Tuesday, November 30, 2010

Tuesday November 30, 2010 P.M.

Aktres, tanggap na ang pagiging laos
Written by Ed de Leon
Tuesday, 30 November 2010 00:01
HATAW!

MUKHANG tanggap na ng isang female star na wala na ring pupuntahan ang kanyang career. Una, kasi naman matanda na siya, at saka sa ngayon marami ng mga batang artista na talagang mas sumikat dahil mga bata pa lang ay nagpakita na ng pagiging isang tunay na aktres, hindi kagaya niya na noong araw, mga basurang pelikula lamang ang ginawa niya.

Ngayon nga ang biruan, hindi na pagiging artista ang kanyang hanapbuhay kundi graft and corruption na.




Young actor, damay sa kabaliwan ng manager!
RUEL MENDOZA
TUESDAY, NOVEMBER 30, 2010
Abante Online


Naaawa ang isang talent coordinator sa isang promising na young actor dahil baka madamay ito sa hindi magandang pag-uugali ng kanyang manager. Nagsisimula pa lang ang young actor na ito at mukhang malaki ang magiging future sa showbiz. Pero malaking balakid ang kanyang manager na walang kuwentang kausap.

Sobrang hirap daw kausap ang talent manager na ito dahil hindi ito matinong kausap. Nababaliw nga ang talent coordinator na ito dahil magulo raw kausap ang manager. Matinong kausap sa umpisa, pero kinabukasan ay iba na ang mga sinasabi. Para nga raw sinasapian at kung anu-ano ang mga pinagsasabi.



“Naku hindi na siya madaan sa matinong usapan. Lahat ng gusto niya ibibigay naman, pero may reklamo pa rin siya. Ang ending, kinansela na lang namin ang guesting ng talent niya.
“Naawa nga ako sa talent niya kasi excited pa naman ito sa guesting niya.

Gustung-gusto nga niyang mag-guest sa show, pero dahil sa sinasapian ng masasamang espiritu ang manager niya, huwag na lang dahil hindi namin kailangan ang ganyang mga manager na nagpa-power trip. Ang dami kayang artista diyan kaya sorry na lang sa kanila,” mataray na kuwento ng talent coordinator.

Nalaman na lang ng talent coordinator na may kinalaman ang talent fee sa alaga ng baliw na manager at sa talent fee ng nakakatapat ng alaga niya kaya ito nagpa-power trip.

“Tama lang na bayaran namin ng maganda ang kalaban ng alaga niya dahil mas malaki ang name nito at hindi sakit ng ulo ang manager niyan. Isang tawag mo lang, basta available ang talent niya, ibibigay niya. Wala nang pag-uusapan sa TF kasi maayos naman.

“Hindi tulad nitong isang manager na mukhang pera na. Gusto mas mataas ang TF ng talent niya. As if naman puwedeng gawin iyon, eh may record sila dito sa amin ng TF nila. Paano mo irarason ang biglang pagtaas ng TF ng talent niya?”

Dapat nga raw ay matutong makisama ang talent manager na ito para na rin sa mga alaga nito. Mamuhunan muna siya ng PR bago ang paniningil niya ng sobrang mahal na TF.

Tuesday November 30, 2010 A.M.

Umbagan ng mga starlet 'di pinansin! 

Holiday kahapon pero trapik sa mga mall dahil sa kanilang mga early Christmas sale. Walang nagbago sa schedule ko kahapon dahil may taping kami para sa Tweetbiz at weekly meeting para sa Startalk.

Tahimik ang showbiz dahil nasa vacation mode pa ang mga artista, porke long weekend nga. May umbagang nangyari sa Republiq Bar noong Sabado pero hindi lumaki ang isyu dahil mga starlet ang involved.

Mga sikat na artista na nagtatarayan at may word war ang type panoorin ng mga tao pero contented na sila sa mga pag-e-emote ni Sharon Cuneta.

Lolit Solis 
November 30, 2010




May tsismis na isang Kapamilya actor ang lilipat sa GMA 7 dahil gusto raw mapasama sa epic serye ni Marian Rivera. In fact, nag-audition daw ang actor at nakipag-meeting na ang manager nito sa management ng GMA Network.

Mahirap paniwalaan na gugustuhin ng actor na ito na lumipat sa Channel 7 for the epic serye na as of today, Amaya na lang daw ang title, dahil hindi siya nawawalan ng project sa ABS-CBN at sunud-sunod pa nga ang projects niya at sa malalaking artista pa ng network itinatambal.

Saka ang alam namin, may kontrata sa ABS-CBN ang actor at hindi siya papayagang gumawa sa GMA 7 kahit one project lang. Hindi rin maganda kung after one project sa GMA 7, babalik siya sa ABS-CBN.

Nitz Miralles
November 30, 2010





MALE MODEL-SHOWBIZ PERSONALITY, BUMAGSAK ANG KATAWAN DAHIL SA DROGA
ni Ed De Leon, X-Files


Aminado ang isang male model-showbiz personality na rin sa ngayon, hindi naman masasabing in-shape talaga siya, kaya nga raw hindi siya
masyadong visible sa trabaho maliban sa ilang simpleng modeling jobs.

Basta raw nasa tamang porma na siya, magiging active siya ulit. Eh paano naman siyang ma-la-lagay sa tamang porma eh ang balita, panay ang
tira niya ng droga?





BUHAY NG ISANG ACTOR, TULUYANG NAWASAK NA
ni Ed De Leon, X-Files


Talagang tuluyan nang na-wasak ang buhay ng isang actor, at iyon ay dahil sa kanyang pagkaka-gumon sa droga. Kahit na nga nagpa-rehab na iyon,
hindi pa rin talaga mawala sa kanya ang bisyo.

Ang nag-turo naman ng masamang bisyong iyon sa kanya ay isang bading na actor na tinuruan siyang mag-bangag para lamang ma-gawa sa kanya ang
mga kagustuhan noon.

Nang mag-sawa na, iniwan din siya ng bading na actor, pero nanatili siyang gumon sa droga.





Young actor, damay sa kabaliwan ng manager!

Naaawa ang isang talent coordinator sa isang promising na young actor dahil baka madamay ito sa hindi magandang pag-uugali ng kanyang manager. Nagsisimula pa lang ang young actor na ito at mukhang malaki ang magiging future sa showbiz. Pero malaking balakid ang kanyang manager na walang kuwentang kausap.

Sobrang hirap daw kausap ang talent manager na ito dahil hindi ito matinong kausap. Nababaliw nga ang talent coordinator na ito dahil magulo raw kausap ang manager. Matinong kausap sa umpisa, pero kinabukasan ay iba na ang mga sinasabi. Para nga raw sinasapian at kung anu-ano ang mga pinagsasabi.

“Naku hindi na siya madaan sa matinong usapan. Lahat ng gusto niya ibibigay naman, pero may reklamo pa rin siya. Ang ending, kinansela na lang namin ang guesting ng talent niya.
“Naawa nga ako sa talent niya kasi excited pa naman ito sa guesting niya.

Gustung-gusto nga niyang mag-guest sa show, pero dahil sa sinasapian ng masasamang espiritu ang manager niya, huwag na lang dahil hindi namin kailangan ang ganyang mga manager na nagpa-power trip. Ang dami kayang artista diyan kaya sorry na lang sa kanila,” mataray na kuwento ng talent coordinator.

Nalaman na lang ng talent coordinator na may kinalaman ang talent fee sa alaga ng baliw na manager at sa talent fee ng nakakatapat ng alaga niya kaya ito nagpa-power trip.

“Tama lang na bayaran namin ng maganda ang kalaban ng alaga niya dahil mas malaki ang name nito at hindi sakit ng ulo ang manager niyan. Isang tawag mo lang, basta available ang talent niya, ibibigay niya. Wala nang pag-uusapan sa TF kasi maayos naman.

“Hindi tulad nitong isang manager na mukhang pera na. Gusto mas mataas ang TF ng talent niya. As if naman puwedeng gawin iyon, eh may record sila dito sa amin ng TF nila. Paano mo irarason ang biglang pagtaas ng TF ng talent niya?”

Dapat nga raw ay matutong makisama ang talent manager na ito para na rin sa mga alaga nito. Mamuhunan muna siya ng PR bago ang paniningil niya ng sobrang mahal na TF.

RUEL MENDOZA
TUESDAY, NOVEMBER 30, 2010





BUBOGITA 'DI NAG-TAGUMPAY, KUYA BOY WAGING-WAGI!
ni Pete Ampoloquio Jr., Police Files Tonite


Poor Bubogita. Super kampanya raw at super PR pero ang ending? Hahaha! Timbogers limited!

And what is most unfortunate is the fact that her juice-less showbiz oriented program is fast going down the hill in as far as popularity
is concerned.

In stark contrast, Kuya Boy Abunda has been the recipient of the best male showbiz oriented program (The Buzz)and the best public affairs
program host for The Bottomline.

And there was no one who campaigned for him to win these awards. Paano naman, kapag deserving kang taalga, you don't have to kowtow to
anyone just to get a nomination or win the award for that matter.

Ang iba kasi riyan, obvious namang mga plastic!

Kuya Boy has a ready smile for everyone and a most forgiving heart and is a real person to boot. Si Bubonika, nagka-ayos na kayo't lahat,
andu'n pa rin ang kanyang bitterness at never na nawala, gayung siya rin itong may kasalanan kung bakit kayo nagkaroon ng gap.

Mag-dusa ka!





COMEDIAN-DANCER, MAY ANGAS AT ILUSYONADO NA!
ni Pete Ampoloquio Jr., Police Files Tonite


Ang mga artista talaga, once they become quite popular, tumi-tindi na ang ilusyon. Perfect example itong actor-comedian-dancer who started out
as a plain dancer in the business with his group that was being managed by this chinky-eyed director who happens to be quite good with his craft.

Pero dahil sa ma-galing siyang komedyante, na-pakinabangan niya 'yun at it even came to a point when most of his colleagues have almost faded
away from the scene save for him and another guy who is quite good as an actor too.

Ang nakaka-loka, dahil sa nagka-name na nga, nagka-ilusyon ang lolo natin to the point that he already deludes himself with the false belief
that he is already a big-named personality, which in a way, he truly is.

Kaya ang 'di kaguwapuhang lolo natin ay iba na nga ang galaw kapag ni-la-lapitan ng fans para mag-pakuha ng larawan kasama siya. Kapag nag-ki-clik
ang camera, kung saan-saan na siya naka-tingin, at kung minsan, talking galore pa siya with his alalay! Hahaha!

Ang naka-ta-tawa, pati ang orig niyang asawa na dati ay kay taas ng tingin niya ay parang pa-lihim na niyang pinandidirihan dahil back to starlet
status ito samantalang siya'y Mr. Big Star na kuno. Hakhakhak!

Baka ma-gising na lang siyang balik sa kanyang TVH status bilang dancer at wala nang interesadong kumuha sa kanya. Hahaha!

Super chika sa press ang isang ka-close niyang reporter na kunu-kuno ay super daks daw ang actor-comedian, gayung ang sey ng kanyang orig
na misis ay regular lang daw siya. Hahaha!

Period. Ayoko ng chakaaaa!





SEXY ACTOR, NA-BUKING ANG PADDING SA BRIEF NANG MA-WASAK ANG PANTS!
ni Pete Ampoloquio Jr., X-Files

Nu'ng kanyang panahon, and this was sometime during the early and mid 90s, na-i-iba at kaka-iba talaga ang arrive ng mga bold or sexy actors.
During his era, bold actors were yummy (Hahaha!) and gorgeously well-endowed and they were not in need of pads to make their crotch deliciously
prominent. Hakhakhak!

These days, majority of the so-called male sex symbols are not in the least bit promising at the size department. Hahaha! Oo nga't daring
din silang magpakuha and their corcth erotically impressive. Hakhakhak!

May isa ngang sexy actor na lagi na'y bulging talaga ang crocth, kaya marami ang na-i-intriga. At sa Christmas party ng isang network, na-wasak
ang super fit niyang pants, na-bukesh tuloy na may padding siya sa kanyang brief. Hakhakhak!

Anyway, ang bold actor of the 90s na sina-sabi namiin ay talaga namang well-endowed. Ang totoo niyan, hit talaga ang mga hubarang pelikulang
gina-gawa niya noon.

Ang kaso, as the time went by, na-buking na babae rin siya kaya super amused ang kanyang mga leading ladies na buong akala'y hombreng-hombre
talaga siya. Hahaha!

At any rate, he's still very much around and would even appear in some soap operas delineating the role of a screaming fa*g*got! Hahaha!

Indeed, my dear, yesterday's trade has become today's competition, much to the chagrin of some fa*g*gots who still dream about his sexy pictorials
and gorgeous machismo in some sexy films that they've seen way back during the 90s. Hahaha!

'Yun lang!





TV HOST-ACTRESS, NAG-MAGANDA, WAITRESS TINARAYAN!
ni Ervin Santiago, Bandera

May itina-tago rin palang kamalditahan at katarayan itong si female TV host na jowa ng isang male celebrity, 'no! May nag-kuwento kasi sa
amin tungkol sa isang insidente na nangyari kama-kailan kung saan involved nga itong si TV host-actress.

Chika ng aming source, sa isang restaurant daw diyan sa may bandang Quezon City ay nag-punta raw itong si pretty but payat-payatang female TV
host kasama ang kanyang alalay. Feeling star na star daw itong si TV host-actress dahil pinag-ti-tinginan daw talaga siya ng mga taong nandu'n.

"Fully made-up ang bruha! Siguro, galing siya sa taping or something. Nu'ng pumasok siya sa restaurant, of course, kilala na siya kahit paano
kahit hindi naman talaga siya ganu'n ka-sikat. Lahat ng tao nandoon, napa-tingin sa kanya kasi nga artista, 'di ba? Tapos ang ingay-ingay pa ng
takong niya!" unang kuwento ng ating spy.

Umupo raw sa bandang dulo ng resto ang TV host-actress kasama ang kanyang alalay at tinawag ang waitress. "After a few minutes, parang
ina-away na niya 'yung waitress? Parang may hina-hanap siya na ewan. Nag-pa-paliwanag 'yung girl sa kanya, tapos naka-titig lang siya na parang
nan-li-lisik na ang mata!

"And then, na-gulat na lang kami nu'ng bigla siyang tumayo at nag-dabog du'n sa table, sabay pag-bagsak niyang ibinaba 'yung menu. May sinabi
muna siya du'n sa girl sabay tumalikod at m-abilis na lumayas!" sumbong pa ng aming kausap.

Ano 'yun? Wala lang mai-serve 'yung resto ng pagkaing hina-hanap niya, nag-taray na siya nang bonggang-bongga? Ka-loka ang babaeng ito! Akala
mo kung sinong umasta, eh, hanggang ngayon naman starlet pa rin siya. Ang tagal-tagal na niya sa showbiz, pero ang career niya, pang support
pa rin!

Tanong nga ng aming source, buti raw nakakatagal sa ugali niya ang kanyang jowang TV host din na super bait at super humble? Hindi rin naman
ganu'n ka-bongga ang beauty niya para mag-inarte siya ng ganu'n, 'no! Tigilan nga niya ako! Baka sabunutan ko pa siya kapag na-kita ko ang
pag-mu-mukha niya, eh! Huwag nga siyang mag-inarte, bruha siya! Hahaha! Na-galit daw talaga! Affected?





Superstar still flawless after 60 years!
by: Foxy Lady | STIR Contributor
30 Nov 2010 | 09:06 AM


Nearing 60, this superstar attended her latest media conference fresh... as in fresh from her cosmetic surgeon’s clinic! The motley of tab showbiz columnists she invited noticed how flawless her face was that lunch time. No tell-tale sign of the six decades she has been under glaring kleight lights and into sometimes notorious love affairs. The *****iest of the bunch dared sum up the superstar in season recently said thank you to her real pro cosmetic surgeon!

Monday, November 29, 2010

Monday PM

DATING SIKAT NA HUNK ACTOR ETSAPWUERA NA SA FANS
ni Rommel Placente, Police Files Tonite

Kawawa naman itong aktor na kahit paano ay sumikat dati. Kung noon kasi ay talagang pinagkakaguluhan siya ng mga tao everytime na makikita siya
in one place or another, ngayon ay halos wala nang puma-pansin sa kanya.

Kama-kailan kasi ay nag-punta sa isang mall si hunky actor. Ang dami-daming tao roon pero wala ni isa man ang lumapit sa kanya para magpa-picture
o magpa-autograph.

Samantalang sa kasama niyang young actor na baguhan pa lang sa showbiz ay maraming lumapit. Kilala pa rin naman si hunky actor pero bakit 
kaya parang hini siya nag-e-exist sa mga tao, parang isang ordinaryong tao na lang siya?

Hindi na kasi visible sa telebisyon o pelikula si hunky actor kaya siguro deadma na sa kanya ang mga tao. Besides, hindi na siya ganu'n ka-gwapo
unlike before, at payat siya ngayon. Hindi tulad dati na talagang isa siya sa may pinakamagagandang katawan sa showbiz.




BAGONG SHOW COPYCAT NG THAT'S ENTERTAINMENT
ni Ed De Leon, X-Files


May nag-sa-sabi na iyon daw isang bagong show ngayon na ang luma-labas ay puro mga kabataang baguhan, walang dudang ang style ay kinopya sa
That's Entertainment ni Kuya Germs na sikat na sikat noong araw.

Bakit hindi mo nga sa-sabihing ganoon, hinati-hati nila ang mga artista nila sa bawa't araw, at bawa't grupo ay pinag-la-laban sa mga skit,
production numbers at kung anu-ano pa na parang sa That's Entertainment noong araw.

Pero kung si Kuya Germs naman ang ta-tanungin tungkol doon, na-tu-tuwa pa siya dahil ang ideya niya noon ay pinaniniwalaaan pa rin ng mga tao,
kaya nga kino-kopya hanggang sa ngayon.





GAY TV HOST FRUSTRATED SA MALE MODEL
ni Ed De Leon, X-Files


Ang totoo pala, frustrated ang isang gay TV host sa isang poging male model dahil minsan man ay hindi siya pinatulan noon sa kabila ng kanyang
pag-ta-trying hard.

Kaya ang ginawa niya, ibinaling niya ang kanyang pag-tingin sa isang estudyanteng tisoy mula sa isang university sa Manila. Iyon ang pumatol
sa kanya, kasi siyempre, na-gulat din dahil TV host nga siya.

Eh talaga namang may hindi puma-patol sa mga bading!





CONTROVERSIAL ACTRESS, PURDOY NA KAYA NAGPAPA-BUGAW SA HALAGANG P150-K!
ni Peter Ledesma, X-Files


Well, king tutuusin ay hindi na bago ang issue tungkol sa pagpapa-booking ng controversial actress na sumikat nang husto noon sa showbiz.
Dating GRO sa sikat na club si actress bago siya ini-lunsad sa isang big hit movie ng malaking movie outfit. Kaso, dahil sa kayabangan,
lahat ng na-kamit nitong grasya mula sa pag-a-artista ay winalis lahat ng nasa itaas sa kanya.

Paano, hindi lang siya (ang actress) yumabang kundi naging masama pa ang ugali nito nang maging big star. Ngayon, dahil daw sa kahirapan
ay muling nakipag-ugnayan si actress sa mga kaibigang bugaw. At confirmed na ibinu-booking siya ngayon sa nakaka-lula pa ring halaga na P150-K.

Ito ay isiniwalat mismo sa amin ng kaibigan naming milyonaryong businessman. Tinawagan daw siya ng pimp ng actress at inalok siya nito
ng one night stand ka-palit ng nasabing halaga.

Pahiya ang bugaw dahil lantaran siyang tinanggihan ng aming kaibigang entrepreneur. Do I need to give clues? Very obvious naman kung sino
ang aming tinu-tukoy na ibinu-bugaw rin daw sa mga kilala at mayayamang politician.

'Yun na!





BUNTIS NA ASPIRING ACTRESS, HINDI ALAM KUNG SINO ANG AMA NG IPINAG-BU-BUNTIS!
(Sa rami ng naka-fling...)
ni Baby E, PM

Guess kung kanino diumano ang ipinag-bu-buntis ng isang aspiring star, whose family si well known in showbiz?

Ka-loka, since siya mismo ay hindi alam! But in fairness to her, i-tu-tuloy niya ang kanyang pag-da-dalantao. Her current boyfriend offered to
marry her, in an outing with friends, since lasing siya siguro, ang alam niya nagkaroon siya ng fling 'di lang sa isa sa mga kasama nilang
lalaki.

Clue: pangalawa na niya itong anak, since na-buntis na rin siya before.

But then in fairness, alam ng ama na siya ang may kasalanan. Which reminds us of what happened between an actor na active pa rin naman bagama't
engaged na siya sa isang hanap-buhay and very successful pa mandin. He admits he had a one-night fling with a non-showbiz personality who
became the mother of his two sons.

The sons are now the apple of his eye. And in fairness to his son's mom, hindi nito dinemand na pakasalan siya ng aktor.

Monday November 29, 2010

Magaling na aktor, madalas maghamon ng away!

Hindi pa rin pala nagbabago ang maga*ling na actor sa mga nagi*ging problema niya sa produksyon ng isang teleserye. Madalas daw itong walang kibo at parang may sariling mundo.

At bigla na lang daw itong naghahamon ng away nang walang dahilan. Naaawa na raw ang mga production staff sa actor dahil alam nila na wala na itong masandalan.

Sayang at magaling pa naman ang actor na ito. Naalala namin noon na minsan ay hindi nito sinisipot ang taping nang walang pasabi at naloka ang production staff dahil hindi nila alam kung saan haha*napin ang actor.

Joe Barrameda
November 29, 2010 Monday





Paraphernalia nahulog nang mag-basketball, magaling na aktor, balik na naman sa pagdo-droga 

TOTOO KAYANG minsang nakipaglaro raw ng basketball itong guwapo at magaling na aktor pero nang tumalon daw ito ay biglang may nalaglag na isang drug paraphernalia.

Matagal na naming pinagdudahang bumalik sa dating bisyo ang aktor na ito, pero sana nga ay hindi totoo dahil napakabait nito at sayang ang maganda niyang career.

Sana maayos na talaga nito dahil tinutulu*ngan naman ito ng network niya na magkaroon ng magandang trabaho kahit nagkakaproblema sila rito minsan.

TALONG ANONYMOUS
November 29, 2010





Batang aktres, mahilig sumama sa matatandang lalaki! 

Abot-langit ang galit ng manager ng isang sumi*sikat na young actor ngayon sa young actress na pinareha rito kamakailan. Akala niya noon ay sobrang bait ng young actress, pero nabuking nito ang masamang ugali nito.

Nag-umpisa ang galit ng manager sa young actress nang may magparating sa kanya na sinisiraan ng young actress ang kanyang alaga. Kapag nasa loob daw ito ng tent nila sa taping, minumura-mura raw nito ang young actor at wala itong pakialam kung marinig ito ng ibang mga kasama sa tent.

“Mayabang pala ang hayop na babaeng ‘yan. Maganda pa naman siya pero ang panget ng ugali. Akala niya ang galing-galing niya. Akala ko noong una, eh mabait siya kasi tahimik at palangiti. ‘Yun pala, demonya siya sa totoong buhay.

“‘Yung mga ngiti niya ay ngiting aso pala! Kaya hindi ko na gustong ipartner ang alaga ko sa kanya.

Kung mura-murahin niya ang alaga ko, akala niya kagalingan siya. Sino kaya ang umaabot ng take 10 sa taping? Hindi siya magaling, no!” sey ng naturang talent manager.

Binuking nga ng manager na maraming taga-production ang inis na sa young actress na parating late dumating kapag may taping sila.

“Inis na ang director sa kanya dahil sobra niyang dine-delay ang taping. Darating siya ng late tapos hindi pa handa. Ang alaga ko, never umabot ng take 3 tapos pag-iinitan niya ang alaga ko kapag pumalpak siya.

“Nagsumbong sa akin ang alaga ko na sinisi siya ng demonyang babaeng ‘yan dahil hindi niya masabi ang mga linya niya. Ano ang kinalaman ng alaga ko? Kasalanan ba ng iba kung *****-***** siya?” umuusok na pahayag ng manager.

Dahil sa pakiusap ng manager na ito ay hindi na nga raw ipapareha ang alaga niya sa malditang young actress. Natuwa nga ito dahil mawawala na ang negative vibes sa paligid. Bukod nga raw sa masama ang ugali ng young actress, mapag-imbento pa ng tsismis.

“Nalaman ko na sa young actress pala galing ang mga tsismis tungkol sa alaga ko na hindi naman totoo. Confirmed na galing sa kanya dahil narinig siya ng isang source ko.

“Jusko, ang kapal ng mukha niyang mangtsismis, paano kung ipagkalat ko ang tsismis tungkol sa kanya na galing sa dating manager niya? Kebata-bata niya mahilig na siyang sumama sa mga matatandang lala*ke sa probinsya nila. Hanggang doon na lang ang chika ko at bahala na kayo mag-connect the dots!”

Kaya parating sinasabihan ng manager ang kanyang alaga na mag-ingat sa mga tulad ni young actress. Hindi porke’t maganda ang mukha ay maganda na rin ang kalooban nito.

RUEL MENDOZA
MONDAY, NOVEMBER 29, 2010





FEMALE TV HOST, BI-BINGO NA SA AKTRES DAHIL KUME-KERENGKENG SA BF NIYANG HUNK ACTOR!
(Puno siya ng grasya at rich naman ang isa sa galit...)
ni Nene Riego, Bulgar

Sino ba ang TV host na foreigner pero sa 'Pinas lumaki na kinaaasaran ng young actress dahil lantaran daw kume-kerengkeng sa boyfriend niyang
hunk actor?

Okey lang sa actress na ma-link noon si BF sa kalabtim nito. "Kasi'y alam kong showbiz lang ang mga usap-usapan about her and my BF. At
ang said actress, nay jowa rin at mag-kaibigan kami. Pero 'yung female host, kahit on the iar ay itinu-tukso sa BF ko at obvious na super 
kilig!" sey ni actress A na sweet and pretty kahit sa bagong teleseryeng gina-gawa'y kontrabida ang role niya.

Siya, tama na ang inis, hija. Sa anumang laban, ang ma-asar ay talo. Ang importante'y di naman yata puma-patol si BF mo sa banyagang TV host
na sina-sabi mo. Baka may fan mentality lang 'yun!

Sunday, November 28, 2010

Sunday, November 28, 2010

Aktres, sentro ng tawanan sa set ng teleserye!

Sentro ng tawanan ang isang aktres sa set ng isang teleserye. Eh kasi naman, wala raw itong ginawa kundi ang ayusin nang ayusin ang kanyang mukha.

Maya’t-maya raw ito kung maglagay ng make-up. Kumbaga, ****ning na praning daw ito sa paglalagay ng make-up sa kanyang mukha.

Eh, minsan daw, sa isang eksena nila ay minadali nila ang aktres. Nagbabadya raw kasi ang malakas na ulan, kaya sinabihan nila ang aktres na kailangan na nilang gawin ang eksena, para hindi sila maabutan ng ulan.

Eh, ilang minuto na raw ang pinaghintay ng mga kaeksena ni aktres, hindi pa lumalabas sa dressing room ang aktres. Hanggang sa ipasundo na sa staff ang aktres. Pero, ilang minuto pa rin ang nakalipas bago tuluyang lumabas ang aktres mula sa kanyang lungga.

At `yun na nga, paglabas ng aktres sa kanyang dressing room, nagtawanan ang mga tao sa paligid. Eh kasi naman, sobrang kapal ng make-up nito, at ang mga nakakaloka pa, ang kaliwang pisngi lang nito ang may kulorete.

Hindi alam ng mga tao sa paligid kung paano sasabihin sa aktres na hindi pantay ang make-up sa kanyang mukha, na ang kanang pisngi nito ay walang make-up. Ang ending, nagpatawag na lang ng make-up artist ang director para kiyeme-kiyeme na ire-retouch ang make-up ni aktres.

Abante
SUNDAY, NOVEMBER 28, 2010


*********************************************************



Singer/actress maraming sinisiraan? 

TOTOO KAYANG nakakagulat ang pagmamaasim ng kilalang singer/actress na kahit ang ilang kaibigang mabait naman at walang ginagawa laban sa kanya ay sinisiraan pa nito?

Komento raw nitong nagmamaasim na singer/actress sa isa ring singer/actress : “Ang sama naman ng ugali ng babaeng iyan. Nagtataka nga ako kung bakit papakasalan iyan ng boyfriend niya!”

Pero todo-deny ito na ganun siya kaasim nung gabing iyun nang makasama niya ang nilalait na singer/actress sa isang malaking event.

Marami pa raw kamalditahang ginawa nung gabing iyun ang singer-actress, pero tiyak na idi-deny pa rin niya ito.

TALONG ANONYMOUS
November 28, 2010

*********************************************************


NAALAALA ko tuloy ang isang napakagandang babaing host ng MTB (Magandang Tanghali, Bayan) noon. Galing siya sa ibang bansa, kung saan ang mga amoy-amoy na ‘yan ay hindi gaanong pino-problema sa malamig na lugar na pinanggalingan niya.

Walang nagkaroon ng lakas ng loob na sabihan siya tungkol sa nakasusulasok na amoy ng kanyang mga paa tuwing mag-aalis siya ng sapatos. At Ina ng Awa, itataas pa ang dalawang paa sa isang silya.

Hindi ko nga alam kung may sense of smell noon ang isang premyadong aktor na laging dumadalaw sa kanya sa backstage. Ganoon yata ang mga nagmamahal -- bulag, pipi, bingi at idagdag na natin ang walang pang-amoy kapag kaharap na ang minamahal.

Ewan din kung later on, nabisto na rin ng premyadong aktor ang kakaibang ali-ngasaw ng paa ng kanyang nililiyag kaya’t bigla na lang itong nag-disappear sa backstage.

Madalas ding napapanood sa sangkatutak niyang commercials ang napakaganda at napakaseksing babaing ito. Naging leading lady rin siya ng isang babaerong host at sa hindi malamang dahilan ay nawala na lang sa ‘Pinas. Pinagselosan din siya ng isang kay ganda-gandang aktres din na malapit nang ikasal ngayon. At totoong sobra-sobra ring pagpawisan sa kili-kili ang pinag-uusapan nating lady host na may mabahong paa.

Pero, would you believe na walang kaamoy-amoy ang pawis na nagmumula sa kanyang kilikili?

Madalas makita ang actress tuwing shooting, tapings, at lalo na kung may pictorial na may dala-dalang sangkatutak na tissue paper. Inilalagay niya ito sa kilikili para hindi makikita ang pagpapawis niya sa suot niyang damit.

Itago natin sa initials na CK ang una at KH naman ang pangalawa, okey?

Chit Ramos 

*********************************************************


Baby ni female singer, inokray ng misis ni male singer

MATABANG ang pakikitungo ng isang female singer sa asawa ng isang male singer.

Kahit nagkikita sa show ang misis ni male singer at si female singer, hindi sila nagpapansinan.

Kung pansinin man ni misis si female singer, pilit ang pakikipagngitian at pakikipagtsikahan niya.

Aware si male singer na hindi type ni female singer ang kanyang misis kaya hindi na niya pinilit na maging malapit ang dalawa sa isa’t isa.

Nang maghiwalay sina misis at male singer, nakahinga nang maluwag si female singer.

Hindi na kasi niya kailangang makipagplastikan sa misis ni male singer.

May dahilan si female singer kaya mabigat ang loob niya sa misis ni male singer.

Noong una ay tsika sila ni misis at nagkakasama sa events kapag kinakaray ito ng mister na male singer.

Nang magkaasawa si female singer at nanganak, proud na proud siyang ipinakita sa kanyang mga kasama ang litrato ng baby niya sa dala-dala niyang cellphone.

One month old pa lang ang baby ni female singer at first child niya iyon.

Lahat ay nagkaroon ng supportive comments at positive reactions sa baby ni female singer.

Tanging ang misis ni male singer ang nagkaroon ng walang pakundangang reaksyon sa nakita nitong baby pic sa cellphone ni female singer.

Sambit ni misis, “Ay! You’re baby is panget! Ang cute, ‘no?!”
Naloka si female singer sa reaksyon ng misis ni male singer.

Kung walang ibang tao nang mga sandaling iyon, baka nasapak ni female singer si misis.

Sa inis ni female singer, lumabas siya ng dressing room at nagpunta ng banyo para doon ilabas ang galit niya.

May ibang mga kasamahan niya sa banyo ang nakakita ng paglalabas ng sama ng loob ni female singer.

Nang tinanong siya kung bakit, sinabi niyang nagsalita ang misis ni male singer na pangit ang anak niya.

Nakarating agad iyon kina misis at male singer. Agad humingi ng apology ang dalawa.

Pero siyempre, nasaktan na si female singer sa panlalait ng misis ni male singer sa kanya kaya hindi agad nawala ang sama ng loob niya rito.

Rey Pumaloy
November 28, 2010 Sunday

Entertainment Live

1. Cake
International Male Model, huling-huling sinusuban ng cake ang isang male TV host.

Sa isang coffee shop, kitang kita na sobrang sweet ang international male model at TV host na nagsusubuan ng cake.

Clues:
Kilala sa larangan ng rampa at nalink sa mga actor si international male model.
Si TV host ay walang kakambal.
Ang pangalan ni male model ay ka-tunog ng pangalan ng sosyal na school.
Isang letra ang hindi kasama:
CBKJU


2. Bubbles
Sino ang aktres na nagiging cause of delay sa isang serye?

Laging nawawala ng parang bula si actress. Laging napapanood noon, ngayon hindi. May sakit ang young at magandang actress na cause of delay, nagpapatagal ng taping at madalas nagpapa-pack up. May sistertude (read:atittude)

Dati, may umeeksena sa jowa niya, sinugod niya dahil sa sobrang selos ni young actress.

Clues:
Ang pangalan ay araw araw nababanggit
Hindi sasabihin kung gabi nababanggit ang pangalan o umaga. Napakagandang actress, punung-puno ng kontrobersya , at may big event na dadating sa buhay.


3. Basurahan

Sikat na hunk actor, umaalingasaw ang katawan sa baho ng malasing.

Kung maidedescribe ang singaw, parang kulob na basura sa sobrang baho. Baka ito daw ay sanhi ng paginom ng supplements o steroids pampalaki ng katawan.

Clues:
Ang pangalan niya ay hindi puedeng gawin sa maramihan
Ang first name and last name ay may dalawang letra na magkapareho.

Saturday, November 27, 2010

Drama actress, muntik makulong sa ibang bansa!

Muntik na palang hindi pasakayin ng eroplano pabalik ng Pilipinas ang isang drama actress dahil nakipagtalo ito sa security ng isang international airport. Masyado kasing strict sa naturang airport ng bansang pinagbakasyon ng drama actress kasama ang kanyang mga kaibigan. Allowed nga lang ang isang carry-all bag or hand-carry bag na may specific na sukat. Other than one bag ay hindi na puwede at babayaran mo na kung may additional ka pang dala-dala sa loob ng eroplano.


Sinabihan na si drama actress ng kanyang mga kaibigan na isang bag lang ang dalhin niya bilang hand-carry niya. Pero pinagpilitan ng drama actress na bukod sa hand-carry ay may isa pang bag na dala. Bagong bili niya kasi ang signature bag at gusto niyang i-display ito sa airport.


Pagdating nila sa security papunta na sa kanilang pag-board ng eroplano, pinigilan ang drama actress ng security at sinabing hindi puwedeng dalawa ang hand-carry niya. Isa lang ang allowed.


Nakipagtalo pa ang drama actress dahil hindi nga raw puwede na isa lang ang dala niya dahil hindi kasya roon sa hand-carry niya ang mga importanteng mga dala niya tulad ng passport, cell phone at kung anu-ano pa.


Sinabihan siya na ilipat na lang ang laman ng dala-dala niyang bag sa kanyang hand-carry dahil iyon daw ang policy ng kanilang airport. ‘Yung dala niyang isang bag ay ipasok na rin sa hand-carry.


Lalong nalokah ang drama actress dahil dinayo pa niya ang mamahaling bag na iyon sa bansang iyon tapos ay ipapatupi lang ito sa kanya para maisaksak sa kanyang hand-carry. Kaya nakipagtalo ulit ito sa security. Dahil sa gulo ay nilapitan na ang drama actress ng iba pang security at dinala siya sa isang opisina. Nagsisimula raw siya ng gulo at baka ikulong pa siya sa airport dahil nakikipagtalo ito sa airport security.


Nahimasmasan nga ang drama actress dahil ayaw nga niyang makulong sa airport at kailangan na niyang makabalik sa Pilipinas dahil may trabaho siyang sisimulan. Nakakahiya raw na mabalitang nakulong siya sa ibang bansa dahil lang sa isang bag na dala niya.


Nakiusap na lang siya kung ano ang dapat gawin. Definitely ay ayaw niyang tupiin ang mamahalin niyang bag. Pagkatapos ng ilang pag-uusap sa security, napagkasunduan na magbabayad na lang ng excess luggage ang drama actress. ‘Yun na lang daw ang puwedeng gawin kung gusto niyang bitbitin ang dalawang bag sa loob ng eroplano.


Wala nang ginawang debate ang drama actress dahil ayaw niyang maiwanan siya ng eroplano. Kahit na kilalang kuripot ito, nagbayad na lang siya kahit na mahal, huwag lang masira ang mamahalin niyang bag.

Abante
SATURDAY, NOVEMBER 27, 2010