Saturday, November 20, 2010

November 20, 2010

Showbiz couple, malaki ang problema sa pagsasama!

Matagal nang bulung-bulungan na may malaking problema sa pagsasama ang showbiz couple na ito.

Pero tahimik lang ang dalawa dahil ayaw nilang maapektuhan ang mga mahal nila sa buhay, lalo na ‘yung mga nag-aakala na magkasundo ang dalawa.


Ilang beses na raw iniyakan ni babae ang nangyaya*ring problema sa kanilang pagsasama.

Hindi nga raw niya alam kung saan siya nagkamali.

Ang alam niya ay marami siyang naging sakripisyo sa kanilang relasyon.


Balita ngang may kakaibang ugali raw itong si lalake na ngayon lang nadiskubre ni babae. Hindi na nga raw ito ang lalake na unang nakilala ni babae.


Noong nililigawan pa lang daw ni lalake si babae, marami na ang nagsasabi na bilib sila kay babae dahil napagtitiisan niya ang ugali ng manliligaw niya. Hindi naman maintindihan ni babae kung ano ang ibig sabihin ng mga ito tungkol sa kanyang manliligaw. Ang alam lang niya ay mahal niya ito kaya naging sila.


Hanggang ngayon nga ay may nagsasabi pa rin kay baabe na may napapansin na sila sa lalake na bad vibes, pero dahil mahal nito ang kanyang boyfriend, hindi ito naniniwala at marami siyang nakaaway dahil lang sa mga chismis na iyon.


Ngayon ay naniniwala na si babae sa mga usap-usapan na may kakaibang pagkatao ang kanyang boyfriend. Pero wala na siyang magawa dahil nakapag-invest na siya sa kanilang relasyon.


Dasal lang ni babae na maging matatag siya kapag tuluyan nang nasira ang kanilang pagsasama. Kahit na nga malaki na ang naisakripisyo niya sa kanilang relasyon, willing niyang bitawan na lang basta ikakatahimik at ikakasaya ng kanyang pagkatao.

RUEL MENDOZA



KOMEDYANTE NAGSANLA NG PASSPORT

NAKAKALOKA naman ang kuwentong nakarating sa amin na dahil sa sobrang pagkadikit sa bisyo ng isang kilalang komedyante ay napilitan na siyang isangla pati ang kanyang passport?

Parang OA sa pandinig ang kuwento, pero sumusumpa ang aming impormante na totoo ‘yun, puwede raw naming ipagtanong sa mga kasamahan ng naturang komedyante kung ano ang naganap at pati ang kanyang passport ay napilitan nang isangla ng komedyante?

Ayon pa sa aming source, “Totoo ‘yun! Nakasangla talaga noon ang passport niya! Parang hindi lang kapani-paniwala, pero dumating na siya sa ganu’ng point.

“Wala na kasi siyang maipambili ng bisyo niya, e, nu’ng gabing ‘yun, nasa bag niya ang passport niya. Ayun, isinangla niya ‘yun sa isang kakilala niya, parang alahas daw ‘yun na siguradong tutubusin niya dahil paano siya makakapag-show sa ibang bansa kung wala ang passport niya?

“Tinubos niya naman ‘yun after a month, pero nakakaloka siya, di ba? Ultimo passport na niya, may-I-sangla niya, para lang matustusan ang bisyo niya?

“Kaya ganu’n kalukring ang komedyanteng ‘yun, e, dahil nga sa bisyo niya. Nakakaawa ang taong ‘yun kapag hindi pa siya nagising sa katotohanan, sa totoo lang!” kuwento pa ng aming source.

Nu’ng minsang pangaralan ng isa niyang kaibigan ang nagbibisyong komedyante ay napahiya pa ang nagmamalasakit na kaibigan, nagalit pa ang komedyante, wala raw pakialam ang kahit sino sa kanya.

Clue!!! Siya ang komedyanteng matagal nang napapabalita na may hindi kagandahang amoy ang hininga. Ilagay n’yo na lang sa tasa ang kanyang pangalan para mainom n’yo na.

‘Yun lang!



Popular actress hates ingglisera stars
Malaya

PUZZLER: This popular actress has been throwing her weight around. Some of her co-workers attest to her bossy attitude on the set of her television show. And because she couldn’t speak English fluently, the source said she is averse towards those who speak English by default. One time, irritated with an ingglisera co-star, the actress decreed "no one should speak English on the set" and everyone reluctantly agreed because she is the star of the show.

HINT: Popular actress has already earned the reputation of being a difficult co-star within the network. We wonder whether her popular boyfriend hasn’t heard of it yet.

***
PUZZLER: Top management of a network has been doing an intensive review and investigation of some "anomalous deals" being perpetrated by some its executives and their cohorts. Our source said heads will start rolling by end of the year and extend ‘til the first quarter of next year. The source said some employees were already taken out of their assignments because of the findings.

HINT: The network claims to be the leading in the country.

***
PUZZLER: The reason why this aging TV host cannot dump her boyfriend is because she thinks she will never find anyone like him again – young, handsome, good in bed, and talks about his love for her in public. The TV host has been telling this to her well-meaning friends whenever they call her attention to the destructive pattern her life took since she started a relationship with the boyfriend.

HINT: The TV host is rich and famous. Her main business is in the medical field. The boyfriend is a showbiz wannabe. He has not been faithful to her and has brought her scandal after scandal in their relationship.


Silahistang chef/host ng culinary show sa kapuso network, malandi kaya tsinugi! (Zinolala Itech???)
HATAW!

How true??? Kaya matagal na nating hindi nasisilayan sa QTV 11 ang gwaping na Chef na dating host ng sikat na Culinary Show ay dahil nadiskubre ng network na silahista pala ang nasabing host. At ang nakakalokah, nagkakalat raw ng lagim sa mismong bakuran ng said TV station. Pati,mga gwaping na cameraman ay nakarelasyon niya at ilang mga staff na kapwa silahista rin ng tinutukoy nating personalidad. Naku! Muntik nang matanso sa kanya ang sikat na personalidad na married na. Minsan, kasi iinterbiyuhin niya sa mismong house no’ng celebrity ay kitang-kita sa TV screen ang madalas na pagtitig kay silahistang TV host ng babaing ini-interview niya. Nasaan, na kaya ngayon ang “papable” pa naman sanang chef?

Ay nga pala, just recently lang napanood ko siya sa kanyang TV commercial. Get's n’yo na?