Saturday, December 11, 2010

December 11, 2010

SIKAT NA AKTRES, MATINEE IDOL MAGPAPAKASAL NA
ni Dinno Erece, Bandera

BLIND item: May secret agenda nga ang mag-boyfriend why they wanted to go out of the country? A love story that started in a show and is now still going strong balitang may balak ang magdyowa na sa ibang bansa mag-spend ng holidays. This will not happen of course dahil may trabaho sila so hindi na rin nila pinilit. May nakapagbulong lang kasi sa amin that the couple has another plan for going abroad, that is to get married daw. Totoo nga kaya ito EAS? Baka kailangan nating MAGDASAL for answer.





HUNK AKTOR, PINAG-PALIT ANG GF SA BAKLA!
ni Alex Brosas, Bandera

Napa-tawa kami sa nabalitaan naming ipinag-palit ng isang hunk aktor ang kanyang girlfiend sa isang mayamang bading. Parang hindi kami maka-paniwala
na capable ang aktor na gawin ito dahil napaka-ganda ng kanyang image.

Alam kaya ng ex-girlfriend ng aktor na isang bading ang naging ka-palit niya when she was dumped like a hot potato? Pero na-isip din namin na in the
past ay na-ugnay na rin naman ang aktor sa isang badingerzi.

Hawak siya dati ng isang resto owner before he was discovered by a TV executive na naging passport niya para maka-penetrate sa showbiz. Hindi
na kami mag-bi-bigay ng clue, hulaan niyo na lang!





MAG-SYOTANG AKTOR AT AKTRES, MAG-PA-PAKASAL NA SANA SA IBANG BANSA, NA-UDLOT, 'DI NAKA-ALIS DAHIL SA TRABAHO
(Hindi naman sila mag-ro-rosaryo lang doon...)
ni Dinno Erece, Bulgar

May iba pa bang balak ang mag-syotang aktor at aktres kung naka-alis sila patungong ibang bansa? Prematurely announced ang bina-balak ng isang
couple na mag-bakayson sa ibang bansa this holiday season. Sila na rin ang nag-korek nito na hindi sila ma-tu-tuloy dahil may trabaho sila sa
kapaskuhan.

At least, inamin nila ang balak nila, not like the first time na na-kunan sila outside of the country din during their first project together kaya't
napa-amin na rin sila sa tunay nilang relasyon. In fairness, hindi nga naging gimik ang relasyon nila at going strong pa rin ito.

Now, back to their aborted plan, someone told us na hindi lang daw sana bakasyon ang ga-gawin nila sa ibang bansa kundi something special pa
raw sana. Something that involves a ring, a church and a vow.

Bigla kaming kinilig sa kuwento, ha? We thought, hanggang pagiging mag-on lang muna sila at pareho silang nagsasabing trabaho muna ang a-atupagin
nila, pero love almost did not wait pala kung na-tuloy ang balak nilang pag-alis before the year ends.

Baka NAGDASAL sila nang taimtim for this decision.





Nagmukhang alalay ang dati-rati’y pantasya ng mga vaklitang hunk actor!

HAHAHA! He used to be the fantasy of most ******* and women alike specially so when he did that fantaserye about mermaids many years ago but these days, he seems to have lost his once overflowing sensuality and has become a pathetic shadow of his once formidable sensuality.

Ano na nga ba ang nangyayari sa may pangalan na rin namang hunk actor na para bang wala nang ganang mag-ayos at mag-attend pa ng press preview ng kanyang pelikula na nagmamantikang mukha at ‘di man lang magawang magpa-treat kay Vicki Belo para muling magbalik ang kanyang kutis artista?

Dito na lang sa bago niyang soap opera ay kabog na kabog siya ng kasama niyang aktor na moreno ring tulad niya pero halatang sariwa at presko ang hitsura.

Sa totoo, in most of their scenes together, he looks so tired and haggard and a lot older that his biological age.

Why is that so?

Well, nursing a broken heart din ang morenong aktor na kasama niya pero magaling magdala. Samantala siya ay bakas na bakas ang kawalan ng pag-asa at gana sa mga bagay-bagay.

Sa presscon na lang ng bago niyang pelikula, kinabog siya nang todo-todo ng kasamahan niyang aktor na di hamak namang mas gwaping siya rati at mas kapanta-pantasya.

Sa totoo, meticulously outfitted siya in blazer and pants and was looking very fit and healthy whereas this hunk we are talking about was the laughing stock of so many press people present because of his outfit that was de-finitely ill-fitted for an occasion like that. Hahaha!

Is he becoming senile? Hahahaha!

Nag-comment tuloy ang isang *****y movie scribe na baka raw galing siya sa pamamakyaw ng baboy sa talipapa. Hahahahaha!

Sayang na kagwapohan.

Sayang na kasosyalan. Spokening England pa mandin. Hakhakhak!

Hay naku, hijo, do something about your ‘beauty’ before it’s veritably too late.

Ikaw rin, ang daming gustong sumulot sa pwesto mo, might as well do something about your face that seems to have aged long before your time.

Period.

Pete Ampoloquio Jr. 
Saturday, 11 December 2010





Impersonator, naloka sa TV host

HINDI naniniwala ang isang gay impersonator na mabait ang isang TV host gaya ng mga nasusulat sa mga diyaryo at magazines.
Kuwento ng gay impersonator, noong bukas pa ang isang show bar sa Manila, lagi itong puno dahil sa kanilang shows. Hindi lang locals ang pumupunta rito kundi ma*ging foreigner*s.
Kahit weekends ay SRO ang lugar sa dami ng mga gustong mapanood ang kanilang production numbers.
Komo naging by word ang husay nila, nakarating ‘yun sa ilang executives ng isang malaking network kung saan nagtatrabaho ang host.
Isang gabi, nataranta ang mga staff ng bar dahil dumating nang walang pasabi ang executives ng network kasama ang TV host.
Gustong magpa-impress ng impersonators sa TV people na manonood sa kanila, kaya ginalingan nila ang kanilang performance.
Matapos ang isang oras na pagtatanghal, tumayo ang executives habang pumapalakpak.
Tumayo rin ang TV host pero hindi ito puma*lakpak. Nakatingin lang ito sa gay impersonators at palinga-linga sa paligid.
Nagbihis ang mga ba*ding sa dressing room at pagkatapos ay lumabas uli sila sa floor para kamayan at pasalamatan ang TV people na nanood sa kanila.
Kuwento ng source naming bading, isa-isa nilang kinamayan ang TV executives na nakipagkamay sa kanila habang pinupuri ang kanilang pagtatanghal.
Pagdating kay TV host, naloka ang mga bading dahil hindi ito nakipagkamay.
Umiwas ito sa ka*nila na parang walang nakikita. 
Nagse-cellphone ang TV host.
Sabi ng waiter na nag-serve sa grupo ng TV executives, noon pang nagsu-show ang mga bading ay wala nang karea-reaksyon ang TV host.
At nang makita nitong papalapit ang mga bakla, agad nitong kinuha sa bulsa ang cellphone at nagkunwaring may kausap.
Hindi maintindihan ng mga bakla kung bakit ganoon ang pagtanggap sa kanila ni TV host.
Bago nila iniwan ang executives, sinabihan sila ng mga itong maggi-guest sila sa programa ni TV host.
After two days, nakatanggap ng tawag ang mga bakla na guests sila sa show ni TV host. 
Sinabihan ng mga bakla ang talent coordinator na papayag lang sila kapag hindi si TV host ang kakausap sa kanila.
Nakapag-show ang mga bakla at winelcome sila ng co-hosts ni TV host.
Sa hindi malamang dahilan, biglang sumulpot sa entablado ang TV host at tsinika-tsika sila.
Puro tango at ngiti lang ang isinasagot ng mga bakla sa mga tanong ng TV host. 
Nahalata ni TV host na hindi siya kinakausap ng mga bakla kaya nag-call na ito agad ng commercial.

REY PUMALOY
December 11, 2010 Saturday





Batang aktor, guminhawa ang buhay sa dyowang bading!

Ginulat ng isang young actor ang kanyang barkada nang dumating ito sa isang event na dala ang kanyang bagong sasakyan. Pinagyabang nga ni young actor ang kanyang bagong bili na sasakyan.


Nang tanungin siya ng barkada kung paano siya na*kabili ng bagong sasakyan, sinabi nito na pinag-ipunan daw niya sa sunud-sunod na raket.


Hindi nga naniwala ang barkada ng young actor dahil alam nila kung magkano lang ang binabayad sa young actor kapag rumaraket ito sa mga shows sa probinsya at sa mga mall sa Metro Manila.


Matagal din daw itong walang regular na show sa TV network nito kaya imposible raw na ma-afford niya ang kotse kahit na pagsama-samahin pa ang mga kinita niya.


“Echosero ang young actor na ‘yan. As if naman hindi alam ng barkada niya ang mga ginagawa niya,” sey ng isang source.


“Alam nila kung gaano nito kailangan ng pera dahil marami siyang gastusin sa pamilya niya.

Breadwinner kaya siya. Kaya imposibleng ibuhos niya sa isang mamahaling kotse ang mga kinita niya?

Eh ‘di nagutom ang pamilya niya, ‘di ba? Kaya alam nila na may bonggang sideline ito.”


Alam nga ng barkada ni young actor na inaalagaan siya ngayon ng isang nagtatagong bading na isa sa mga tauhan ng isang kilalang pulitiko. Ito raw ang nagbibigay ng panggastos sa young actor lalo na noong panahon na wala itong regular na pinagkakakitaan.


Pinakilala lang daw si young actor ng isang young actor din na nanawa na sa bading na iyon. Kung anu-ano raw kasi ang trip gawin kaya umayaw na ang isang young actor. Nirekomenda niya ang young actor dahil game ito sa mga gusto ng bading.


“Yung young actor na pinalitan niya, nasa ibang bansa na. Nakaipon na raw ito ng malaki para makipagsapalaran sa ibang bansa. Tutal nasa abroad din daw ang pamilya nito kaya sumunod lang siya.


“Eh itong pumalit, gagawin ang lahat para lang guminhawa ang buhay niya at ng pamilya niya.

Siyempre, kapag game ka, marami kang mapapanalunan, ‘di ba? At baka jackpot pa ang makuha mo!” diin pa ng aming source.


Kaya ang ending, bagong sasakyan ang kapalit sa young actor na nasa pangalan niya. Fully-paid at fully-loaded pa. Isipin mo na lang daw kung ano ang ginawa ng young actor to deserve the new car.


Hindi nga raw magugulat ang barkada nito kung one day ay naka-condo na ito at hindi na sa apartment nakatira. Ganyan ka-game kasi si young actor basta umasenso lang ang buhay nito.

RUEL MENDOZA
SATURDAY, DECEMBER 11, 2010