Wednesday, November 24, 2010

Young actress, nabuntis ng basketbolista

BUNTIS ang isang young actress kaya mukhang namumroblema ang production staff ng isang primetime teleserye na kasama siya.

Kung kailan medyo gumaganda na ang takbo ng showbiz career ni young actress ay saka siya nabuntis nang hindi sinasadya.

Hindi ang kapareha niyang young actor ang nakabuntis sa kanya kundi ang non-showbiz boyfriend niya.

Hindi si preggy young actress ang bida sa nasabing primetime teleserye pero maganda ang role niya rito at importante ang papel na ginagampanan niya.

Ang alam namin ay bahagi siya ng istorya hanggang sa katapusan nito, pero mababago ‘yon dahil sa nangyari sa kanya.

Isang katrabaho niya sa nasabing teleserye ang nakausap namin at ang sabi nito sa amin ay hindi rin nila alam kung anong gagawin ng writers ng show sa takbo ng istorya at kung may papalit ba sa karakter ng preggy young actress.

Kamakailan ay pasimpleng um-exit na sa programa si young actress at ayon sa istorya ay pumunta muna ng ibang bansa ang kanyang karakter sa teleserye.

Sa totoong buhay ay mukhang nandito pa sa bansa si preggy young actress, pero ang sinasabi niya ay ‘on vacation’ siya ngayon.

Balita namin ay aalis din siya papuntang ibang bansa para doon ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis hanggang sa siya ay makapanganak.

May mga nag-aakalang may relasyon sila ng young actor na ipinapareha sa kanya, pero ang totoo ay may kanya-kanya silang buhay.

May sariling lovelife si young actress at meron din si young actor. Puro kashowbisan lang ‘yung tsikang nagkakamabutihan na sila.

Ayon sa mga nakakaalam ay ang basketbolistang nobyo niya ang ama ng ipinagbubuntis ni young actress. Ang dinig namin ay foreigner ang nasabing lalaki at inlab na inlab dito ang young actress.

Noon pa ay palaging may nakakapansin sa pagiging tabain ni young actress. Minsan ay maganda ang katawan niya, pero kadalasan ay may katabaan siya.

Huwag kayong magtaka kung makita n’yo siyang mas mataba ngayon kesa sa dati dahil alam n’yo na ang dahilan kung bakit. 

ALLAN DIONES
November 24 2010 Wednesday

Male celeb, unti-unting lumalabas ang sungay!

May attitude problem na raw ang male celebrity na ito na dati-rati ay mabait at sunod lang nang sunod sa kanyang manager. Ngayon daw ay nakikita na nilang unti-unti nang lumalabas ang sungay nito.


Very professional nga raw ang male celebrity na ito noong nagsisimula pa lang sa showbiz. Kapag ang calltime niya ay alas-12:00 ng tanghali, alas-10:00 pa lang daw ay nasa venue na siya. Katwiran niya kung bakit siya maaga ay dahil ayaw niyang may naghihintay sa kanya. Mabuti na raw ‘yung siya ang maghintay kesa siya ang hintayin.


Kaya naman marami ang natutuwang reporters sa kanya dahil mabilis siyang ma-interview at napaka-honest sumagot. In short, hindi showbiz.


Pero habang tumatagal nga raw sa showbiz ang male celebrity at papasikat ito, unti-unti nilang napapansin ang hindi magandang nangyayari sa personalidad nito.


Tulad noong mag-show ito ng ilang weeks sa ibang bansa, napansin nila na naging palautos ito sa kanyang personal assistant. Ultimo pagbitbit ng bagahe ay inuutos pa. Hindi tulad noong first time nilang mag-abroad ay nahihiya itong mag-utos dahil kaya naman daw niyang magbitbit ng mga gamit niya.


Napansin din na nagiging materyoso na ang male celebrity. Bihira na itong makihalubilo sa kanyang mga fans. Mas gusto raw niya ang mga fans niya abroad dahil mamahalin daw ang mga regalo nila sa kanya.


Ngayon nga raw ay nagiging unprofessional na ang male celebrity. Ilang beses na raw itong nale-late sa mga events na dapat nandoon siya ng maaga. Katwiran niya ay hindi raw siya nagising kaagad at natrapik siya. Minsan naman daw ay naligaw daw ang driver niya or nasiraan sila sa kung saan. Iba-iba ang excuses ng male celebrity kaya naririndi na ang kanyang manager sa kabi-kabilang sumbong sa kanya ng staff ng opisina nila.


May ilang events din daw na hindi pinupuntahan ni male celebrity. Katwiran nito ay may sakit siya o kailangan may samahan siyang family member sa isang family affair. Nalaman na lang ng manager na may kinahuhumalingang sexy actress ang male celebrity. Nami-miss nito ang mga dapat na pagkakitaan niya nang dahil lang sa isang babae.


Nagbigay na nga na warning ang manager na ito sa kanyang alaga na kapag hindi ito nagbago ng pag-uugali ay hindi siya manghihinayang na bitawan ito kahit na malakas itong kumita. Kesa naman daw na mamrublema siya sa ugali nito, mabuti na raw ‘yung bitawan niya ito para hindi siya ma-stress at hindi siya masisi ng mga taong kumuha sa serbisyo ng male celebrity na nagiging unprofessional na ngayon.

RUEL MENDOZA
WEDNESDAY, NOVEMBER 24, 2010
TV HOST-ACTRESS NAGPAKA-CHEAP
Bandera
First Posted 07:30:00 11/24/2010


Dating namayagpag si TV host-actress sa kanyang mga programa na inakala niyang magtatagal sa ere. Medyo nagpakita pa nga ito ng kagaspangan ng pag-uugali dahil ang feeling niya'y wanted na wanted siya at siya ang dahilan kung bakit nabubuhay ang mga shows na kasali siya.

Ang siste, short-lived lang pala ang stint niya sa mga ito at ngayong walang mapaglagyan sa kanya ay ito na ang nagkusang magsabi sa manager niyang kahit saan ay ilagay siya, magkatrabaho lang. Until this soap offer came at ilatag sa kanya ang isang role na halos walang linya ang karakter sa mga eksena.

We admire her guts dahil trabaho nga naman iyan na hindi dapat tanggihan sa panahong ito. Pero kahit ang manager niya ay nagulat dahil isang matatawag na minor (very minor in fact) role lang ang nais pagtiyagaan ngayon ni TV host-actress.

May tsika pa raw ito sa manager na kahit ang mga maliliit na shows out of town ay papatulan na niya dahil dadami rin daw ito at kahit paano ay masarap itsika sa promo na busy siya at maraming ginagawa.

Hay, ang buhay talaga. Hirap ding maging madaldal kasi, matabil at mabilis magsalita at mag-emote na maganda ka, kung kapos naman talaga! Ha-hahaha!



FLAWLESS ACTRESS, MAY BF NA SINGER PERO NANG MAG-SHOW SA LAS VEGAS, PINASOK NG EX-BF NA SINGER DIN SA HOTEL ROOM
(Todo na 'to! Sobrang ma-el...)
ni Roldan Castro, Bulgar


Sino itong flawless actress na pagka-tapos mag-show sa Las Vegas ay pinuntahan ng kanyang ex-boyfriend na singer sa mismong kuwarto niya sa
hotel? Nu'ng panahong 'yun ay may boyfriend din ang aktres na isa pang singer, pero walang ka-malay-malay ang guy na nakikikpag-talamitam ang
actress sa kanyang ex.

Na-gulat nga ang inatasang mag-drive sa kanya sa Vegas dahil pag-dating nang gabi ay kumatok daw ang singer at pina-alis na siya sa room.
Nag-two-timer nga ba ang actress nu'ng mga panahong 'yun? Pero ngayon, iba na naman ang love life ng actress at misteryoso kung sino ito.



AKTOR TAKOT BUMALIK GALING JAPAN DAHIL SA KINALASANG BADING NA MANAGER
ni Ernie Pecho, PM


Hanggang ngayon, na-ta-tkot pa ang dating aktor na kumalas sa kanyang gay manager. Nawala siya sa eksena dahil nag-trabaho sa Japan bilang
hosto. Ang kanyang mga regular customers, mga ma-ya-yaman at ma-lu-lungkot na matrona, mostly senior citizens.

Natural lang na ma-miss niya ang local showbiz kung saan higit na ma-lakas ang kanyang kita. Kaya lang, nag-banta ang kanyang dating manager
na lahat ga-gawin niya para walang balikang career ang dating alaga.



GF NG TV HOST, EX NG TOMBOY NA ACTRESS
ni Baby E, PM

What do a former TV host of a popular TV show and a much-admired TV-movie actress, na magaling din namang talaga at napaka-ganda at bata pa
man din, have in common?

Well, we heard that the TV host is now the current love of someone who is a "she" and who happened to be the ex of the TV and movie actress.

Clue: The "she" belongs to a prominent family, both in showbiz and in politics. Since her family is known for their good looks, "she"
herself is a beauty, mind you. But then, as we all know, mapag-biro kung minsan ang tadhana.



SINGER-ACTRESS AYAW MAI-KUMPARA SA AKTRES NA ALIPIN NG BOTOX
(Nag-taray sa Twitter...)
ni Lolit Solis, PM

Nag-taray daw sa Twitter ang isang singer-actress dahil ikinumpara siya sa isang aktres na alipin ng botox.

Ginagawan ngayon ng issue ang singer-actress at ang aktres dahil sa kanyang pag-ta-taray dahil parang ayaw na ayaw niya na ma-compare siya 
sa beauty ng aktres. Hintayin natin ang reaksiyon ng aktres na mapag-patol din sa mga usapin na nag-da-damay sa kanyang pangalan.


BF NG AKTRES 'DI MA-TAKASAN ANG BADING NA FOREIGNER
ni Ed De Leon, PM


Mukhang happy sa kanyang love life ang isang aktres pero ano kaya ang ga-gawin niya kung ma-la-laman niya na hindi totoong na-ta-takasan ng
kanyang boyfriend hanggang ngayon ang ma-dilim nitong nakaraan?

Hanggang ngayon pala kasi ay alaga ang BF ng aktres ng isang bading na foreigner.



BADING NA TV CELEB, MA-TINDI ANG TAMA SA ISANG MODELO
ni Ed De Leon, PM


Kami mismo ang naka-kita sa isang gay TV personality na ma-tiyagang nag-hi-hintay sa crush niyang male fashion model sa isang clothes shop noong
isang araw. Talaga palang lagi doon ang bading na television personality na para bang sina-sabi sa poging model na anuman ang mangyari ay
naroroon lang siya at nag-hi-hintay.

Kaso lang, mukhang hindi naman siya ini-intindi talaga ng poging male fashion model na laging all eyes naman sa kanyang girlfriend na hindi
naman kagandahan.



BETERANONG AKTOR, NA-LITO, EX-GF NAPAGKAMALANG ANAK NG NA-SALUBONG NA AKTOR
ni Lolit Solis, PM


Nakaka-loka ang kuwento ng isang aktor tungkol sa beteranong aktor na naka-salubong niya sa isang mall.

Kasama ng aktor ang kanyang dating girlfriend at nang makita sila ng beteranong aktor, nag-dialogue ito ng, "Ang laki-laki mo na, ah?"

Bakit na-loka ang aktor? Napagkamalan kasi ng beteranong aktor na anak niya ang ex-girlfriend na kanyang kasama. Magka-hawig ang anak ng
aktor at ang kanyang ex-girlfriend kaya na-lito ang veteran actor. May common denominator ang aktor at ang veteran actor dahil nagkaroon
sila ng relasyon sa isang sikat na aktres. Ang aktor ang naging ka-relasyon ng aktres nang makipag-hiwalay ito sa veteran actor.



DATING SIKAT NA SEXY ACTRESS SA BAR NAGPAPA-BOOKING
ni Emy Abuan Bautista, PM

May nakapag-bulong sa akin na may kaka-ibang raket pala ang sikat na sexy star na buma-bandera noon sa isang major company. Ayon sa aking
source, madalas itong mag-babad sa isang bar sapul nang mawalan ng mga proyekto at doon nakaka-kilala ng mga rich customers kung saan nakikipag
one night stand sa kanila.

Pero guma-gamit siya ng alias para 'di ma-kilala ng mga customers. Nagpa-retoke na rin kasi ang sexy star kaya 'di na siya masyadong ma-kilala
ng ka-partner kapag nakikipag-one night stand.



Young actor's manager against his gf

Sigurado kaming hindi pabor ang manager na ito sa actress-GF ng talent niyang young actor dahil siya pa ang nagkukuwento sa mga kaibigang reporter na sa phone lang niligawan ng alaga niya ang actress at sa phone rin sinagot ng actress ang actor.

Hindi yata alam ng manager na marami sa relasyon ngayon ay sa phone dumadaan at minsan nga ang breakup, kadalasan ay sa text na lang.

At least, nang mag-eyeball ang young actor at ang actress, magdyowa na sila at wala nang pa-cute-an stage silang pinagdaanan.

Ang “pasaway” image yata ng actress ang inaayawan ng manager ng BF nito, pero hindi rin naman malinis ang image ng young actor.

Mukha lang siyang mabait, pero nag-o-overlap din ang mga relasyon niya, ha!

Nitz Miralles 



Medication for sponsors

popular host is now the subject of most marketing executives and officers due to his style of getting sponsors which for them is “a little over the edge.”

He would casually thank certain companies in his spiels even if that company did not sponsor his show. Then he would call the executive of that company and say, “I thanked you in my show. When are you going to sponsor finally?”

soap detergent brand manager had no choice but to sponsor his show due to his “marketing tactic.” But one chief marketing officer thought his style was so tacky that her Facebook shoutout was, “There is no difference between _______ (the host’s name) and DSWD.”



Top Politico has eyes for TV reporters and starlets 

AFTER BEING linked with female TV reportersTop Politico got involved with Sexy Starlets.

S1 was reportedly showered with hush money to keep mum about the love affair. Is this the reason that Rushes often sees her shopping in an upscale mall in Ortigas Center?

TP’s younger ex-flame, SS2, is now married and has a child.

These days, TP seems back to eyeing media personalities, if rumors are to be believed.

An insider told Rushes that he wasn’t really interested in newbie TV Reporter, though.

TP just asked for TR’s name because he wasn’t impressed with her question at a press conference, said a mole.

Philippine Daily Inquirer



MAM-BA-BATAS, GUWAPO NGA, BAD BREATH NAMAN!
(Hindi pala siya bonggang-bongga!)
ni Divine Reyes-Caecle, Bulgar


Kung ti-tingnan natin ang mga miyembro ng Kongreso ay parang ang linis-linis at ang bangu-bango nila. Ma-hi-hiya ka nga na hawakan ang kanilang
damit dahil baka marumihan. Siyempre, karamihan sa kanila ay galing sa naka-a-angat na pamilya.

Pero kapani-paniwala ba na kung may isa sa mga mam-ba-batas na kahit may magandang mukha ay la-layuan mo? Kasi raw, para sa mga marunong umamoy,
hindi nila ito ma-ta-tagalan na ma-kasama nang malapitan?

Uma-alingasaw daw ang sama ng amoy ng hininga habang luma-laon ay nag-mu-mukha itong tuyot na mangga? (Ay, may ganu'ng pag-la-larawan?) Ano ba?
Kanya-kanyang trip naman 'yan, eh. Nakiki-amoy lang, nag-re-reklamo pa, hehehe!




Puzzler - Hint

PUZZLER: Whenever this showbiz couple fight, the wife says so many things against her husband to her friends and family. The source says that she always promises to separate from him for good because he is psychologically unstable, every time they fight. She is always jealous of other girls. The husband has remained quiet and never said a word in public about their fights. They are still together and are still very sweet to each other.

HINT: The wife is an actress and the husband used to be a matinee idol.

***

PUZZLER: This actress is desperate to clean up her image after deciding to separate from her non-show biz husband. She was unprepared when the sympathy of the public went to her husband after she kept badmouthing him and his family on the media. Now, she gives interviews saying her ex-husband is out there and dating a certain actress and that she is very, very happy for them. The truth, according to our source, is that she is the one who wants to go public with her date but couldn’t do so since the ex-husband remains quiet in his personal life.

HINT: The actress has a knack for claiming the spotlight when she feels that she is not being talked about much anymore.

***

PUZZLER: Most of her friends are advising this actress to take things a little bit slow in her love life and reserve something for herself. They’ve noticed, according to our source, that she is so much in love with her boyfriend that she seems to have little else in her mind. The friends are actually telling her that he could leave her, the same way he left his girlfriend for her about a year ago. The actress, according to the source, is always jealous and suspicious of his every move because she is afraid she might lose him.

HINT: The two are both in the acting business and have been living in, unknown to their fans. She gives him extravagant gifts also while he is rumored to be dating other girls when the actress is not with him.