Sunday, November 28, 2010

Sunday, November 28, 2010

Aktres, sentro ng tawanan sa set ng teleserye!

Sentro ng tawanan ang isang aktres sa set ng isang teleserye. Eh kasi naman, wala raw itong ginawa kundi ang ayusin nang ayusin ang kanyang mukha.

Maya’t-maya raw ito kung maglagay ng make-up. Kumbaga, ****ning na praning daw ito sa paglalagay ng make-up sa kanyang mukha.

Eh, minsan daw, sa isang eksena nila ay minadali nila ang aktres. Nagbabadya raw kasi ang malakas na ulan, kaya sinabihan nila ang aktres na kailangan na nilang gawin ang eksena, para hindi sila maabutan ng ulan.

Eh, ilang minuto na raw ang pinaghintay ng mga kaeksena ni aktres, hindi pa lumalabas sa dressing room ang aktres. Hanggang sa ipasundo na sa staff ang aktres. Pero, ilang minuto pa rin ang nakalipas bago tuluyang lumabas ang aktres mula sa kanyang lungga.

At `yun na nga, paglabas ng aktres sa kanyang dressing room, nagtawanan ang mga tao sa paligid. Eh kasi naman, sobrang kapal ng make-up nito, at ang mga nakakaloka pa, ang kaliwang pisngi lang nito ang may kulorete.

Hindi alam ng mga tao sa paligid kung paano sasabihin sa aktres na hindi pantay ang make-up sa kanyang mukha, na ang kanang pisngi nito ay walang make-up. Ang ending, nagpatawag na lang ng make-up artist ang director para kiyeme-kiyeme na ire-retouch ang make-up ni aktres.

Abante
SUNDAY, NOVEMBER 28, 2010


*********************************************************



Singer/actress maraming sinisiraan? 

TOTOO KAYANG nakakagulat ang pagmamaasim ng kilalang singer/actress na kahit ang ilang kaibigang mabait naman at walang ginagawa laban sa kanya ay sinisiraan pa nito?

Komento raw nitong nagmamaasim na singer/actress sa isa ring singer/actress : “Ang sama naman ng ugali ng babaeng iyan. Nagtataka nga ako kung bakit papakasalan iyan ng boyfriend niya!”

Pero todo-deny ito na ganun siya kaasim nung gabing iyun nang makasama niya ang nilalait na singer/actress sa isang malaking event.

Marami pa raw kamalditahang ginawa nung gabing iyun ang singer-actress, pero tiyak na idi-deny pa rin niya ito.

TALONG ANONYMOUS
November 28, 2010

*********************************************************


NAALAALA ko tuloy ang isang napakagandang babaing host ng MTB (Magandang Tanghali, Bayan) noon. Galing siya sa ibang bansa, kung saan ang mga amoy-amoy na ‘yan ay hindi gaanong pino-problema sa malamig na lugar na pinanggalingan niya.

Walang nagkaroon ng lakas ng loob na sabihan siya tungkol sa nakasusulasok na amoy ng kanyang mga paa tuwing mag-aalis siya ng sapatos. At Ina ng Awa, itataas pa ang dalawang paa sa isang silya.

Hindi ko nga alam kung may sense of smell noon ang isang premyadong aktor na laging dumadalaw sa kanya sa backstage. Ganoon yata ang mga nagmamahal -- bulag, pipi, bingi at idagdag na natin ang walang pang-amoy kapag kaharap na ang minamahal.

Ewan din kung later on, nabisto na rin ng premyadong aktor ang kakaibang ali-ngasaw ng paa ng kanyang nililiyag kaya’t bigla na lang itong nag-disappear sa backstage.

Madalas ding napapanood sa sangkatutak niyang commercials ang napakaganda at napakaseksing babaing ito. Naging leading lady rin siya ng isang babaerong host at sa hindi malamang dahilan ay nawala na lang sa ‘Pinas. Pinagselosan din siya ng isang kay ganda-gandang aktres din na malapit nang ikasal ngayon. At totoong sobra-sobra ring pagpawisan sa kili-kili ang pinag-uusapan nating lady host na may mabahong paa.

Pero, would you believe na walang kaamoy-amoy ang pawis na nagmumula sa kanyang kilikili?

Madalas makita ang actress tuwing shooting, tapings, at lalo na kung may pictorial na may dala-dalang sangkatutak na tissue paper. Inilalagay niya ito sa kilikili para hindi makikita ang pagpapawis niya sa suot niyang damit.

Itago natin sa initials na CK ang una at KH naman ang pangalawa, okey?

Chit Ramos 

*********************************************************


Baby ni female singer, inokray ng misis ni male singer

MATABANG ang pakikitungo ng isang female singer sa asawa ng isang male singer.

Kahit nagkikita sa show ang misis ni male singer at si female singer, hindi sila nagpapansinan.

Kung pansinin man ni misis si female singer, pilit ang pakikipagngitian at pakikipagtsikahan niya.

Aware si male singer na hindi type ni female singer ang kanyang misis kaya hindi na niya pinilit na maging malapit ang dalawa sa isa’t isa.

Nang maghiwalay sina misis at male singer, nakahinga nang maluwag si female singer.

Hindi na kasi niya kailangang makipagplastikan sa misis ni male singer.

May dahilan si female singer kaya mabigat ang loob niya sa misis ni male singer.

Noong una ay tsika sila ni misis at nagkakasama sa events kapag kinakaray ito ng mister na male singer.

Nang magkaasawa si female singer at nanganak, proud na proud siyang ipinakita sa kanyang mga kasama ang litrato ng baby niya sa dala-dala niyang cellphone.

One month old pa lang ang baby ni female singer at first child niya iyon.

Lahat ay nagkaroon ng supportive comments at positive reactions sa baby ni female singer.

Tanging ang misis ni male singer ang nagkaroon ng walang pakundangang reaksyon sa nakita nitong baby pic sa cellphone ni female singer.

Sambit ni misis, “Ay! You’re baby is panget! Ang cute, ‘no?!”
Naloka si female singer sa reaksyon ng misis ni male singer.

Kung walang ibang tao nang mga sandaling iyon, baka nasapak ni female singer si misis.

Sa inis ni female singer, lumabas siya ng dressing room at nagpunta ng banyo para doon ilabas ang galit niya.

May ibang mga kasamahan niya sa banyo ang nakakita ng paglalabas ng sama ng loob ni female singer.

Nang tinanong siya kung bakit, sinabi niyang nagsalita ang misis ni male singer na pangit ang anak niya.

Nakarating agad iyon kina misis at male singer. Agad humingi ng apology ang dalawa.

Pero siyempre, nasaktan na si female singer sa panlalait ng misis ni male singer sa kanya kaya hindi agad nawala ang sama ng loob niya rito.

Rey Pumaloy
November 28, 2010 Sunday

Entertainment Live

1. Cake
International Male Model, huling-huling sinusuban ng cake ang isang male TV host.

Sa isang coffee shop, kitang kita na sobrang sweet ang international male model at TV host na nagsusubuan ng cake.

Clues:
Kilala sa larangan ng rampa at nalink sa mga actor si international male model.
Si TV host ay walang kakambal.
Ang pangalan ni male model ay ka-tunog ng pangalan ng sosyal na school.
Isang letra ang hindi kasama:
CBKJU


2. Bubbles
Sino ang aktres na nagiging cause of delay sa isang serye?

Laging nawawala ng parang bula si actress. Laging napapanood noon, ngayon hindi. May sakit ang young at magandang actress na cause of delay, nagpapatagal ng taping at madalas nagpapa-pack up. May sistertude (read:atittude)

Dati, may umeeksena sa jowa niya, sinugod niya dahil sa sobrang selos ni young actress.

Clues:
Ang pangalan ay araw araw nababanggit
Hindi sasabihin kung gabi nababanggit ang pangalan o umaga. Napakagandang actress, punung-puno ng kontrobersya , at may big event na dadating sa buhay.


3. Basurahan

Sikat na hunk actor, umaalingasaw ang katawan sa baho ng malasing.

Kung maidedescribe ang singaw, parang kulob na basura sa sobrang baho. Baka ito daw ay sanhi ng paginom ng supplements o steroids pampalaki ng katawan.

Clues:
Ang pangalan niya ay hindi puedeng gawin sa maramihan
Ang first name and last name ay may dalawang letra na magkapareho.