Friday, November 26, 2010

November 26, 2010

MAHULAAN N’YO KAYA ITONG KNOWN PERSONALITY SA FASHION WORLD NA NABABALITANG NANGHA-HUNTING NG MGA BATANG KALALAKIHAN?! 
November 26, 2010 
Pinoy Parazzi

Mahulaan n’yo kaya itong known personality sa fashion world na nababalitang nangha-hunting ng mga batang kalalakihan?!

Ang chikka kasi, madalas raw tumambay itong si known personality sa Cubao malapit sa eskuwelahan at nag-aabang ng bibiktimahin. Ang modus operandi niya ay tatakutin niya ang matitipuhan niyang lalaki sa pamamagitan ng pagbangga tapos biglaang preno para hindi tamaan ang guwapong biktima at agad-agad bababa ng sasakyan si known personality sa biktima, kukunin ang number at ipagagamot kuno, tsaka lalabas ang indecent proposal na magtatanong kung go ba ito sa booking portion. Alam n’yo na, magyaya at magbibigay ng presyo para sumama sa kanya ang lalaki. Tibay, ‘di ba?! Desperada mode?

(Tita Swarding)



*************************************************************


BLIND ITEM: SINO itong super galing na male singer ang may pagka-madamot pagdating sa pagkain?!

Minsan kasi sa isang event kung saan guest ang sikat na singer, kasama ang iba pang singers sa isang dressing room, nagpabili si damut-damutang singer ng pagkain sa kanyang dyulalay.

Dumating ang P.A. nito dala-dala ang isang napakalaking pizza, chicken, atbp. Pagkalapag na pagkalapag sa lamesa, kaagad-agad na binanatan ng kain ni male singer ang pinabiling pagkain.

Ang nakakaloka, ni hindi man lamang nito inalok kumain ang ibang singer at mga taong naroroon, basta ngasab dito, ngasab doon ang ginawa ni takaw-takawang male singer at walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya.

At nang maubos nito ang sandamakmak na pagkain na pinabili nito sa lamesa, mistulang parang walang nangyari at nagsimula na itong makipag-kuwentuhan sa ibang artist at taong naroon.

Sino siya? Well, mahulaan kaya siya ni Tita Komi dela Cruz?

John’s Point
by John Fontanilla



*************************************************************


BLIND ITEM: SA kabila ng tinatamasang katanyagan ng isang TV/film director (of course, with fame comes wealth), mahihiya ang biko sa kakunatan nito sa mga trip niyang hadahin!

Through a broker (read: bugaw) ay kinontak ang isang not-so-bagets na baklita ring service para sa isang gabing pakikipagkembyular kay direk. O-oo na raw sana ang nangangailangang CaviteƱo boy (?) sa napagkasunduang halagang P700. Pero kamukat-mukat, ka-join din pala ni direk ang kanyang baklita ring dyowa! Yes-terdaaaayyyy, tig-P350 lang ang ambag ng magdyowa for the entire service… for the entire service daw, o!

Pumalag siyempre ang kliyente, naturingan nga namang direktor ang ibinubugaw sa kanya, yet ganu’n lang ang ganansiya niya? Tapos, package deal pa? Bakit hindi na lang daw humada ang direktor na ‘yon sa mga sinehang pinamumugaran ng mga bakla, gayong madalas naman siyang mapagkikita roon noong araw, isama na rin ang kanyang dyowang bakla na nagti-theatre tour din?

Da who si gay direk? Hay, naku, Sir Bong Osorio (of ABS-CBN CorpComm), katunog niya ang isa sa mga karakter ng isang primetime show n’yo na hindi ko na pinalalampas gabi-gabi!

Tatlo ‘yon: Mara Clara, Imortal at Martha Cecilia’s Kristine.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III



*************************************************************


BLIND ITEM: KINAIINISAN ng mga kapitbahay sa condo building ang isang young star kung saan nakatira ito sa isang unit doon.

Naaasar sila rito, kasi, everytime makakasabay raw nila ito sa elevator, ramdam nilang parang ayaw nitong may iba pang nakasakay roon bukod sa kanya.

“Habang nasa elevator kami, kung tumingin ‘yan, mula ulo hanggang paa. Parang sinisino niya ‘yung tingin niya at may halong panglilibak, alam mo ‘yon?

“Parang diring-diri siya na may kasama siya sa elevator. Hindi lang ako maka-react kasi iniisip ko na lang, baka gano’n lang talaga ang hilatsa ng mukha niya sa personal.

“Pero ang arte talaga. ‘Kala ko nga, ako lang ang naka-notice, eh. Even the other unit owners, irita rin pala sa batang ‘yan. Pagka-arte-arte raw. Ayaw na madidikitan sa elevator!”

Sa totoo lang, in fairness, may advantage ang pagka-maarte ng batang ito sa kanyang career. ‘Yung kaartehan nito ang nakakatawa sa isang gag show.

At kahit nga kami, naaaliw sa kaartehan ng batang ito, kasi naman, talagang kahit ano yatang klaseng hayup ang ipahawak sa kanya, nandidiri rin siya.

Sa sobrang pandidiri, umiiyak na ang bagets na ito. Kaya feeling namin, naturalesa na ang kaartehan sa katawan ng batang ito.

Kaya sa mga unit owners, ‘wag n’yo na lang pansinin o kung malakas ang loob n’yo, pagsabihan n’yo na lang ang bagets para hindi na gano’n ang “trato” sa inyo next time ‘pag nagkakasabay kayo sa elevator.

Clue? Kapangalan niya ang isang newscaster. At ang kanyang apelyido ay karaniwan nang pangalan ng isang lalaki.

Kung hindi n’yo pa nahulaan ‘yan, nako, baka isplitan kayo ng dyowa n’yo.

Oh My G!
by Ogie Diaz



*************************************************************


SINGER, DI TOTOONG ‘FAITHFUL’ SA GF

MAY nag-chat sa amin sa Facebook para sabihing nakita niya ang isang kilalang mang-aawit na pumupunta sa isang girly bar sa may Sucat Road, malapit sa airport na ang balita ay isang taga-air force ang nag-ooperate nito.

May massage room umano sa loob ng bar at suki na daw dito ang nasabing personalidad.

Kamakailan lamang ay nagbigay ng pahayag ang nasabing mang-aawit na siya ay faithful talaga sa kanyang showbiz gf dahil wala naman siyang ibang dine-date maliban sa kanyang gf. Ayon sa kanya, napapagod na siyang magpaliwanag tungkol sa infedelity churva pero talagang swear to God siya na talagang iisa lamang ang kanyang love at ito nga ang kanyang gf.

Kung totoo man na napagkikita ang mang-aawit sa girly bar na ‘yun ay posibleng malaki ang respeto nito sa gf na ‘no sex’ before marriage ang kanyang motto dito. Totoo ang kanyang sinasabing faithful siya kung ang pagbabasehan ay kumukuha siya ng girl para mag-pamasahe. Sa puntong ito ay tama siya sa pag-claim na na never siyang nag-play around with other girls maliban lamang sa mga masahista sa nasabing bar na binabayaran ang serbisyo.



*************************************************************


Sikat na aktres at dating karelasyon nagkatitigan nang aksidenteng magkita 

Parang eksena sa pelikula ang aksidenteng pagkikita ng sikat na aktres at kanyang ex na controversial ngayon dahil sa sinalihang TV show.

Sa elevator ng network kung saan may exclusive contract ang sikat na aktres ang kanilang meeting after two years.

Kuwento ng ex ng aktres, nakapila siya sa elevator nang pagbukas nito, lu*mabas ang aktres at mga kasama. Pareho raw silang nagulat at ilang minutong nagkatinginan. Ayaw maunang bumati ng ex ng aktres at baka dedmahin siya ng ex at ‘di rin bumati ang aktres.

Ang kasama na ng aktres ang nag-break ng ice at tinanong sila pareho kung hindi ba sila magbabatian at ‘dun na nagbatian ang dalawa. Walang dapat ipagselos ang present BF ng sikat na aktres kung nagkita man sila ng kanyang ex dahil nagkumustahan lang ang dalawa at wala na uling komunikasyon after that meeting.

Nitz Miralles
November 26, 2010



*************************************************************


Beteranang aktres, nawalan ng libido dahil sa gamot na pampabata!

Hindi nga tinatago ng veteran actress na ito na madalas niyang bisitahin ang kanyang doktor para magmukha siyang bata at hindi siya mawalan ng trabaho. Palaisipan pa nga kung ano talaga ang edad ng veteran actress na ito dahil hindi nga nalalayo ang kanyang katawan at mukha sa mga young co-stars niya ngayon.

Kapag tinatanong siya kung sino ang kanyang doktor, lagi niyang sinasabi ay secret dahil baka nga naman marami ang pumunta sa kanyang doktor at mawala ang misteryo ng kanyang pagiging young and fresh.

Inamin nga ng veteran actress na may kamahalan ang treatment sa kanya at kinakailangan na hindi siya magpakita ng ilang linggo para maging effective ang isasaksak sa kanyang gamot. Bawal siyang maarawan at bawal siyang kumain ng kung anu-ano.

“Malaki ang sakrispisyo ng babaeng ‘yan for the sake na magmukha siyang bagets. Lahat ay gagawin niya para lang mapigil niya ang orasan at manatili siya sa dati niyang hitsura.

“Mabuti na lang at marami siyang pagkukunan ng datung or else ay tuyot na tuyot na siya o ‘di kaya losyang na siya tulad ng mga kasabayan niya noon,” chika ng aming source na close sa veteran actress.

May long standing affair nga ang veteran actress sa isang mayamang businessman na mukha ring bata. Pareho kasi sila ng doktor na ginagawa silang mga bata. Ang ka-affair nga ng veteran actress kahit na nasa edad 60 na ito ay may mga abdominal muscles pa at puwede pang makipagsaba*yan sa mga matitikas na lalakeng ba*gets ngayon.

Pero, may side-effect nga ang mga gamot na sinasaksak sa katawan nila, at `yun ay ang mawala ang libido nila sa katawan. As in wala na silang libog para sa isa’t isa. Oo nga at sexy ang mga pangangatawan nila, pero wala silang maramdaman na init kapag nasa kama na silang dalawa.