Saturday, December 18, 2010

December 18, 2010 AM

MAY-ARI NG SIKAT NA SARDINAS, NAWALA ANG MGA MAMAHALING GAMIT NANG MAKIPAG-DATE SA PRODUKTO NG ARTISTA SEARCH
(Na-solo mo na nga siya, ninakawan ka naman...)
ni Roldan Castro, Bulgar


Nu'ng dekada 80, sikat na "star fu*ck*er" ang negosyanteng ito. Naging controversial ang affair niya sa magandang fresh starlet of her time na
ngayon ay indie producer na. Mas controversial din ang naging relasyon niya sa mag-kapatid na starlet na parehong hindi na aktibo sa showbiz
ngayon.

Biglang nag-lie low si sardines magnate, naging knight in shining armor siya ng isang TV commercial-model turned actress na ina ng isang young
actress ngayon. Binigyan niya ito ng house. Nag-tagal ang relasyon, pero katulad ng dati, na-uwi sa hiwalayan.

Kama-kailan ay nag-balik sa circulation ang sardines magnate-star fu*ck*er. Ipina-kilala sa kanya ng isang controversial talent manager na hindi
na rin aktibo sa industriya ang isang produkto ng artista search.

Nawalan ng maraming valuables si sardines magnate habang ka-date ito. Duda ng manager, may pagka-klepto ang produkto ng artista search na 
ito. Sino sila?





Young actress mas magaling na suporta kesa bida
(Pilipino Star Ngayon) Updated December 18, 2010 

MANILA, Philippines - Mas magaling sa supporting role ang isang batang aktres kesa maging bida.

Dalawang pelikula niya ang magkasunod kong napanood this week.

Sa unang pelikula, ang laki ng role niya as in siya ang bida. Pero sadly, super effort sa character na ginagampanan niya. Parang hilaw pa siyang magbida.

Literal na nilamon siya ng ka-partner na kilalang magaling na aktor.

Isang factor siguro kaya hindi siya bumagay ay dahil masyado pa siyang bata para sa role.

Sayang. May ibubuga naman siya sa aktingan pero parang namimili ng role ang hitsura ng baguhang aktres na ito.

Pero kahit ganun, nadala naman ng kuwento ang character niya kaya lumabas pa ring maganda ang pelikulang pinagbibidahan ng batang aktres.

Anyway, nang mapanood ko siya sa isa pang pelikulang kasali na hindi na siya bida, magaling na siya.

Walang effort ang portrayal na cousin ng bida sa pelikula.

Malayo ang mararating niya, ‘yun nga lang parang mas sisikat siya sa supporting role.





Batang aktres, diring-diri sa ex-boyfriend na batang aktor!
(RUEL MENDOZA)
ENTERTAINMENT
Abante Online
December 18, 2010

Tuwing tinatanong ang young actress na ito kung gusto pa nitong makipagbalikan sa kanyang ex-boyfriend na young actor, mabilis na sinasagot nito ay “hindi” na may kasamang pandidiri. Kahit na raw magmanik-luhod ito at lumuha pa ng dugo ay never na raw siyang makikipagbalikan dito dahil sobrang nainsulto ang pagkababae niya sa young actor na ito.

Maganda pa naman ang simula ng relasyon nina young actress at young actor. Kapwa mga baguhan at sa isang TV guesting lang sila nagkakilala. Mula noon ay parang “love at first sight” nga ang nangyari sa kanila.

Pero dahil sa may karelasyon ang young actor na iyon sa isa ring baguhang young actress, umiwas na ang young actress na ito dahil wala raw sa bokabularyo niya ang mang-agaw ng boyfriend.

Nakalipas ang ilang buwan at bigla nga raw tinawagan ni young actor si young actress para sabihin na break na sila noong girlfriend niyang young actress. Puwede na silang magkaroon ng relasyon dahil wala nang masasaktan at masasagasaan.

Ilang buwan din bago sinagot ni young actress ang young actor dahil nakita niya ang pagiging matiyaga nito at nakasundo nito ang pamilya niya. Kaya umabot din sa isang taon ang kanilang relasyon bago naisipan ni young actor na maging unfaithful ito sa mabait na girlfriend niya.

Nasa kalagitnaan na ng isang taon ang relasyon ni young actress kay young actor nang may magsabi sa kanya na nambababae si young actor at dinadala pa niya ito sa bagong biling condo unit niya. Ayaw ngang maniwala ni young actress dahil ang alam niya ay hindi ito magagawa ng young actor sa kanya.

Napilitan siyang tanungin ito sa young actor at siyempre, deny-to-death ang young actor sa akusasyon ng ilang kaibigan ni young actress.

Pero mapaglaro talaga ang tadhana dahil si young actress pa mismo ang nakabuking ng pagiging babaero ng kanyang boyfriend. Naisipan kasi ni young actress na sorpresahin ang young actor sa condo nito dahil wala naman itong trabaho at sinabi niyang magpapahinga lang ito sa condo ng buong araw.

May dala-dala pang paboritong pagkain si young actress para kay young actor. Pagdating nito sa reception guard ay hiningi niya ang floor at room number ni young actor. Namukhaan ng security guard ang young actress at sinabi nito na kakapanik lang daw ng girlfriend ni young actor.

Napa-“Ha?” na lang si young actress dahil siya ang girlfriend ni young actor. Inusisa niya ang guard kung ano ang hitsura ng babaeng umakyat pero bago sumagot ang guard ay bumukas ang elevator at huling-huli si young actor na may kaakbay na ibang babae.

Hindi gumawa ng eksena ang young actress at sumakay ito sa sasakyan niya at umalis. Hinabol siya ng young actor pero hindi niya ito naabutan. Sinubukan niyang tawagan si young actress pero hindi na siya nito sinasagot.

Iniyakan ng ilang araw ni young actress ang ginawa sa kanya ng boyfriend niya. Nang puntahan siya ni young actor sa bahay nito, hindi hinarap ni young actress ang young actor kundi ang maid ang pinalabas niya para sabihin na tapos na sila.

Kinabukasan ay dinala pa ni young actress ang mga niregalo sa kanya ng young actor sa condo unit nito. Doon siya kinuwentuhan ng isang unit owner na iba-ibang babae raw ang naiuuwi ni young actor sa condo nito. Inakala nga raw nila na siya ‘yung babaeng inuuwi ni young actor gabi-gabi.

Kaya hindi na raw kailangan pa
ng kausapin ni young actress ang kanyang ex-boyfriend dahil certified na babaero talaga ito.