Wednesday, November 10, 2010

EX-PBB TEEN CLASH OF 2010 BIG WINNER JAMES REID, VIRGIN PA RAW… SAAN?!

SIPAT: ‘BALIK-TV PATROL si KORINA SANCHEZ. BABAY, KAREN DAVILA!
EKLAT: Let’s sing: ‘AKO ang NAGWAGI…’
SIPAT: Teka, SINO ba ang TALAGANG may ‘K’ sa DALAWA?
EKLAT: ‘K’ as in: A] KARAPATAN; B] KAPIT?
SIPAT: Wow! ‘ICON of TOMORROW’ si CHARICE PEMPENGCO ng isang TEEN MAGAZINE.
EKLAT: ABANGAN namin ‘BUKAS’ ‘yan!
SIPAT: Parang ‘STAR of the NEW DECADE’ title ‘yan ni MANILYN REYNES noon…
EKLAT: ‘Ayun… BIT ROLES na lang ang NAIBIBIGAY kay MANE sa DECADE na ‘to!
SIPAT: LILIPAT na rin si IYA VILLANIA sa KAPUSO network?
EKLAT: Ayos! MADADAGDAGAN ang WALANG TRABAHO sa SIYETE!
SIPAT: NAGSABUNUTAN ang ‘WW. GIRLS’ na sina CONGRATULATIONS at PAK.
EKLAT: MATINDI ang DAHILAN ng AWAY ng DALAWA: LIPSTICK!
SIPAT: Take 2: NAGSABUNUTAN ang ‘WW. GIRLS’ na sina CONGRATULATIONS at PAK.
EKLAT: ‘Kala nila nasa FACE TO FACE sila!
SIPAT: ‘VIRGIN’ pa raw si JAMES REID – ang ex-PBB TEEN HOUSEMATE.
EKLAT: Sa GIRL o sa GURL?
SIPAT: BAKIT ba PABORITONG ITANONG ‘yang VIRGINITY?
EKLAT: ‘Pag WALANG INTERESTING na TOPIC sa ARTISTA!
SIPAT: Naku, MABIBILANG na lang ang VIRGIN sa SHOWBIZ!
EKLAT: ‘Yung mga NEWBORN BABIES at nasa GOIN’ BULILIT na lang?!
SIPAT: NAISPATANG MAGKASAMA sina RHIAN RAMOS at MO TWISTER sa EASTWOOD.
EKLAT: WALANG LASING sa kanila… in fairness.
SIPAT: MAGKASAMA lang NANOOD ng SINE sina JERICHO ROSALES at ANDI MANZANO, MAGSYOTA na?
EKLAT: BREAK na SILA, ‘no!
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

SINO NAMAN ITONG LAOS NG INGLESERANG BOLD STAR NA BALITANG DAHIL SA KAWALAN NG TRABAHO AY ANG SARILI NA LANG NITO ANG INILALAKO

SINO naman itong laos ng Ingleserang bold star na balitang dahil sa kawalan ng trabaho ay ang sarili na lang nito ang inilalako sa mga iba’t ibang kapitan at kagawad ng barangay sa Batangas. Kung dati-rati raw, mayayamang pulitiko at businessman ang target nito, ngayon daw ay pambarangay kagawad at kapitan na lang ang costumer nito.
At kahi`t hindi raw kalakihan ang bayad, tinatanggap na ni sexy star basta lang may maiuwi siyang pera pabalik ng Manila. Kung dati-rati raw ay super pabolosa at talaga namang sosyalera ang hubaderang ito, ngayon daw ay kitang-kita sa hitsura nito ang paghihirap sa buhay.
Pero kahit medyo nabawasan na ang kagandahan ni sexy star, mabentang-mabenta pa rin ito sa mga barangay kagawad at kapitan dahil na rin sa sumikat naman itong bold star nu’ng kanyang kapanahunan. Hindi naman daw nasi-zero ang sexy star na ito na umaabot minsan sa apat (4) ang costumer sa isang araw. ‘Yun na!

HULAAN NA !

ISINUSUMPA NG ISANG SHOWBIZ PHOTOGRAPHER NA ISA RIN PALANG GENDER BENDER ANG ISANG SIKAT NA MALE HOST-ACTOR.

ISINUSUMPA ng isang showbiz photographer na isa rin palang gender bender ang isang sikat na male host-actor. Hindi raw maaaring magsinungaling ang isang tagpong mismong nasaksihan ng fotog sa dressing room ng isang TV station.
Ang siste, nagbibiruan ang dalawang aktor, one of whom ay matagal nang pinagdududahang bading. Kinubabawan ng straight actor ang nakaupong suspected gay actor. Siya namang enter frame ng ating bida, ginawa rin niyang tsubibo ang pinagtitripang aktor. Hindi simpleng pangungubabaw ‘yon, may halong kadyot ‘yon na ginagamit ding posisyon sa pakikipagtalik.
‘Eto na ang eksenang may shock value. Pagtayo ng ating bida, hindi maitatagong namumukol ang kanyang harapan… yes, Kuya Dan, tinigasan!
Da who ang male host-actor na ito na may itinatagong okra na nagiging patola dahil naelya-elya? Try mo kayang maghanap ng “fruit”! (Ronnie Carrasco III)

HULAAN NA !

MAY SABIT NA BAGITONG KONG, TODO DENY SA KA-RELASYON, NANG MAG-PAKASAL ANG CHICKS SA IBA, HUMAGULGOL DAHIL SA LAKI NG KANYANG IPINUHUNAN (Sa bebot pala ma-na-knockout...)

BAGAMA't mukhang matibay at matigas ang dibdib nitong Bagitong Kong, bumibigay din pala sa larangan ng pag-ibig.
     Mantakin mo talaga naman humagulgol sa iyak si Bagitong Kong nang mag-asawa ang kanayang dating syota
Napakalaki ng umano ng ginastos ng bagitong kong sa dating syota at maging sa pamilya nito na kilala sa larangan ng showbiz.
     Sa mismong opisina pa raw sa Kamara nagpa-inom ang bagitong kong noong araw na ikasal ang dating syota matapos ang mahaba habang inuman ay bigla na lang daw umiyak ito.
     Talaga namang ipinakita umano ng bagitong kong na sobrang mahal niya ang kanyang dating syoto, gayung nang pumutok ang isyu sa kanilang dalawa ay walang humpay sa kadedeny si Bagito Kong.
     Isa rin sa mga dahilan ng pagkakaubos ng pondo ni Bagito Kong ay ang love affair nito sa dating syota sapagkat maging ang pamilya ng babae ay nakinabang nang husto sa kanya.
     Sa kasalukuyan ay mas malaki pa umano ang naipong pera ng asawa ni Bagitong Kong kaysa sa kanya dahil bukod sa pambabae nito ay matindi rin itong magsugal.
     Hindi kaya ma-knock-out ka bagitong kong sa iyong ambisyon na magtagal pa sa larangan ng pulitika?
tiyak agad na malalaos ka sa oras na wala ka ng guguguling pondo sa iyong mga nasasakupan!


Sa bebot pala manaknockout...


HULAAN NA !

BAGUHANG AKTOR, BOPOL UMARTE PERO LAGING LEADING MAN DAHIL ALAGA NG GAY TV EXEC! ('Di na siya katorse pero ma-benta pa rin...)

"Nu'ng minsan namang makausapniya ang isang young actor na may magandang career, ang inusisa agad ni _______ (ang guwapong young actor na baguhan pa lang noon).
'Sino ang humahawak sa career ko, eh, ganyan din kaganda sa career mo ang mangyayari sa akin?'


"Kung sinu-sino ang tinatanong niya. talagang gusto niyang malaman kung sino ang pinaka mabilis niyang magagamit para matupad ang mga pangarap niya. Puro tanong ang ginagawa niya, humihingi siya ng pointers sa mga nakakausap niya,"
simulang kuwento ng aming impormate.


Natural, nabalitaan 'yun ng mga bading na ehekutibo ng network, kaya nag-unahan naman ang mga ito para hawakan ang karera ng bagito pang aktor noon.


"Ngayon, magtatanong pa ba kayo kung bait super bongga ang takbo ng career niya ngayon? Nakapagtataka pa ba kung bakit katatapos pa lang ng isa niyang teleserye,
eh, meron na agad kapalit 'yun na isa pa? Magtataka pa ba kayo ngayon kung bakit palaging may trabaho ang bagets actor na ito?


"Magaling siya, 'diba naman? Talagang bago siya maging frozen delight sa network na 'yun tulad ng iba pang mga mas nauna sa kanya, eh, ginamit na agad ni bagets actor
ang kanyang utak.


"o, 'di ba't bonggang-bongga siya ngayon, magagandang roles ang napupunta sa kanya, palagi siyang leading man ng bagets na bida, 'yun ang nagagawa ng tamang connection! 'yun ang nagagawa ng pagiging segurista,
tamah?" konklusyon naman ng usa pang nasa umpukan.


HULAAN NA!

GUWAPONG ACTOR, INSECURE SA MAGALING NA BAGETS ACTOR, SINIRAAN AT PINALABAS NA BADING NANG MAKITA SA BILLBOARD

May inggit factor ba ang guwapong aktor sa bagets actor na magaling umarte
pero pinagdududahan ang gender?


How true na nagsalita ang nang masama ang guwapong aktor laban sa bagets nang makita niya ang billboard
nito sa EDSA? Lalaking-lalaki raw siya at dapat ay siya ang nasa billboard na 'yun


Naalarma na ba ang guwapong aktor dali mas kumita ang pelikula ng bagets actor ng kanyang ka-love team kesa
sa movie nila ng kanyang ex-sweetheart?


Marami rin nagsasabi na ang love team ng bagets actor susunod sa kanila at maaring talbugan pa balang araw
dahil nawala na ang chemistry ng guwapong aktor at ng ka-partner niya.


Nawala na ang Kilig
'Yun na 'yun ! 


HULAAN NA KUNG SINO. !

YOUNG ACTOR NA LULONG SA BISYO, TSUGI NA SA TELESERYE

Tinanggal na pala sa isang teleserye ang isang young actor na lulong sa bisyo. Ilang taping schedule na ang hindi na-sipot nito kaya't minabuti
ng direktor (na siya ring manager niya) na patayin ang character nito para totally mawala na sa series.

"Ano'ng mukha ang i-ha-harap ko sa production executives? Ano na lang ang sa-sabihin nila, na sarili kong alaga, hindi ko ma-disiplina? Kawalan
ng respseto 'yan sa akin bilang manager at direktor niya!" sabi ng pobrecitong direktor.

Ma-galing pa naman sana ang batang aktor. Na-pariwara lang ito nang ma-BI (bad influence) ng masasamang barkada na walang ibang magawa sa buhay
kundi ang gumimik, lumaklak, mam-babae at mag-droga. Tsk tsk tsk! Sayang!




HULAAN NA KUNG SINO. !

MA-TULIS NA AKTOR-PULITIKO, BUKING NG TIGRESANG MISIS NA MAY IBINA-BAHAY NA BAGETS, PINAG-A-ARAL PA KAYA ITINAGO SA PROBINSIYA! (Hindi sa emergency room, as in E.R.?!)

Ma-tulis kung i-larawan ng aming mga impormante ang isang aktor-pulitiko, tahimik siyang mag-trabaho, pero nu'ng minsan ay na-buking pa rin siya
ng kanyang misis na may ma-talas na ilong. Kuwento ng aming source ay talagang matulungin ang pulitikong ito, dahil tinu-tulungan niyang makatapos
na pag-a-aral ang isang magandang babae na ilang taon din niyang naka-relasyon, may nakaka-lokang kuwento kung paano 'yun na-tuldukan.

Simula ng aming source, "Tahimik lang siya, parang puro serbisyo ang maririnig sa kanya, pero meron siyang naka-relasyong estudyante na siya
pa mismo ang nag-pa-paaral. Ma-tagal din niyang naka-relasyon ang girl, habang magka-relasyon sila eh nag-a-aral 'yung babae, siya ang sagot sa
lahat-lahat, tinamaan siya sa isang 'yun.

"Tanggap siya ng pamilya ng girl, ikaw ba naman ang maging powerful, natural lang na walang ibang pag-pi-pilian ang partido ng girl kundi ang
tanggapin na lang siya. Bagets pa 'yung girl nu'ng ma-kilala niya, ma-pangarap ang babae, hindi siya basta nagpa-garahe lang kay (pangalan ng
aktor-pulitikong galing sa pamilya ng mga artista at pulitiko), talagang nag-aral siya.

"Pa-puslit-puslit lang si Mr. Politician sa wife niya, kung anu-anong meeting ang idina-dahilan niya, makapag-kita lang sila ng girl. Ma-tapang 
ang wife nu'ng pulitiko, pa-laban, pero sa kabila nu'n, eh, naka-ga-gawa pa rin ng milagro si sir," simulang kuwento ng aming source.

Sa madaling salita ay nakatapos ng pag-a-aral ang babae, meron nang na-amuyan ang misis ng pulitiko, kaya pina-subaybayan siya nito. Buking ang
aktor-pulitko, hindi na siya nakapag-kaila, kaya ang pinakamagandang ma-ga-gawa niya, eh, ang manahimik na lang muna para hindi magwala ang
tigresa niyang misis.

"Kahit gaano ka-simple si sir, eh, na-buking pa rin siya ng wife niya, wala namang perfect crime, 'di ba? Kaya hayun, buking ni misis si mister,
kaya biglang tigil ang relasyon nila ng girl. Kung anu-ano nang paraan ang ginawa nila, nandiyang mag-pakita ang girl na may kasamang ibang
lalaki, pero na-buking ni misis na front lang pala 'yun para mapag-takpan ang relasyon ng babae at ng pulitiko.

"Hindi naging effective ang drama nila, kaya pinag-bakasyon ni sir ang girl sa isang probinsiya. Du'n na lang sila nag-ki-kita, may meeting na
naman daw du'n si sir, pero na-buking ng wife niya na hindi naman pala meeting kundi mating ang nangyayari kapag bumi-biyahe nang ma-layo ang
asawa niya. Nag-ta-trabaho na ngayon ang girl sa isang ahensiya sa probinsiyang si sir ang may power, natural, hindi niya ma-ka-kayang pabayaan
ang babae dahil siguradong may puwedeng i-bulgar ang mga kamag-anak ng babae.

"Bantay-sarado na ngayon si misis sa mister niya, talagang pina-bantayan na siya, kaya gustuhin mang makipag-kita ni sir sa girl, eh, siguradong
ma-bilis siyang ma-bu-buking. Ma-tagal din niyang nai-tago ang relasyon nila ng estudyante, pero talagang ma-galing umamoy ang babae, buking na
buking si sir. Hindi kasi niya na-isip na sa mismong probinsiya rin palang pinamumunuan niya naka-tira ang girl, kaya abot-kamay lang sila ni
misis," kuwento pa rin ng aming source.

Huling hirit pa ng aming impormante, "Ano'ng akala ni sir sa sarili niya, siya ang uncle niyang politician na lantaran ang relasyon sa iba't
ibang babae? Syarap! Tumigil siya, baka bambuhin pa siya ng sagwan ng misis niya!"

Ay, anak-anakang Aris Bagtas ng Obando, ma-u-upo ka pa kaya ngayon sa Row 4 na ka-tabi ang ma-bahong basurahan sa pang-hu-hula kung sino ang bida
sa kuwentong ito?


Sino Ang HULA niyo Comment na !

PAG KINOKOPS NG BADING: SEXY YOUNG ACTOR, MAINGAY NA, NANANABUNOT PA

BLIND ITEM: NATAWA ako sa kuwentong narinig namin. Narinig lang namin ‘to, ha? Sa isang kumpulan ng mga bakla, maingay raw sa kama ang isang guwapong sexy young actor. Maingay na, nananabunot pa. “Sobra siyang mabaliw ‘pag sini-sing-along siya ng bakla, kaya ang tendency, malakas ang kapit niya sa buhok ng bading!”

Ha-ha-ha-ha!

Nako, nakakalokah naman ito, ha-ha-ha-ha!

Ayaw na naming magbigay ng clue, dahil mahirap, eh. Tsikahan lang naman ‘yon ng mga bakla. Baka exaj lang, kawawa naman ‘yung bagets. Baka sabunutan din kami, ha-ha-ha!

Oh My G!
by Ogie Diaz


Sino Ang HULA niyo Comment na !

BATANG AKTRES, UGALING IMPAKTA!

Kinaiinisan pala ang batang aktres na ito ng mga kasama niya sa isang drama series dahil sa matinding attitude problem. Nagsisimula pa lang siya pero kung anu-ano nang kamalditahan ang pinaggagawa niya.

Napasama kasi ang batang aktres sa isang malaking drama series. Dahil nga sa naging hit ang drama series, nakilala agad ang batang aktres at doon din nagsimula ang paglaki ng ulo nito.

Sey ng aming source na ang magulang daw ng batang aktres ang naging dahilan kung bakit naging maldita ang bata. Pinasok daw sa utak ng bata na sikat na ito at dapat lang na mag-astang sikat.

“Noong una naman mabait ang batang ‘yan. Parating may ‘po’ at ‘opo’ kapag kinakausap kami. Aba, noong makilala na, hindi na naging magalang. At laging nakasinghal sa alalay niya sa set.

“Noong pinapabihis na nga para sa eksena niya, nag-dialogue ba naman ng, ‘Nandiyan na ba ang bida?

Kung wala pa, hindi pa ako magbibihis!’

“O hindi ba, impakta ang bata? Eh nandoon ang magulang, pina*mimihasa nilang sumagot ng gano’n.

“Eh narinig siya noong isang artista ng show na matagal nang nagtitimpi sa ugali niya. Noong umalis ang magulang nito para bumili ng pagkain, kinuntiyaba niya ang alalay para pagalitan niya ito.

“Ayun tinalakan niya ang bata at sinabihan na hindi siya sikat. At maging mabait siya sa alalay niya dahil balang-araw ay baka lasunin na lang siya nito kapag umasta pa siyang ‘di maganda,” kuwento pa ng aming source.

Natulala nga raw ang batang aktres at tuwang-tuwa naman ang alalay nito dahil sa wakas ay may nagsermon sa bata. Tuwing makikita raw ng bata ang nanermon sa kanya na artista ay super-behave ito at nagiging magalang na sa mga nakakatanda sa kanya.




Sino Ang HULA niyo Comment na !

MALE TV HOST NA ADIK SA DROGANG PAMPA-TULOG, MINU-MURA-MURA NA LANG NG KINA-KASAMA

Malala na ang problema ng male TV host na ito dahil sa pag-gamit nito ng droga na pampa-tulog. Hindi na siya tina-tablan ng gamot pero useless
siya ngayon dahil nag-i-iba ang mood swings niya.

Suko na ang kina-kasama ng male TV host dahil hindi na mapag-sabihan na tumigil ito sa pag-inom ng droga. Ang gina-gawa na lang ng babae ay
ini-iwan niya si male TV host na buong araw tulala sa kuwarto.

"Kailangan din namang mag-trabaho ng kasama ni male TV host, Paano na ang buhay nila? Hindi nag-ta-trabaho si male TV host. Sinu-sumpong
parati. Kaya no choice ang kina-kasama nito kundi ang mag-work na or else wala silang ka-kainin," kuwento ng aming source.

Ang kina-i-inis ng kasama ni male TV host ay kapag tawag ito nang tawag sa kanya. Na-pa-praning ito na wala siyang kasama sa bahay. Sa sobrang
inis ay minura-mura na niya sa telepono si male TV host.

"Hindi na nakapag-pigil ang kasama ni male TV host. Ilang buwan na kasi siyang nag-ti-tiis at uma-asa na mag-ba-bago ito, pero walang improvement.
Kaya walang karapatan na maki-alam si male TV host sa pag-tanggap ng trabaho ng kasama. Pagka-tapos murahin si male TV host, hindi na ito
tumawag at nangulit. Siguro naman ay pumutok ang ear drum nito sa ma-lakas na pag-mu-mura sa kanya sa telepono," pang-asar na chika pa ng
aming source.




Sino Ang HULA niyo Comment na !

DATING MAG-JOWA BESPREN NA LANG NGAYON

Naka-ta-tawa talagang isiping dati'y very much in love sila sa isa't-isa, pero sa ngayon, lumabas man sila at mag-date ay wala na talagang
init at the best of friends na lang at the most.

How soon people tend to fall out of love, 'di ba? Considering na it was a smoldering passionate relationship before, but today, it's surprising
to know that they feel nothing but platonic friendship.

From the outset, it was a match made in heaven, with the guy looking ike a veritable Adonis with his lean physique, luscious brown complexion
and deep penetrating eyes with that mischievous come and get me look most of the time.

The young lady on the other hand possesses a magnetic personality that most men would certainly die for. Tall and brown, with intelligence
radiating from her somewhat catty eyes, she is indeed the perfect girlfriend material.

So when they fell in love in that colorful abode that's globally famous, a lot of people had the impression that the intimacy would end
up at the altar. How hilariopus indeed when the moreno stud ended up wtih the best friend of the winsome womann the public had the impression
that he would ultimately marry.

Kalukring! Hahaha! Sa ngayon, parehong malamig ang kanilang mga labi. The guy has been paired off with a sexy young thing but he just could
not have some genuine feelings for her deep inside, he's still looking for the innate sophistication of the two women he got involved with.

Palengkera kasi ang maganda at mahusay umarteng girlalu kaya 'di talaga niya magustuhan. The tall and intelligent lady on the other hand
has just broken off with her boyfriend, a part-owner of a club. It's a sad thing but that's life in showbusiness.




Sino Ang HULA niyo Comment na!

TOTOO KAYANG NAHILA ang kotse ng isang hunk actor dahil hindi ito nakababayad sa tamang panahon?


Ilang buwan na raw na hindi nakapagbabayad ng buwanang hulog niya ang sexy actor kaya naman napilitan na raw ang pinagkunan niya ng kotse na bawiin ang kanyang sasakyan.
Ilang buwan pa lamang daw ay hindi na nakababayad ng monthly dues niya ang actor dahil siguro sa kakapusan sa pera. Pero ang alam namin, may regular show naman siya sa isang network. Baka hindi naman kalakihan ang kanyang talent fee at hindi naman siya madalas mag-taping.
Ang actor na ito ay naging mapangahas sa kanyang pictorial lately. ‘Yun na!
BLIND ITEM: UP to now pala, this actress is still suffering from her inferiority complex lalo na kapag nabibigyan ng emphasis ang kanyang katawan. Ito raw ang kanyang laging sinasabi sa kanyang close friend na isa ring aktres.
Dati na kasing mataba na biglang pumayat ang aktres na ito with the help of slimming medicines na kanyang tine-take noon pero ang nakalimutan niya, e, ang sabayan ng work out sa gym ang kanyang pagda-diet para hindi sana nag-sag ang kanyang skin at na-avoid na rin sana ang mga scratches and lines sa kanyang arms, breast and hips na ngayon, e, talaga namang visibly marked, na kung hindi tatapalan ng concealer, e, siguradong mahahalata kapag nakunan ng camera.
Ang kanyang inferiority complex rin ang dahilan kung bakit nag-dalawang-isip siyang magpa-pictorial nang naka-bikini for the promo of her TV series at nang napapayag siya after the planned convincing scheme ng isang TV executive, e, nagkasundo silang maging limited ang mga tao sa studio at saka siya sumumpa na hindi na mauulit ang ganu’ng klaseng pictorial.
Sayang dahil nag-iisa lang ang beauty ng aktres na ito na kung tutuusin, e, puwede rin sanang maging beauty queen… getz?  (Joey Sarmiento)
BLIND ITEM: SINO naman itong baklang trying hard comedian na regular na napapanood sa isang gag show ang malapit-lapit nang ireklamo sa pamunuan ng isang higanteng TV network ng mga lalaking nagiging extra sa nasabing palabas dahil na rin sa kahalayan at sobrang libog nito?
Tsika pa ng aming source, everytime daw na may matipuhang guwapong extra si komedyante, hinihila kaagad nito sa isang sulok ng studio at doon hihipu-hipuan ng nota. At dahil nga artista, mistulang sunud-sunuran na lang ang mga kaawa-awang extra sa kahit na anong gustuhin ng mahalay na komedyante.
Bukod pa sa tinatakot nito ang mga ekstrang lalaki na ‘di na niya ulit kukunin sa nasabing show kapag hindi ito pinagbigyan.
At kung minsan pa nga raw, tine-take home pa ng nasabing baklang komedyante ang kanyang mga natitipuhan, habang ang iba naman ay pilit nitong ginagawang boyfriend.
At dahil nga gustong mag-artista ng mga pobreng lalaki, susunod na lang sa kaelyahan ng nasabing comedian. (John Fontanilla)
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong pretty actress na sa kabila ng kagandahan ng kanyang mukha ay siya namang nagtatago ang hindi niya kagandahang ugali?
Ang chikka kasi ng aking parazzi girl, itong si pretty actress daw ay medyo may pagka-insensitive dahil sa buong maghapon ng shooting ay wala man lamang effort na inilabas para pakainin ang kanyang make-up artist.
Sumapit na ang gabi at mukhang nahiya na si pretty actress kaya inabutan si make-up artist ng ensaymadang galing sa isang fan. Eh, buti naman at may isa pang fan na nagbigay ng cake kaya medyo nakadagdag na rin sa kumakalam na sikmura ni make-up artist. Tsk, tsk, tsk!
Naku, huh! Ulcer ang abot ng magtatrabaho para kay pretty actress. Bad ‘yan! Hindi mo maintindihan kung tamang tipid siya o sadyang dedma lamang siya. Hay! Kung gaano kasarap pakinggan ang kanyang apelyido na katunog ng isang ulam eh siya namang kakagutom siya kasama. Ano kilala n’yo na?! (Tita Swarding)
BLIND ITEM: BAGAMA’T tapos na ang Halloween, puwede palang humabol ang isang scriptwriter-director (kuno!) moonlighting as a publicist na naglalakad nang walang ulo sa paningin ng mga taong nadenggoy niya.
Recently, pinamunuan ng publisistang ito ang isang indie project arranging one event after another, from its press preview to the launch of an upcoming male artist who sang its theme song. Marami-rami rin ang mga activities na ‘yon with corresponding budget that translated to hundreds of thousands.
As PR protocol, nag-submit ang publisista sa producer ng listahan ng kanyang mga iimbitahang press from various media outlets. Umabot ang ikinowt niyang budget to about P150,000 pero natuklasan later on ng produ na wala pa sa singkuwenta mil ang ipinamahagi ng publisista. Deklarado naman sa papel ang press attendance, pero konti lang ang nagsulat o nag-cover ng event, clearly a deliberate attempt to pocket a major part of the budget.
Hindi pa nakuntento ang publisista sa kanyang kinita, his next potential victim ay ang singer na kumanta ng theme song na ginatasan umano niya ng halagang P180,000 na parang baka. Again, a substantial amount based on the publicist’s budget proposal was allocated for the press. Pero ang siste, nang ibibigay na raw ng publisista ang sobre sa isang editor ng diyaryo who came to the event ay nahuli nitong binawasan ang datung!
Then came the premiere showing of the indie film. Again, may ibinigay na P50,000 sa publisista bilang budget para sa a-attend na press ng mismong producer. Pero ni mineral water ay hindi napatakan ang nanunuyo nang lalamunan ng press sa pagkalayu-layo pa manding venue nito!
Nu’ng mag-showing lang daw ang pelikula at a state university nang mabuking ang umano’y nakulimbat ng publisista both from the producer and the upcoming singer, na kung susumahin daw ay aabot sa P350,000! Teka, pagsama-samahin yata ang talent fees ang mga bida sa indie film na ‘yon, katumbas na ‘yon ng nadenggoy ng publisistang ‘yon!
Ayoko sanang personalin ang taong ‘yon, but it has come to my knowledge that he does not like me for whatever reason. Care ‘ko. The feeling is mutual, anyway. All I know is that I’m friends with respected columnists na kapareho ko ang initials like Ronald Constantino, Ricky Calderon and Roldan Castro.
Did I miss anyone? (Ronnie Carrasco III)
BLIND ITEM: MERON palang inirerekomenda kay Willie Revillame na maging co-host nito sa Willing-Willie, pero ang napag-alaman namin, tinanggihan na ito ni Willie.
Ang dahilan: Umiiwas si Willie na makaaway someday ang “pamilya” nu’ng girl. Eh, kilala n’yo naman si Willie, masyadong metikuloso. Baka ma-late ang girl, tapos, tatalakan niya.
Tapos, malalaman ng pamilya, tatalakan din si Willie pabalik. Kaya ‘wa na lang daw.
Hindi na kami magbibigay ng clue. (Ogie Diaz)


Sino Ang HULA niyo Comment na!