Thursday, December 9, 2010

December 09, 2010

Biniling town house bayad na, pa-abroad-abroad pa 

Nagugulat ang ilang talent coordinators sa young actor na ito. Kung noon ay nakikiusap ito na bigyan siya ng guest role sa mga hawak nilang mga shows, ngayon ay tumatanggi na ito sa trabaho.

Sey ng isang TC ay may magandang role pa naman siya sa young actor at one month itong magte-taping sana. Pero noong tawagan niya ito, sinabi na hindi siya puwede dahil may iba siyang pinagkakaabalahan.

Inisip lang ng TC na baka nabababaan ito sa talent fee niya. Pero noong makausap niya ang isa pang TC, tumanggi rin daw ang young actor sa isang raket na three-days sana kukunan sa isang resort. Times two ang talent fee na ibibigay sa kanya para sa tatlong araw na shoot lang. Pero tumanggi ito sa grasya.

Hinanap ng dalawang TC ang road manager ng young actor para malaman nila ang misteryo nitong pagtanggi sa mga trabaho ngayon. Nalaman nila na may benefactor ito ngayon na isang mayamang matrona.

Ang mga barkada kasi ng young actor ay mga matrona ang target na biktimahin. Kaya ngayon ay buhay-hari ang young actor sa magarang condo nito sa Makati.

“Walang ginagawa ang damuho kundi ang mag-workout out, samahan sa mga sosyal na party ang matrona at pumunta sa kung saan-saan. Kakabalik lang from Singapore ang young actor at balita ko na sa Hong Kong sila magpa-Pasko ng matrona,” tsika ng road manager.

Nagsimula na paid escort ang young actor kapag wala itong mga shows na ginagawa. Bongga mag-pay ang matrona dahil bongga ang performance parati ng young actor. Nabayaran na ni young actor ang townhouse na binili niya para sa kanyang pamilya at may maliit na silang negosyo na inaasikaso ng kanyang ina.

“Kaya walang keber si young actor kung wala siyang show. Marami na siyang datung at pa-easy-easy na lang siya. Walang problema sa matrona dahil matagal na itong hiwalay sa mister at nasa ibang bansa na ang mga anak. Kaya hari siya sa puso ng kanyang matrona,” pagtatapos pa ng road manager.

Ni RM 
Pilipino Star Ngayon
December 09, 2010




BATANG AKTRES, BIKTIMA NG KAMANYAKAN NI DRAMA ACTOR!
Hindi pa rin pala mawala sa isipan ng young actress na ito ang pananamantala ng isang drama actor sa kanya nang minsang magkasama sila sa isang taping ng isang hit na drama series.


Inamin ng young actress na tuwing nakikita niya sa TV o litrato man sa mga diyaryo at magazines ang drama actor ay nakakaramdam siya ng takot dahil sa ginawang pangha-harass sa kanya nito.


Ilang tao lang ang pinagsabihan at nakakaalam sa nangyari sa young actress dahil ayaw nga ng pamilya niya na lumaki ang insidenteng ito at maging national issue. Sikat kasi ang drama actor na nang-harass at kung mali-leak ito sa media ay tiyak na magiging malaking eskandalo ito.


Nagsimula nga raw ang lahat nang kuning pansamantala ang young actress na ito na maging guest sa isang TV series. Kapalit lang siya pansamantala sa leading lady ng drama actor dahil nangibang-bansa ito. Doon lang daw sila sa set nagkakilala ng drama actor.


Role ng young actress ay isa sa mga babaeng makakarelasyon ng drama actor kaya may mga romantic scenes sila. May mga eksenang nagyayakapan sila at naglalambingan.


Kilala naman ang young actress na hindi makiyeme dahil alam niyang trabaho lang ang lahat. Bukod sa katotohanan na may boyfriend ito na hindi taga-showbiz.


Hindi alam ng young actress na una pa lang siyang nakita ng drama actor ay pinagnasaan na siya nito. Kasi nga maganda at sexy ang young actress kaya hindi mapigilan ni drama actor na mag-init sa kanya. Kaya ni-request talaga nito na magkaroon sila agad ng kissing scene.


Wala naman daw problema sa young actress dahil alam niyang gagalangin siya ng drama actor. Pero noong kunan na nga ang eksena, hindi pinepeke ng drama actor ang halik nito sa kanya. Sobra raw kung makalapat ang mga labi nito sa nakasarang bibig ni young actress.


Kinagulat pa nga raw ng young actress nang pilit na ipasok ni drama actor ang dila niya sa pagitan ng nakasarang labi ni young actress.


Hindi muna nag-react ang young actress at baka aksidente lang ang lahat. Nang tingnan niya si drama actor, nag-sorry ito at nadala lang daw siya sa eksena. Sinabi na lang ng young actress na huwag na niyang ulitin iyon dahil nao-offend siya. Nangako naman ang drama actor.


Sa next taping day ay isang kissing scene ulit ang kinunan at handa na ang young actress sa puwedeng gawin ulit ng drama actor. Nang mag-action na ay tama ang hinala ng young actress na gagawin ulit ni drama actor ang pananamantala nito. Muling isinisingit nito ang kanyang dila sa mga nakasarang bibig ni young actress. Bukod doon ay kunsaan-saan pa raw gumagapang ang mga kamay ni drama actor sa kanya.


Si young actress na ang kumawala sa mahigpit na yakap ng drama actor at bigla itong tumakbo sa banyo at nagkulong doon. Nagulat ang mga nasa set dahil sa pag-walkout ng young actress.


Pinatawagan ng young actress ang manager niya at lalabas lang daw siya ng banyo kapag nandiyan na ang kanyang manager. Pagdating nga ng manager ay nagsumbong ang young actress sa ginawa sa kanya ng drama actor. Umalis na sila sa taping set na umiiyak si young actress.


Ilang araw ang lumipas nang may dumating na abogado sa set ng TV series at hinanap ang drama actor. Handa na raw siyang sampahan ng kasong sexual harassment ng pamilya ng young actress.

Nakiusap ang drama actor na makikipag-usap siya at hihingi ng tawad sa young actress. Malaki ang magiging epekto sa kanyang pamilya kapag natuloy ang demanda sa kanya.


Sa isang function room nga ng isang kilalang hotel naganap ang paghingi ng sorry ni drama actor kay young actress. Lalake lang daw siya at hindi niya napigilan ang kanyang sarili.


Present din sa araw na iyon ang non-showbiz boyfriend ni young actress at handa ngang magpasuntok sa mukha ang drama actor sa boyfriend ni young actress para mawala ang galit nito sa kanya.


Tinanggap na ni young actress at ang pamilya nito ang paghingi ng sorry ni drama actor at hindi naman ito sinuntok ng boyfriend. Yun nga lang ay never na makikipagtrabaho ulit ang young actress sa drama actor dahil markado na ito sa kanya.


Ni RUEL MENDOZA
THURSDAY, DECEMBER 09, 2010





Aktres, binabawian ng kotse

NAKATANGGAP kami ng tawag kahapon ng hapon mula sa isang da*ting sexy actress na nakarelasyon ang isang maimpluwensyang tao.
Nagsumbong itong aktres na may mga pulis na pumunta sa bahay niya dahil kinukuha ang mga kotse niya sa bahay.
Matagal nang napaba*litang hiwalay na si aktres sa kanyang karelasyon kung saan nagkaroon siya ng isang anak.
Magulo ang kanilang paghihiwalay lalo na’t binabawi ng karelasyon niya ang bahay pati ang ipinundar na negosyo.
Pati ang dalawang kot*se na gamit ng aktres ay gusto rin daw kunin pero ayaw ibigay ng aktres ang mga ito.
Nasa pangalan daw niya ang mga kotse at matagal nang nasa kanya.
Para hindi na humaba pa ang kaguluhan, umalis na si aktres sa love*nest nila ng maimpluwen*syang la*laking nakarelasyon niya, pati ang pinamamahalaang negosyo, pero dala niya ang kotse dahil naniniwala siyang dapat nasa kanya na ito.
Lumipat ng bahay si aktres. Ang buong akala niya, hindi na siya guguluhin, Pero kahapon lang, nagulat siya nang nagdatingan ang mga pulis dahil may order daw na kinukuha na ang dalawang kotse niya.
Tumutol si aktres dahil wala raw kaso at naniniwala siyang hindi basta-basta makukuha ang mga kotse niya.
As of presstime, may mga abugado na si aktres na pinapunta roon dahil ipaglalaban daw niya ang natirang kotse sa kanya at hindi niya ito ibibigay sa mga pulis.
Ilang oras nang nandu’n ang mga pulis at wala silang magawa dahil hindi raw ito basta-basta mahila sa kanya.
Hindi na nakakausap ni aktres ang dating karelasyon at kung sakali, baka sa korte na lang daw sila magtagpo.
Matagal nang gustong magsalita ni aktres tungkol sa nakarelasyon nito, pero baka wala raw mangyari dahil makapangyarihan ang lalaking ito.
Habang tinitipa namin ito, may mga nagdatingang media roon at nandu’n pa rin ang mga pulis.
Mukhang nakahanda na ang aktres na magsalita, pero ewan ko lang kung sasagutin ito ng lala*king nakarelasyon niya.
Abangan sa Startalk kung ano ang susunod na nangyari sa eksenang bawian ng kotse.

Abu Tilamzik
December 09, 2010 Thursday





DAHIL SA MAHADERANG NANAY, TEEN ACTRESS HINDI NA NAGKAKA-TRABAHO
ni Ruel Mendoza, PM


No wonder na walang nangyayari sa career ng isang dating teen actress na ito dahil sa masahol na ugali ng nanay nito na nagpapaka-stage mother
parati sa kanyang anak.

Kahit na may edad na ang dating teen actress, naka-buntot pa rin ang kanyang ina na walang ginawa kundi ang mag-reklamo at mag-demand ng kung
anu-ano sa mga tumu-tulong sa anak niya. Tuloy, nawalan ng gana ang mga gustong tumulong sa kanyang anak dahil sa pakikialam niya.

"Inu-una kasi ng nanay na 'yan ang kayabangan niya. Na kesyo may offer daw ang anak niya kaya ganito, eh, 'di tanggapin nila. Malalaman ko na
lang na wala pala at ine-echos lang ako. Lalo akong na-ga-galit sa mahaderang nanay na 'yan, Tuloy, pati ang anak niya apektado sa pagiging
trying hard na stage mother niya," litanya ng aming source na dating tumu-tulong sa teen actress.

Isa pang hindi nagustuhan ng aming source ay nang kausapin ng mahaderang ina ang isang scriptwriter ng isang drama series at nag-demand na
palakihin ang role ng kanyang anak sa show. Mas magaling naman daw itong umnarte kesa sa bida.

"Doon ko na talaga sila sinukuan kasi ang kapal ng mukhang talakan ang writer ng show!" tili ng aming source.

"Imagine, isinama na lang ang anak niya para magkaroon ng trabaho dahil dumaan sila sa malaking financial problem, hindi na lang nag-pasalamat.
Ang ginawa ay sumugod sa studio para pagsabihan lang ang writer na palakihin ang role ng anak niya. Hindi talaga siya nag-i-isip, 'di ba?
Title role ang sina-sabihan niyang aktres na hindi marunong umarte. Hindi ga-gawing bida ang aktres kung hindi 'yan marunong umarte. Bakit ang
anak niya, sina-sabi niyang ma-galing pero wala namang kumu-kuhang bida? Wala siyang karapatan na man-lait ng iba.

"Ayon, imbes na humaba ang role na anak niya bilang kaibigan ng bida, pinatay ka-agad kasi pakialamera siya. Kaya never ko na silang tu-tulungan
talaga. Ako ang na-pa-pahiya sa kanila. Walang utang na loob ang ina kaya tuloy walang nangyayari sa anak niya."

Kelan lang daw ay nag-te-text ulit sa aming source ang mahaderang ina ng dating teen actress. Hindi na ito ini-entertain ng aming source
dahil ma-pa-pahamak lang siya sa panget na ugali nito.





DATING HUNK ACTOR, 'DI NA BINIGYAN NG KAHIHIYAN NG MADIR, PARANG BATANG PINAGALITAN SA MALL DAHIL MAY BINILING MAHAL!
(Mala-Machete pa naman ang laki ng katawan...)
ni Cristy Fermin, Bulgar

Isang impormante ang tumawag sa amin para i-kuwnto kung paano pinagalitan ng kanyang ina ang isang dating hunk actor sa harap mismo nila sa
isang sosyal at malaking mall. Mag-kasama raw ang mag-ina, merong biniling kung ano ang dating hunk actor na may kamahalan, kaya na-galit ang
kanyang nanay. Dinig na dinig ng mga naka-paligid kung paano pinagalitan ng nanay niya ang aktor na sa sobrang kahihiyan ay napapa-yuko na
lang tuloy.

"Na-gulat kami, na-kita namin si (pangalan ng dating nagpapa-seksing aktor) na tina-taltalan ng mommy niya. Bakit naman ganu'n, kahit hindi na
siya masyadong active ngayon sa pag-gawa ng movies, eh, marami pa rin namang nakaka-kilala sa kanya, 'di ba? Hindi ba kayang ipag-hintay ng mommy
niya ang sobrang galit? Bakit hindi na lang siya pagalitan sa bahay nila? Kung hindi naman niya ma-pigilan ang sarili niya, eh, 'di sa pag-sakay
na lang nila sa kotse at saka niya pagalitan nang pagalitan ang anak niya?" simulang opinyon ng aming source.

Na-kilala ang aktor na ito sa mga pelikulang pa-sexy noon, nag-pakita siya ng katawan, maraming matrona at bading ang na-humaling sa kanyang
ka-machohan.

"Nu'ng makita naming pinagagalitan siya ng mommy niya at napapa-yuko na lang siya sa sobrang pagka-pahiya, eh, na-alala tuloy namin 'yung mga
kuwento noon na kaya wala siyang tuma-tagal na ka-relasyon, eh, dahil sa pakikialam ng nanay niya. 'Di ba, naka-relasyon niya noon si
(pangalan ng isang medyo may-edad nang aktres ngayon na may anak na ring nag-a-artista) pero nagka-hiwalay din agad sila?

"'Di ba, ang mommy din ng aktor ang na-sulat na reason ng break-up nila? Lahat ng nakaka-relasyon niya, eh, ganu'n ang sina-sabi tuwing nagkaka
hiwalay sila, masyado raw kasing pakialamera ang mommy ni (pangalan ng dating hunk aktor). Eh paano 'yun, 'di habang nakikialam ang mommy niya,
eh hindi rin siya magkakaroon ng sariling buhay? Hindi na siya buma-bata, halatado na rin ang pag-e-edad niya, nakaka-awa naman ang taong
'yun!

"Imagine, sa karamihan ng tao du'n sa mall, eh, tina-talak-talakan siya ng mommy niya? Para siyang bata na pinagagalitan, kaya pa-yuko-yuko
na lang 'yung aktor na ang ganda-ganda pa naman ng katawan at macho ang dating noon sa mga movies niya!" napapailing pang kuwento ng aming
impormante.

Huling hirit pa ng aming source kung saan bigay na bigay na kung sino ang hunk aktor na ito, "Naku, paano ba namin ma-ka-kalimutan ang lalaking
'yun, eh, nu'ng gumawa siya ng isang movie na kinopya ang hitsura niya para sa istatwa, nag-punta pa siya sa office namin na dala-dala 'yun?"

Naku naman, Cesar Santiago, siguro naman, hindi ka na mag-te-text sa akin ngayon para tanungin lang kung sino ang dating macho actor na ito,
dahil gustung-gusto mo rin ang istatwa niya noon.