White Bird pero never siyang nag-table," sey ng isang insider sa White Bird.

Ang ikina-wi-windang namin at itina-tanong ay kung bakit laging kasama ng ma-galing na aktres 'yung dating matinee idol na may edad na ngayon sa
ganong klaseng lugar>? Kasama rin daw nila ang isang gay director. Na-no-nood lang kaya sila at may indie movie na ga-gawin tungkol sa gay bar?

Pero ang na-loka kaming kuwento sa White Bird ay may nag-punta rin dati na dalawang beteranang aktres. Kasagsagan 'yan na na-li-link ang award
winning actress sa isang macho dancer.

Nag-table daw sila roon pero cheke ang ibinayad. Ang nakaka-loka, tumalbog ang cheke! Hindi na raw pina-laki ng owner ang isyung 'yun dahil
kaibigan niya ang mga ito. Hindi kaya makita ulit sa December 18 ang aktres, dating matinee idol at dalawang veteran actresses dahil grand
finals ng Mr. White Bird 2010?

'Yun na!





Senador Pang-Kampanya Ang Christmas Gifts
(Boyet Jadulco)


Kahit pitong buwan nang tapos ang halalan sa bansa, mistula pa ring nangangampanya ang isang miyembro ng Upper House.

Paano ba naman, imbes na pagbati ng Merry Christmas ang atupagin ng senador sa kanyang mga kaibigan at kakilala, aba’y pagbubuhat ng bangko ang ginagawa ng mokong.

Sa impormasyong nakuha ng TONITE, namahagi raw ng mug ang senador na ito sa kanyang mga kakilala at kaibigan kung saan nakatatak ang kanyang mukha.

Ang classic pa nito, ipinagyabang pa nito ang isang Republic Act, ang nag-iisang batas na naipalusot nito sa ilan taon niyang paninilbihan sa Senado, nang itatak niya ito sa kabilang bahagi ng mug.

Halos maloka raw ang mga nabigyan ng mug, aba’y ito na kasi ang regalo ng senador sa kanila ngayong Kapaskuhan.

Wala naman daw Christmas message na nakatatak sa mug, napapaghalata tuloy na ito ang latak ng mga ipinamahagi ng senador sa mga botante noong siya ay tumakbo nitong May elections.

Buti sana kung ginto ang mug at baka tanggapin pa sa sanglaan na iniindorso ni Ogie pero tatlo isangdaan lang ito sa Divisoria o kahit na saang branch ng Uniwide.

Malamang, pang-kolek*syon ang mug na ito, siguro ay gawa sa lahar na hindi maubos-ubos sa lalawigan ng Pampanga at Sorsogon.

Clue: Ang senador na namigay ng mug sa panahon ng Kapaskuhan ay yumaman sa negosyo ng buhangin. May letrang L sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Lunok ng Lunok lang ito ng laway tuwing may sesyon ang Senado.