Sunday, November 14, 2010

PROUD TO BE PINOY ! ! !

MANNY "PACMAN" PACQUIAO WON against Antonio Margarito. :)))

MALE SINGER MUKHANG PERA (Nakangingiti pa kaya siya ngayon?)

NAWASAK na nang tuluyan ang imahe ng isang male singer na produkto ng isang reality show nang dahil din sa kanyang kagagawan. Walang ibang dapat sisihin sa pagtamlay ng kanyang career kundi siya rin mismo dahil maagang nalunod sa kalahating basong tubig lang ang singer na ito.

Napakasimple niyang tingnan sa malayuan, para ngang hindi siya marunong magsalita ng anumang laban sa kanyang kapwa, pero nalantad din ang tunay niyang ugali nu’ng bandang huli.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsan, tumawag ang isang reporter na nakatulong sa kanya nang matindi nu’ng nagsisimula pa lang siya. Kinukuha siyang mag-grace sa fiesta, maayos naman ang budget nu’ng nag-iimbitang reporter, hindi nga lang ganu’n mismo sa singil niya kapag out of town ang ginagawa niyang show.

“Pumayag naman ang manager sa talent fee ng reporter, kung napagbibigyan nga naman nila ang ibang tao, bakit hindi ang reporter na napakalaki ng naitulong sa career ng alaga niya?

“So, okey na, kasado na ang pagpunta niya sa fiesta. Heto na, a day before the fiesta, tumawag ang manager sa reporter, pasensiya na raw, dahil nagkaroon ng problema sa schedule ng alaga niya.

“Bigla raw pumasok ang isang appointment na matagal na nilang nasagutan. Nagtaka ang reporter, biglaan lang ang appointment, pero matagal na pala nilang natanguan ‘yun? Nasaan nga naman ang consistency?

“Walang nagawa ang reporter kundi ang humanap na lang ng ipampapalit sa male singer, mabuti naman at nakakuha siya agad, pero minarkahan na niya ang male singer na ‘yun,” kuwento ng aming source.

Heto na. Nalaman na lang ng reporter na nu’ng mismong gabi palang dapat ay nasa probinsiya nila ang male singer ay nasa isang probinsiya siya. Malaki ang TF du’n, kaya buking na buking ang singer at ang kanyang manager na pera-pera lang pala ang naging labanan, inilaglag nila ang show ng reporter dahil mas maliit ang budget nito para sa kanya.

Isang impormante ang nagbulong sa reporter, “Walang kasalanan ang manager sa nangyari, ‘yung singer ang utak ng lahat ng ‘yan. Mukhang pera talaga siya, wala siyang utang na loob, inaway-away niya ang manager niya nu’ng ipinipilit ang show mo sa alaga niya.”

Ngayon ay malamlam na ang career ng male singer, wala na siyang regular show, wala rin siyang concert o kahit anong project. Karma lang ang tawag du’n dahil sa kawalan niya ng utang na loob at pagpapahalaga sa mga taong may malaking naitulong sa career niya.

Ang initials ng mayabang na singer na ito ay kapareho ng brand ng isang imported na clothing line. Nakangingiti pa kaya siya ngayon?


HULAAN NA!

PA-PASIKAT NA YOUNG ACTRERSS HALIMAW NA ANG UGALI! (Panay ang mura, dumu-dura rin sa harap ng marami habang nag-tu-toothbrush!)

Saksi ang buong crew ng isang pang Metro Manila Film festival na pelikula sa kamalditahan ng young actress na ito sa kanilang set. Hindi nila
akalain na magiging isang halimaw ang batang ito nang biglang sumikat at nagka-pangalan.

Dismayado ang maraming tao sa na-ki-kita nilang pag-u-ugali ni young actress dahil inakala nila na ma-bait ito at marunong makisama. 'Yun pala ay
handa itong manakmal na parang aso kapag hindi na-sunod ang gusto niya.

Unang example ng pagiging halimaw ng young actress ay nang i-fit na siya para sa kanyang costume sa naturang pelikula. Noong ma-kita raw niya
ay simabi niyang, "Oh no, this will never do. I will not wear that sh*it! Take that fu*cking, butt-ugly thing you call a costume away from me!"
Ikinagulat nila ang mga panget na salitang luma-labas sa bibig ng young actress na ito.

Pangalawang ginawang kabastusan ng young actress ay noong mag-toothbrush ito. Kung saan-saan lang daw nito dinu-dura ang kanyang pinagmumugan.
Muntik daw ma-duraan ng pinagmumugan ng young actress ang make-up artist ng production.

Ang masama pa nito, tumingin lang daw ang halimaw na young actress at hindi man lang nag-sorry sa muntik na niyang matamaan ng pinagmumugan 
niya. 

Pangatlong kahalimawan ng young actress na ito ay ang pag-deadma niya sa mga kasama niya sa pelikula. May isang ka-eksena siya na sinabiha
siya na dapat ay doon lang siya lumugar kung saan may mark sa sahig. Blocking area kasi nila iyon dahil sukat iyon ng camera. Tiningnan
lang daw ni young actress ang aktor at inirapan lang daw ito.

Nang ang direktor na ang nag-sabi sa kanya na bumalik siya sa marked area, buong lakas na sinabi ng malditang young actress na, "Whatever!
Let's shoot this fu*cking scene! I want to go home!"

Hindi maka-paniwala ang maraming tao sa set sa ugali ng young actress na ito. Ma-ganda pa naman siya at mukhang edukada pero bastos ang bibig
at parang walang breeding kung makipag-usap sa mga tao sa paligid niya. Magaling mag-Ingles pero puro kabastusan ang luma-labas sa bibig nito.

Ngayon pa lang ay tina-taningan na nila ang career ng young actress na ito dahil sa nagiging ugali nito. Pa-pasikat pa lang pero may ugaling
halimaw na. Hindi ka-taka-taka ang kabastusan nito dahil ultimo mga magulang niya ay bina-bastos niya sa harap ng ibang tao.


HULAAN NA!

magandang aktres na sikat sa isang malaking network mataray at masungit!

Kuwentong airport...

Kilala ng mga tao sa airport kung sinu-sinong mga aktres ang masasama ang ugali, matataray at masusungit.

Una na sa listahan nila ang isang magandang aktres na sikat sa isang malaking network.

Ewan kung may buwanang dalaw si aktres, wala lang sa mood o sadyang masama ang ugali niya nang sungitan niya ang isang assisting officer.

Na-excite kasi ang assisting officer dahil nakita niya ang aktres nang personal.

Magkapareho sila ng apelyido kaya walang kaabug-abog na sinabi nito sa magandang aktres na, “Ma’am, magkapareho pala tayo ng apelyido?”

Sagot ni magandang aktres, “Eh anong pakialam ko sa ‘yo?!” Nagulat ang assisting officer.

Napahiya siya sa mga kasamahang nakarinig ng pagtataray ni magandang aktres kaya hindi na siya kumibo.

Ang isang sumikat na aktres dahil sa kanyang controversial lovelife at namamahinga muna ngayon para harapin ang buhay may asawa, nagpatikim ng kanyang taray sa assisting officer sa airport.

Kilala sa showbiz na mataray si aktres, pero disimulado magtaray dahil mas nangingibabaw ang kanyang bubbly charm.

Noong nasa airport siya, hindi siya masyadong ngumingiti sa mga bumabati sa kanya.

Kung ngingiti man, halatang pilit.

Nasaktan ang mga assisting crew sa kanya nang magtaray ito na parang utusan niyang binabayaran ang mga ito.

Pasigaw niyang sinasabihan ang mga crew na ingatan ang kanyang mga gamit dahil mamahalin ang mga ito.

Ang ginawa ng mga assisting crew, pinabayaan nila si aktres at ang alalay nito na magtulak ng mga gamit nito.

Nahalata ni akres ang reaksyon ng mga crew kaya biglang lumambing ang boses niya, “Paki na lang, please…”

Rey Pumaloy
November 14, 2010 Sunday


HULAAN NA!

sikat na komedyante binabati na lang siya ng mga empleyado sa airport at hndi na nagpapapicture!

Hindi na kataka-taka kung bakit tuwing aalis ng bansa si sikat na komedyante, binabati na lang siya ng mga empleyado sa airport.

Dati-rati, kapag nasa aiport si komedyante, nagkakagulo ang mga empleyado sa airport at nagpapa-picture taking sa kanya.

May mga pangit na karanasan ang ilang empleyado sa komedyante.
Noong minsang magpa-picture taking ang mga ito sa komedyante, hindi ito nakangiti. Siguro, dahil puyat daw ito. Inunawa siya ng mga nagpa-picture sa kanya.

Noong ikalawang beses, hindi nakatingin sa kamera si komedyante. Habang nagpa-picture taking, kinakausap nito ang kanyang alalay.
Sa ikatlong beses, nakangiti si komedyante na humarap sa kamera. Pero hindi niya tinanggal ang suot na sombrero at shades.

Ikinukumpara ng mga taga-airport ang komedyante sa isa pang komedyante na may kasintahang singer.

Kapag nasa airport si komedyante #2, masaya siyang bumabati sa mga tao roon. Nakikipagbiruan pa siya.

Kahit halatang pagod, kapag kinakausap siya ng mga tao ay accommodating siya.

Minsan, nang nagpa-picture sa kanya ang mga empleyado, naka- shades siya. Tinanggal niya iyon bago siya nag-pose.

Kahit nagmamadali si komedyante #2 papuntang boarding gate, humihinto siya kapag pinakikiusapan kung puwedeng magpa-picture.
Mayaman ang pinanggalingan ni komedyante #2. Ang unang komedyante ay sa public school nag-aral.

Rey Pumaloy
November 14, 2010 Sunday


HULAAN NA!

Sexy actress, masalimuot ang love affair

MALAGIM ang pagkamatay ng non-showbiz husband ng isang sexy actress.
May mga nagsasabing pera ang rason. May mga naniniwalang droga ang dahilan. 
Matapos ang kung anu-anong espeku*lasyon, natabunan ang kaso. Walang napalitaw na sa*larin.
Ang mga taong malalapit sa mister ni sexy actress ay naniniwalang may forbidden love angle sa pagkamatay nito.
May lihim na dyo*wa ang sexy actress noon. Isang guwapong la*laki na hindi katandaan pero may sarili ring pamilya.
Nakilala ni sexy actress ang guwapong lalaki sa isang bar. Noong panahong iyon, problemado si sexy actress sa asawa na nambababae.
Patago ang pakiki*pagrelasyon ni sexy actress sa guwapong lalaki.
Kaso, natuklasan ito ng kanyang asawa.
Binigyan ng ultimatum ni mister si sexy actress na layuan nito ang kalaguyo. Nagmatigas si sexy actress.
Sa galit ng kanyang mister, ipinabugbog niya ang lalaki sa kanyang mga kaibigan.
Halang din ang bituka ng guwapong lalaki. 
Rumesbak ito at pinas*lang ang asawa ni sexy actress.
Member pala ng isang grupo ang mister ni sexy actress. Kung mabubungkal ang rason ng pagkamatay nito, posibleng malantad ang kanilang grupo.
Ang ginawa ng grupo ng napaslang na mister ni sexy actress, sila na lang ang gumanti sa guwapong pumatay sa kasamahan nila.
Sa naganap na pam*babawi, sinadyang hindi pinuruhan ang guwapong lalaki kundi ang ama nito. 

Rey Pumaloy
November 14, 2010 Sunday


HULAAN NA!

Pretty young actress, kinakati sa ‘hunky showbiz personality

MAAMO at maganda ang mukha ng isang baguhang young actress pero meron itong itinatagong kakatihan.

Type na type ng pretty newcomer ang isang hunky showbiz personality.

Sobrang naseseksihan at naguguwapuhan siya rito kaya nasabi niya sa kanyang mga kaibigan na ‘pag niyaya siya ng hunky showbiz personality na mag-date sila ay papayag siya agad.

Bago pa niya naispatan at nataypan ang nasabing hunky guy ay nauna nang nai-press release ni pretty newcomer na crush niya ang isang guwapong young actor.

Sa mga interview niya ay buong ningning na inamin ni pretty newcomer na showbiz crush niya si guwapong young actor.

May paeklay pa siyang gusto niyang makatrabaho si guwapong young actor at makatambal ito sa mga gagawin niyang project in the future.

Ngayong may iba na siyang type ay lumalabas na kashowbisan lang pala ang mga pahayag na ‘yon ni pretty newcomer.

Ang dayalog niya sa mga kaibigan niya, hindi na niya crush si guwapong young actor at mas type na niya ‘yung hunky showbiz personality, kaya lang ay kailangan niyang magpaka-consistent sa mga statement niya kaya ‘pag tinatanong siya ay si guwapong young actor pa rin ang isinasagot niya na #1 showbiz crush niya.

Ang hindi alam ng fans, ibang showbiz guy ang tunay niyang gusto at atat na atat siyang makilala ito.

Hot na hot ang dating sa kanya ng nasabing lalaki kaya biglang nawala sa kamalayan niya si guwapong young actor na dati niyang pinagnasaan.

Mukhang marunong dumiskarte si pretty newcomer at nagawa niyang iparating kay hunky showbiz personality na type niya ito. Ang dinig namin ay may kontak na ang dalawa at nagpaplano na silang magkita para magkakilala sila nang lubusan.

Hindi kami magtataka kung by this time ay nagkakamabutihan na ang dalawa at ‘nakilala’ na nang husto ni hunky showbiz personality ang animo’y sweet at inosenteng si pretty newcomer.

ALLAN DIONES
November 14, 2010 Sunday


HULAAN NA!

Super sikat na singer, super ang kakuriputan!

Laman ng kuwentuhan ngayon ng mga delivery boy sa isang kilalang appliance store ang sikat na female singer. Nag-shopping daw kasi si female singer sa store na `yon, at pinagkaguluhan talaga siya ng mga tao roon.

Humble at accommodating naman daw si female singer at panay ang bati niya sa mga tao. Pinagbibigyan din niya ang mga nagpa-picture sa kanya.

Anyway, namangha ang mga empleyado sa female singer dahil halos lahat yata ng klase ng appliances mula sa kitchen, dining, living at bedroom ay binili nito. Maging ang ilang mga electric type appliances na pang-garden ay binili rin ni singer. Kaya humigit kumulang sa P400K ang halaga ng mga appliances na binili ng female singer.

Hindi naman katakataka na mamakyaw ng mga mamahaling gamit ang female singer dahil bukod sa sikat siya ay mayaman na siya. Ang kinikita niya ay hindi matatawaran mula sa kanyang mga concert abroad.

Kung may listahan ng mga mayamang singer sa Pilipinas ngayon, tiyak na mangunguna sa listahan ang female singer na ito.

Anyway, dahil sikat at mayaman si female singer, talagang super asikaso sa kanya ang mga tao sa naturang appliance store. Sa dami ng mga pinamili ni singer, natural na ipa-deliver na lang ito ng store sa kanyang bahay.

Hindi na nakakapagtaka kung mag-agawan ang mga delivery service boys sa pagdadala ng mga appliances sa bahay ni singer. Maliban sa gusto nilang makita ang bonggang bahay nito, nakakasiguro silang makakatanggap sila ng malaking tip mula sa singer.

At `yun na nga, duma*ting na ang delivery sa bahay ni singer. Ibinababa isa-isa ang mga appliances.

Apat ang delivery boy na nagbababa ng mga appliances. At para hindi na rin mahirapan pang magpuwesto sa dapat kalagyan ang mga appliances, isa-isa ring ipinuwesto na sa dapat nitong lugar ang mga kasangkapan.

Panay lang ang turo ni singer at ng kanyang ina sa kung saan dapat ipuwesto ang mga kasangkapan.

Mahigit sa isang oras inabot ang paglalagay ng mga appliances sa loob ng bahay ni singer. Alam naman ni singer at ng ina nito na matapos ang trabaho, magugutom at mauuhaw ang mga boys, kaya nag-serve naman sila ng meryenda para sa mga ito. Nang matapos ang meryenda, hindi lang ipinapahalata ng mga delivery boy pero nai-excite sila sa matatanggap na tip mula sa singer.

Bago lumabas ng pinto, inabot ni singer ang nakarolyong pera sa palad ng isa sa mga delivery boys.

Pagkasakay sa van, tinignan ng mga delivery boys ang inabot na pera sa kanila ni singer. Naloka sila dahil P400 lang ang ibinigay ni singer. So, tag-100 pesos lang silang apat.

Dismayado ang apat na delivery boys. Inaasahan kasi nilang para silang makakatanggap ng Christmas bonus sa singer, pero ang ibinigay nito ay pang-caroling lang.

Kaya nga nu’ng minsang magpa-deliver pa uli ng ilang mga kasangkapan ang singer, nagtuturuan na ang mga delivery boys para makaiwas sa pagdi-deliver ng gamit sa bahay ni singer.

Rey Pumaloy
SUNDAY, NOVEMBER 14, 2010


HULAAN NA!

Batang aktres, saksakan ng ‘kati’!

Ibang-iba sa image ng young actress na ito ang nabalitaan namin. Ilang ulit naming tinanong ang source namin kung totoo ba. At oo naman daw, at mismong first hand information pa niya nalaman, huh!

So, hindi na pala siya sa bahay nila umuuwi at nakatira. Finally pala, naka-get-away na rin siya sa madir niya na feeling naman namin, tulad din ni young actress na ito pagdating sa pagka-character, huh.

Eh, kalurkey naman ang nakarating sa aming chika. We thought pa naman, dahil nga well-gaurded si young actress, hindi ito gumagawa ng kababalaghan, huh!

Super tipelya pala ni young actress ang isang guwapong actor.

Magkaiba ng network ang dalawa pero nagtapo sa isang show sa ibang network naman. Since then, nagkapalitan ng number, nagkakatawagan.

Text daw si young actress kay young actor at pinapapunta sa condo niya. As in, diretsahan daw ang message ni young actress kung ano ang gagawin nila sa condo. 

Oh well, your guess is as good as mine.

Pero `yun na nga, malayung-malayo sa image ni young actress ang pagiging makati, ha!

Pero naudlot at hindi na natuloy ang supposedly pagkikita ng dalawa. Naharang ito ng dancer-girlfriend ni young actor at dehins na natuloy si young actor sa condo ni young actress.

Nagtampo yata si young actress dahil naindiyan siya at dinededma na raw nito ngayon si young actor! 

ROSE GARCIA
SUNDAY, NOVEMBER 14, 2010


HULAAN NA!

Drama actor, sobrang ilusyonado!

Tila nag-iilusyon ang nagbabalik na drama actor na ito. Akala yata niya ay in-demand pa rin siya at hinahanap-hanap pa siya ng maraming tao.

Sa totoo lang, hindi na nga siya kilala ng maraming kabataan ngayon. Sa dami ng mga baguhang artista, hindi na siya uubra kahit na sabi*hing award-winning actor pa siya.

Isang talent coordinator ang nag-inquire sa handler ng nagbabalik na drama actor kung puwede ba itong mag-taping kahit ilang araw lang bilang guest sa series. Eventually ay kukunin din daw ito para maging regular cast ng bagong bubuksan na series.

Nalokah daw ito ng sabihin ng handler na per ta*ping daw ng drama actor ay P100,000. Napa-“Bakit???” ang talent coordinator dahil mas mahal pa ang hinihingi nitong talent fee kesa sa bida ng series.

“Parang hindi makatarungan, ‘di ba? Bakit namin siya babayaran ng P100,000, eh matagal na siyang nawala. Guest role lang iyon, paano na kung regular siya? Uubusin niya ang budget ng series?

“Tumatawad ako at ayaw ibaba. Mababa na raw ang P100,000. Dapat nga raw P150,000 iyon.

Nagyabang pa ‘yung handler sa akin. Kaya nag-thank you na lang ako. Hindi kami baliw para kunin ang isang “has-been” actor sa gano’ng presyo.

“Dapat nga ay mababa lang ang singil niya dahil kailangan makilala siya ulit ng maraming televiewers.

Kaso feeling yata ng handler nito ay sikat pa ito. Hello, sa P100,000 na ‘yan, limang baguhang artista na ang makukuha namin. Bakit namin uubisin ang budget sa kanya, eh da who na nga siya.”

Nagpa-follow up nga raw ang handler ng drama actor sa talent coordinator kung kukunin ba nila ito dahil may ibang offer daw sa ibang TV network. Sinabi ng talent coordinator na tanggapin na nila dahil hindi approved ang TF ng alaga nito.

“Echosin ba ako? Kung may offer sila sa iba, sana tinanggap na nila. Bakit pa nila ipapaalam, ‘di ba?” mataray na sey ng talent coordinator.

“Nag-thank you na nga ako sa kanya, eh. Ibig sabihin hindi na kami interesado. Aba, nag-follow up at nagyabang pa na may ibang offer. Hello! Baliw lang ang papayag sa TF ng drama actor na ‘yan.” 

RUEL MENDOZA
SUNDAY, NOVEMBER 14, 2010


HULAAN NA!

Aktres walang trauma sa kapalaran ng ina!

Malandi pala ang nanay ng isang aktres noong kabataan niya. Kaya naman ayon sa source, tatlo ang naging anak nito at iba-iba rin ang tatay. Tatlo rin.

Hindi raw kasi nagtatagal ang relasyon ng nanay ng aktres sa mga nagiging dyowa nito dahil parating may sabit ang nakakarelasyon nito. Kaya ang ending, wala raw nakatuluyan ang nanay na ito ng aktres kaya sinolo niyang buhayin ang tatlong anak.

Buti na lang daw at wais ang ina kaya napalaki ng maayos ang mga anak.

Ngayon, in demand na raw ang kanyang anak na aktres sa showbiz kaya harvest time na para sa inang nagtiis noon.

Pero hindi mo raw mararamdaman sa aktres ang mapait na kapalaran ng kanyang ina sa pag-ibig dahil wala namang nararamdamang trauma ang aktres kahit wala itong nakagisnang ama. Sa katunayan, madali raw ma-in love ang aktres at kasalukuyang may karelasyon.

In fairness daw sa ina, maganda naman ang pagpapalaki nito sa mga anak. Ang wish lang ng mga kakilala ng aktres, ‘wag itong magmana sa ina na mukhang nag-enjoy sa pakikipagrelasyon sa maraming lalaki na nag-iwan ng tatlong anak.

Salve Asis
November 14, 2010


HULAAN NA!

Young actor a 'trophy husband'

How unfair naman that not a few describes a young actor as a possible “trophy husband.” May girlfriend ito na sobrang yaman who reportedly (yes, reportedly) showers him with gifts, including a sports car and non-stop trips abroad.

No wonder daw na ’di na niya masyadong naaasikaso ang kanyang showbiz career dahil lagi siyang nasa likod ng girlfriend.

In fairness, may ‘face’ ang dalaga, sexy at maganda ang PR.

Sabi ng actor, the two of them were close friends before they became lovers. Kaya, ang paniwala niya, solid ang kanilang relasyon.


HULAAN NA!