Thursday, November 18, 2010

SARI - SARING BLINDITEM!

Relative ng artistang-politiko, nagwala nang magitgit ang anak
Written by Ed de Leon
Thursday, 18 November 2010 00:02
HATAW!

NAIKUWENTO lang naman sa amin ng isang park attendant sa Star City, mayroon daw isang batang nagitgit sa pilahan ng rides, natural iyon lalo na kung marami at nagkakagulo ang mga tao. Nagalit daw agad ang tatay niyon at nagsisigaw. Sinigawan ang lahat ng mga tao sa pila, tapos pati na ang mga personnel ng park ay inaway, at ipinagmamalaki na ang bata raw ay pamangkin ng isang artistang politician, at kung gugustuhin lang daw nila, maaari nilang ipasara ang buong park.

Ay, nakalimutan yata na wala po sa probinsiya nila ang Star City. Doon sa probinsiya nila walang theme park. Ang marami roon ay jueteng, drugs, at kasong murder.


Aktres, nagtangkang mag-suicide dahil sa dyowang aktor
Written by Alex Brosas
Thursday, 18 November 2010 00:03


KAIBA sa paniwala ng marami, matagal nang naka-move on ang isang actor sa split niya sa isang aktres. Actually, ang aktres pa nga ang hindi talaga naka-move-on noong una.

May tsika kasing nagtangkang mag-suicide ang aktres matapos na maghiwalay sila ng kanyang boyfriend. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pag-inom ng shampoo.

Siyempre, na-shock ang pamilya ng aktres. Buti na lang naagapan kaagad ito. Kaya nga may panahon na bawal ang shampoo sa loob ng banyo sa kuwarto ng aktres.

Talagang nag-alala nang todo ang family ng aktres sa kanyang ginawa out of desperation sa pag-ibig. Ngayon ay may kanya-kanyang love life na ang ex-couple na ito. Masaya na sila sa kani-kanilang pag-ibig.



Rich na dyowa ng aktres, matapobre!
Written by Letty Celi
Thursday, 18 November 2010 00:04
HATAW!


SABI ng ilang katoto, matapobre raw ang dyowa ng maganda at sexy actress, kasi inaalalayan nila ang actress sa isang grand affair pero nagalit ang dyowa at sinabing “don’t touch his dyowa”. Tapos matalim na tumingin sa kanila. Diyata’t na-insecure sa kanila, alam ba ni Sir na ‘di naman sila katalo dahil sila ay tulad din ng magandang actress na dyowa na may pusong mamon at kulay pink.

Milyonaryo si Sir at siguro nga ay matapobre siya.



Bisexual na sikat na young matinee idol, morenong student leader ang bagong papa! (Hahaha!)
Written by Pete Ampoloquio Jr.
Thursday, 18 November 2010 00:07
HATAW!


Ayaw namin pangalanan ang gwaping na young matinee idol na dahil mabait naman siya at may breeding kapag nakikita namin and he really has that winsomely appealing smile for everyone.

At any rate, off-cam (pasensya na pare, a job is a job! Hahaha!) he seems to be enjoying the other side of his personality and her screen partner seems not to mind one bit if he enjoys himself to the hilt. (Hahahahaha! Praktikal, di ba naman?)

(To the hilt daw, o! Hahaha!)

‘Yun na!

Anyway, kung dati’y pinag-uusapan sa mga website ‘yung dati niyang gwaping na ka-on, this time he seems to have been relegated to the background for the appealing young actor is seen reportedly these days to be dating another personality, a stunning brown-skinned multi-awarded student leader na kasama sa ten outstanding students of the Philippines this year.

“The guy whom the popular actor seems to be extra fond of lately is from the Visayas and they truly make a handsome pair. Hahahaha!” so says our source in a highly amused manner.

“As a matter of fact, when we saw them dating at Starbucks lately, they were obviously enjoying each other’s company and had only eyes for each other.

“Can’t blame the guy from the Visayas, the young actor is so appealing too and he exudes charm and sweetness all the way. Hahaha!”

Korek!

Nevertheless, ‘yung dating regular date ng on screen sweetheart niya ay medyo visible na naman lately at nabibigyan na naman ng mga substantial roles on teevee.



No sex dahilan ng hiwalayan ng aktor at TV host girlfriend!
2010-11-18 04:41 PM
by: Push Mina
Sino Buzz? blind item


HINDI malinaw sa publiko ang naging dahilan ng paghihiwalay ng isang aktor sa TV host girlfriend nito. Hindi rin inabot ng isang taon ang relasyon ng dalawa. Walang masabing dahilan ang bawat kampo. Pero mula sa isang reliable source, ang kawalan ng gana sa sex ang dahilan kung bakit iniwan ng TV host ang aktor. Yes, sa loob ng halos isang taon na relasyon, walang naganap na intimacy sa dalawa. In other words, virgin pa si TV host sa aktor. May kinalaman ang faith ng aktor kung bakit hindi ito naniniwala sa pre-marital sex. Mula nang mapabilang ang aktor sa isang grupo ng relihiyon, naging aktibo ito doon at pati ang hilig nito sa sex ay nawala. Feeling insulted dahil hindi siya "ginagalaw" ng boyfriend, hiniwalayan ni TV host ang aktor. Sorry na lang siya dahil naniniwala ang aktor na makikipag-sex lamang siya sa babaeng mapapangasawa niya.

Philippine Daily Inquirer

Bargain beauty strikes again 

REMEMBER last Sunday’s Fading Star? She has been having cash-flow problems of late—like most Pinoys.

FS reportedly pulled out hot-ticket items from an upscale boutique that she used to endorse ... and held a garage sale.

Bright idea. Except that FS sold the expensive items at P30 to P50 a pop. Quite obviously, business is not her calling.






Prima donna, reinvented

Pretty Singer has earned a nasty reputation. Mole says she is a prima donna who likes making people wait in her gigs. She has lost jobs because of this.

Then, she suddenly reinvented herself into a trouper. This is why PS is very visible on the boob tube these days. She wants promoters to know she’s reliable ... and available.





Floating devices redux

Hard-Hitting Host is in a quandary. Seems HH is reluctant to accept home studio’s current offer. Unhappy, HH started “floating” rumors of opportunities from rival networks, according to a colleague.

Concocting “piracy” rumors apparently worked for Controversial Host, who landed HH’s old job.







Going downhill
Acclaimed Veteran had high hopes for new Media Company. AV thought MC was a viable alternative to the current scene, which is far from ideal.

Alas, AV found out that MC was offering more of the same dubious and disappointing fare from AV’s previous studio.

To illustrate: AV noted that Notorious Manager is currently lording it over at the MC—having disturbingly strong influence over matters that go beyond talent management.







Spotted on the catwalk

Backstage at the Folded and Hung show during Fashion Week, Influential Gay was spotted being escorted, with queer VIP pals, to the best seats in the house so they’d have the best view of the scantily clad hunks on the ramp.

Unfortunately, one of the studs on the catwalk was IG’s Former Ward. Their parting had been far from amicable.

Did sparks fly? Was there tension in the air? Nah. Too many biceps as distraction.







Hunky model at celebrity GF, nag-away

May kuwento sa akin ang isang socialite friend ko tungkol sa isang hunky model (at ngayon ay showbiz wannabe)sa girlfriend nito na model/celebrity (at nakarelasyon dati ng isang top actor) at sa model/socialite na dating nakarelasyon ni hunky guy.

Sa isang party pala sa isang hotel sa may Makati, nagkita-kita ang tatlo.

Unang dumating si hunky guy with his current girlfriend, ang model/celebrity na pamangkin ng isang former beauty queen turned actress.

Maya-maya lang, dumating din sa party ang model na ex-girlfriend ni hunky guy.

Shorts-shorts or ****** shorts ang suot ni model ex-girlfriend.

Dumeretso si model ex-girlfriend sa bar at umorder ng drinks.

Maya-maya, tinanong ni hunky guy ang current girlfriend na model/celebrity kung gusto nito ng inumin at kukuha siya sa bar.

Pagdating ni hunky guy sa bar, kinausap niya ang model ex-girlfriend.

Ang tagal ng usapan ng dalawa at halos 30 minutes ‘yon na na-notice ng ibang mga tao sa party.

After the party, ang tsismis ay nag-away si hunky guy at ang current model/celebrity girlfriend niya.

Nagalit daw si model/celebrity girlfriend dahil ang tagal kinausap ni hunky guy ang model ex-girlfriend nito.

Kung sino si hunky guy? Galing siya sa isang political clan at noon pa ay kinukumbinsing mag-artista.




Bading na manager, miss na miss na ang katawan ng batang aktor!

Malaki pala ang nagastos ng isang bading na manager sa kanyang guwapong discovery dahil pinakinis niya ito nang husto. Buong katawan, pati na raw mga singit nito na maiitim ay ginawang pakinisin ng bading na manager sa tulong ng kanyang kaibigan na dermatologist.

Imbes nga na ex-deal ay pinagbayad tuloy ang bading na manager dahil malaking hirap daw ang dinanas ng kanyang mga tauhan para gumanda ang kutis ng kanyang alaga.

“Grabe kasi ang kutis ng bagets na ‘yan. Guwapo nga pero patung-patong ang mga dead skin. Laki kasi sa probinsya kaya hindi uso ang maghilod ng balat.

“Sa may ilog pa raw kasi ito naliligo kaya pati dumi ng ilog humawa na sa balat niya. Ang tatay kasi ng bagets ay magbubukid at ang ina niya ay tumutulong lang sa barangay hall. Minsan daw ay kasama si bagets na nag-aararo ng bukid.

“Nakilala nga ng bading na manager ang kanyang alaga nang minsang bumisita ang bading sa probinsya nito dahil nagkaroon nga ng isang show ang mga hawak niyang mga sexy dancers. Nakita raw niya ang bagets na nakatambay lang sa plaza kasama ang mga barkada nito na magbubukid din.

“Sa buong barkada, si bagets lang daw ang may hitsura. Maganda naman daw ang mga mata, ilong at ngipin nito.Maitim lang pero maganda ang hubog ng katawan dahil batak nga sa pagtrabaho sa bukid.

Kaya naisipan niyang gawing artista.

“Pero ang pinakanagustuhan ng bading kay bagets ay saksakan daw ng dakila ito. Pahada pala si bagets sa plaza kasama ang barkada niya. Siyempre, umeekstra sila sa ganyan para kumita ng datung sa mga turista at mga bading na dumadayo sa bayan nila,” natatawang kuwento ng aming source.

Naisali ni bading na manager sa isang artista search sa TV ang pinakinis niyang bagets pero hindi ito sinuwerte na manalo. Wala rin kasing tiyagang matuto ang bagets na kumanta, sumayaw or umarte kaya sinabak na lang niya ito sa mga madadatung na bading.

“Hindi na nag-inarte ang bagets kasi nga sanay na siya. Pero this time, hindi na barya-barya ang paysung sa kanya dahil madadatung na mga bakla ang nakakatikim sa kanya. Libu-libo na ang natatanggap niya with matching biyahe pa sa kunsaan-saan.

“May komisyon si bading na manager niya at bukod doon ay nagpapasasa siya sa makinis na ngayong katawan ng bagets. Pero sabi nga nila, some good things never last. One day, bigla na lang nag-alsa balutan ang bagets at umalis na siya sa condo ni bading na manager. Tumira na siya sa apartment ng mga kaibigan niyang mga nagpapa-booking din,” sey pa ng aming source.

Pero hindi naman daw ang komisyon ang nami-miss ng bading na manager sa kanyang dating alaga.

Miss niya ang pagpapasasa niya sa katawan ng bagets. Kailangan pa niya ngayong magbayad ng mahal ngayon sa bagets para malawayan niya ito muli. 

RUEL MENDOZA
THURSDAY, NOVEMBER 18, 2010

TV exec facing 58 counts of estafa?

Kung masayang-masayang panoorin ang Juicy, Lunes hanggang Biyernes ng tanghali sa TV5, mas masaya at sabog na sabog pa kapag naroon ka at nakikinig sa mga pinag-uusapan nila behind the cameras.

Sa talk show na ito narinig ang nakakatulig na balita tungkol sa isang TV executive na may 58 counts of estafa case na haharapin ngayon.

Nang marinig daw ito ng mismong exec sa Juicy, biglang hinimatay at isinugod siya sa tagong ospital. Nabigla nga raw ang mga naka-assign ditong nurses dahil kilalang-kilala ang exec na mula sa isang malaking network. Napapanood din kasi siya sa TV, especially when representing the station.

Ibig sabihin, sikat at mala-king exec talaga. Natural lamang na hindi natin banggitin ang namesung niya kasi mabait siya, as mabait can be. Hindi siya isnabera at very accommodating kapag nakakasalubong sa mga presscon nila.

What really happened and how did it happen?

“Matagal na raw pong nangyayari ang tunay na dahilan. Marami na raw pong naipundar na negosyo ang taong binabanggit natin na blind item nga lang,” bulong ng aming source.

“Kung pakikinggan natin ang dagdag nating impormasyon, baka nga raw one of these days, mawala na lang bigla ang exec sa network. Posible rin daw na mangibang-bayan na lang ito para hindi na harapin ang eskandalo. Kung ipu-pursue rin daw ng network ang paghabol sa mga kaso nito, ito ang tinitiyak na gigimbal sa buong showbiz,” patuloy pa niya.

Magpa-Pasko pa naman.

Sana hindi totoo ang ba-lita. Sana rin, tahimik na lang itong pag-usapan ng both parties.

By the way, ang tinatawag na religious psychic(?) ba iyon na si Maricel Gaskel ang nagbulgar nito sa kanyang numbers portion sa Juicy.

Totoo ang pahayag ni kapatid na Cristy Fermin, very reliable ang babaing ito.

Hindi kataka-taka kung bakit tape na lang ang kanyang appearance sa pinaka-masayang talk show this side of showbiz.

Hindi pa kakayahin ng kanyang sked ang pagpunta-punta nang live sa studio. Mas sikat pa siya ngayon sa mga artista natin, huh!

Mas in-demand din siya, hindi lang sa televiewers, kungdi maging sa mga sikat na artista, producers at pati mga pulitiko.

Hindi lang si Shalala ang ipinagmamalaking discovery ng Juicy, kungdi si Maricel Gaskel din.

Kaya tutok lang kayo sa mas maanghang at mas makatas na Juicy, okey?

by Chit Ramos