Monday, December 6, 2010

December 6, 2010 PM

AKTOR NA BALUKTOT ANG DILA, TUMATAGINTING NA P50K ANG PRESYO! 

BLIND ITEM: Gano’n nga yata talaga ‘pag walang masyadong raket ang ilang artista, lalo na ‘pag mga actors na may hitsura – nagpapa-book na lang sa mga bading.

Hindi namin ito kinokondena, ha? Diskarte nila sa buhay ‘yan. Kung ang pagpapahada for a fee ang naisip nilang paraan para tuloy lang ang buhay nila’t matugunan ang kanilang mga luho at pangangailangan sa buhay, eh, sino naman tayo para humusga?

Nabanggit namin ito, kasi, merong isang aktor na baluktot ang dila (mamili na kayo kung sa Tagalog o sa Ingles) ang minsang nai-book ng kaibigan namin. Ang sabi pa niya sa bading friend namin, P60k talaga siya, pero sige, P50k na lang.

“Hay, naku…in fairness, gusto ko lang namang matikman ang lolo mo, kaya nagtapon na ako ng 50k. Okay naman na. Pero para ulitin? Hindi na rin. Una, mahal. Pangalawa, hindi naman masyadong gumagawa in bed, eh.

“Kung sa laki ng notes, malaki talaga. Dyinurangga niya ako nang bongga, pero may condom naman. Hindi naman siya good kisser din. Basta ang trip niya, sipsip-sipsipin ko ang ***** niya, du’n siya napapahalinghing!”

‘Eto na ang siste, “Nangungulet, ‘teh! Deadma na! Very 50k ulit ‘yon, ayoko na. Basta tatarget naman ako ng iba!”

Hay, naku…. makalipad na nga para mas mahulaan ko kung sino ito. 

Ayaw ni Ms. Ipokrita ng ganyan.

Oh My G!
by Ogie Diaz
December 6, 2010





Hunk actor, na-wrong send sa isa pang hunk actor ang ‘kakaibang lakad’! 
BLIND ITEM: KINSA Sila? ‘Yung hunk actor noong nakaraang isyu na may kontrobersiyal na mga karelasyon pa rin ang bida ng ating kuwento.

Isang gabing tahimik nang biglang nakatanggap nang isang text si hunk actor na may kontrobersiyal na mga karelasyon mula sa isang datihang hunk actor na hindi na masyadong aktibo sa ngayon. Ang nakasaad sa text diumano: “Mama, baka naman i-reto kahit P30 thou lang…” or words to this effect.

Hindi na tinextbak ni hunk actor na may kontrobersiyal na mga nakarelasyon si hunk actor na hindi na masyadong aktibo sa showbiz ngayon at natawa na lang ito.

Clue? Naisulat ko na sa isa sa mga article ko noon ang hunk actor na may mga kontrobersiyal na karelasyon… ang na- wrong send na actor ay medyo mainit na pinag-uusapan sa showbiz dahil nga raw sa mga kakaibang lakad nito para lang may maipantustos sa kinahuhumalingang bisyo. Ang isa pang hunk actor noong nakaraang isyu ay naging modelo sa isang gym noon.

Arniel Serato
December 6, 2010





FEMALE CELEBRITY, PINAGKAISAHAN SA REALITY SHOW
ni Cristy Fermin, Bulgar


Mas ma-asim pa sa suka ang damdamin ngayon ng isang female personality na umasang siya ang ta-tanghaling kampeon sa isang reality show, pero
umuwing luhaan, dahil pinagkaisahan siya ng kanyang mga ka-laban. Kuwento ng aming source, sa pag-si-simula pa lang ng labanan ay nag-ma-maasim
na kasi ang babaeng personalidad, kaya noon pa lang ay inis na sa kanya ang iba niyang mga kasamahan.

"Masyado kasi siyang ma-angas, may kayabangan talaga siya, parang ang feeling niya, eh, siya ang pinaka-leader ng grupo na dapat laging na-su-sunod
sa kahit anong gusto niyang mangyari. Eh alam niyo naman sa mga ganyang labanan, kapag pinagkaisahan ka talaga, bagsak ka na, siguradong
hindi mo na ma-a-achieve ang gusto mong mangyari.

"Masyado kasi siyang controlling, parang siya lang ang ma-galing, ang tingin niya sa mga kasamahan niya, eh puro taga-sunod lang niya. Ano ang
na-gawa niya nu'ng bandang huli, meron ba?" simulang litanya ng aming source.

Bago ginanap ang huling pag-husga ay may kumalat na kuwento, si (ang pinagkaisahang female personality) ang itinu-turong nag-pakalat ng istorya 
na diumano, kinausap na ng isang kasamahan niya ang iba pa na ito ang panalunin.

"Siya ang nag-labas ng kuwento na kesyo kinaka-sapakat na raw ni (pangalan ng isang guwapo at hunk na baguhang kasama sa labanan) ang mga kasamahan
nila. Kapag 'yung hunk daw ang nanalo, bi-bigyan niya ng balatong 200 thousand ang lahat ng bo-boto para sa kanya. Siya ang itinu-turong nag-labas
ng ganu'ng kuwento, talagang ma-tindi ang pangarap niyang ma-kuha ang loob ng mga kasamahan nila, pero wala ring nangyari, kinabog pa rin siya
nu'ng hunk,' kuwento uli ng aming impormante.

Maraming nang-hi-hinayang sa mga ginawa niyang pag-si-sikap na manalo, lahat-lahat ay ginawa niya naman, pero mismong mga kasahaman niya na ang
nag-sabing sumobra sa kailangan lang ang ipinakita niyang ugali sa loob.

"Sa isang labanan kasi, eh, hindi one hundred percent na mahalaga ang capacity, mas ma-laki pa rin ang na-ga-gawa ng magandang pakikisama, 'yung
na-ki-kinig ka sa mga kasamahan mo at hindi 'yung palaging ikaw lang ang parang amo sa loob. Du'n siya kinulang, du'n siya sinukat ng mga kasamahan
niya, kaya nanatiling pangarap na lang ang kagustuhan niyang manalo. sa halip na siya ang husgahan sa huling yugto ng labanan, isa na lang siya 
sa mga humusga," kuwento pa ring ng aming source.

Para sa kanyang huling hirit ay may ka-kambal nang clue ang aming impormante, "Kasi naman, masyado siyang maldita, samantalang hindi na naman
niya panahon ngayon. Miles ayaw talaga ang pangarap niyang manalo, hindi talaga siya su-suportahan ng mga kalaban-kasamahan niya."

Naku naman, anak-anakang Shalala na tutok na tutok sa labanang ito, huwag mong sabihing ma-u-upo ka pa ngayon sa Row 4 na ka-tabi ang mabahong
basurahan dahil kilalang-kilala mo kung sino ang bida sa kuwentong ito.

December 6, 2010 AM

DATING BOLD ACTRESS, SAGAD-SAGAD NA ANG UTANG
ni Ed De Leon, PM

Sa palagay namin, dapat tumigil na sa kanyang gina-gawang pangungutang ang isang dating bold actress. Baon na siya sa utang. Wala na rin
naman siyang assignment sa ngayon. Kung mag-pa-patuloy siya sa pangungutang, tapos hindi naman siya maka-bayad, ma-si-sira lang siyang lalo.





SIKAT NA AKTOR NAKA-TALI SA ABS-CBN
(Hindi puwedeng lumipat...)
ni Nora Calderon, PM

Ka-chika namin sa dining table ang isang executive ng ABS-CBN noong Christmas party nila for the press at na-tanong namin kung totoong li-lipat
sa GMA Network ang isa nilang sikat na aktor, tulad ng ipinamamalita ng manager nito?

Kuwento kasi ng manager, ang alaga niya ang magiging leading man sa bagong soap na ga-gawin ng network na malapit nang mag-simulang mag-taping.
Na-tawa ang aming kausap, paano raw makaka-lipat ang aktor, hanggang February 2011 pa ang teleseryeng gina-gawa nito at may ka-sunod na ring 
project na si-simulan after ng said teleserye?

Pero hindi na niya sinagot ang tanong namin kung totoong nagiging pasaway na lately ang aktor.





Comebacking actor, ninakawan

Kinasuhan ng isang aktor ng estafa ang babaeng line producer ng comeback movie niya.

Ayon sa aktor, ginamit ng line producer ang ba*hagi ng P1.5M na ipinagkatiwala niya rito.

“She (line produ*cer) used it daw to pay her previous na mga utang para makapag-shoot kami,” kuwento ng aktor.

“Ano ang pakialam ko sa mga utang niya sa past? She used my mo*ney without my permission to pay her debts.

“Hindi lang pala ako ang ninakawan niya. Ako lang ang nag*lakas-loob magsampa ng kasong estafa sa kanya!”

Abante-Tonite
December 06, 2010 Monday





Gimik at kadramahan ng sikat na showbiz personality pinagsawaan na
Nega na talaga ang image ng isang sikat na show*biz personality dahil marami ang nalungkot kesa natuwa nang i-press release niya na magiging active na uli siya sa showbiz.

Nasawa na kasi ang mga tao sa mga gimik at kadramahan ng showbiz personality. Mga gimik at ka*dramahan na hindi kinagat ng mga tao at nag-boomerang sa kanya.

Lolit Solis
December 06, 2010





Actor A ng Kapamilya lulundag sa TV5 

Nahihilo kami sa lipatan ng mga artista from one network to another and to another. Para silang mga butterfly na palipat-lipat sa pagdapo ng bulaklak. Bukod sa mga lumipat na gaya nina Jewel Mische at Pierro Vergara na dati’y taga-GMA 7 at ngayon ay nasa ABS-CBN na, marami pa raw ang susunod na mag-oober da bakod.

Isa rito’y si actor A na kilalang Kapamilya, pero lilipat na raw sa TV5 at siya raw at hindi ang nali-link na si Kean Cipriano ang makakapareha ni Alex Gonzaga sa Babaing Hampaslupa. Kahit identified sa ABS-CBN, hindi ang Star Magic ang nagma-manage kay actor A, kaya walang problema kung totoong magiging Kapatid na siya.

Alam na kaya ng GF-actress ni actor A na lilipat siya ng network at makakapareha si Alex? Hindi naman siguro nito pagseselosan si Alex dahil very much in-love sa kanya si actor A.

Nitz Miralles 
December 06, 2010





Aktres iyak nang iyak pag nasa bahay 

TOTOO KAYANG may kakaibang kilos na raw itong kila*lang singer/actress na hindi na maintindihan ng mga kakilala niya?

Hindi nila alam kung dala ng matinding depression o baka dahil nagma-mature na ito at hindi na ganun katingkad ang ningning ng kanyang bituin, kaya kung anu-ano na ang ginagawa nito. 

Kuwento ng ilang mga kaibigan nito, kapag wala raw ginagawa itong si kilalang singer/actress, nasa bahay lang daw kasama ang mga kasambahay niya at mga alalay at nanonood ng mga nagawa niyang pelikula. Wala raw itong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak habang pinapanood ang mga luma niyang pelikula. Nung panahong iyun kasi, payat pa siya at very desirable ang katawan na hindi na nito na-maintain.

TALONG ANONYMOUS 
December 06, 2010





Sikat na aktres kinamumuhian ng make-up artist!
“Bruha siya! Masama ang ugali niya!”


Apat na taon na nga ang nakakaraan, pero hindi pa rin malimutan ng makeup artist na ito ang ginawang pang-aapi sa kanya ng isang nagsisimula pa lang na nagbibidang young actress. Ngayon ay isang malaking artista na ito, pero tuwing tinatanong siya tungkol dito ay wala siyang magandang masabi sa young actress.

Matatanggap nga ng make-up artist na utus-utusan siya ng young actress na iyon noon. Iniintindi niya dahil baguhan lang noon at inakala niya na nahihiya lang. ‘Yun pala ay palautos talaga ang young actress.

“Senyora ang feeling ng bruhang ‘yan,” talak ng make-up artist.

“Akala ko noon, mahiyain lang. Kumuha lang ng maiinom niya, iuutos pa sa akin. Okey lang kasi ang sweet pa ng tono niya. ‘Yun pala, halos lahat ng tao sa set ay inutusan. Dinadaan niya sa pagpapa-sweet. At ayaw tumayo sa kinauupuan niya. Reyna na nga ang feeling ng bruha noon pa man.”

Ang masama pa raw nito ay hindi marunong magpasalamat ang young actress. Kapag nakuha na ang gusto niya, dedma na ito.

“Buti pa ‘yung mga kasama niyang ibang artista, nagkukusa na kumuha ng ka*ilangan nila. Nahihiyang mag-utos. Pero itong bruha, ke bagu-bago ay kung makautos ay akala mo pag-aari niya ang ma*laking bahay na pinagte-taping-an namin.”

Ang hindi talaga ma*kalimutan ng make-up ar*tist na ito ay nang ipagtabuyan siya ng young actress sa cottage na dapat ay magkasama sila. Nagulat na lang ang makeup artist nang sabihan siya ng young actress na ayaw niyang may ibang kasama sa loob ng cottage. Gusto niyang mag-isa lang siya.

“Doon talaga sumama ang loob ko sa kanya. Imagine, ako ang pinasama sa kanya para ayusan siya sa taping tapos ipagtatabuyan ako. Sa labas na lang daw ako matulog. Ano akala niya sa akin? Aso?
“Eh ang laki-laki ng cottage na binigay sa kanya. Dalawa ang kuwarto at dalawa ang banyo. Ni hindi nga kami magkita sa loob kung saka-sakali. Pero talagang pinagtabuyan niya ako. As in sinabihan niya ako na sa labas na lang ako or makitulog ako sa ibang cottage. Ayaw raw niyang may kasama siyang ibang tao.

“Doon ko nakita ang masamang ugali ng batang ‘yan. Nagsisimula pa lang pero may ganyan na siyang ugali. Kaya tinapos ko lang ang trabaho ko sa kanya at nilayasan ko na siya after ng taping.

After nga ng pangyayaring iyon ay hindi na nagtrabaho sa young actress ang make-up artist. Kahit na nakailang tawag na sa kanya ang manager nito, umaayaw na siya dahil ayaw na niyang maranasan ang ginawang pang-aapi sa kanya ng bruhang alaga nito.

“Kaya kapag napapanood ko siya sa TV, oo at sikat na siya pero kung alam lang nila ang tunay na ugali niya, mate-turn off sila. Masama talaga ang ugali.

“Kaya ako, kinukuwento ko ang masamang ugali niya sa ibang mga inaayusan ko. Para ma*laman nila kung ano ta*laga siya at ipagtsismi*san siya kung kani-kanino. Hanggang hindi nagbabago ang ugali niya, patuloy ko siyang sisiraan sa kung kani-kanino!” sabi pa ng make-up artist. 

RUEL MENDOZA
MONDAY, DECEMBER 06, 2010




Mga Pinoy na produ sa America sinasamantala ng laos na singer 

Namamayagpag pala sa Amerika ang isang laos na singer. Ang raket ay siya ang humaharang sa mga Pinoy producer doon.

Ito na raw kuno-kuno ang tumatayong producer samantalang wala naman siyang puhunang inilalabas.

Isang source ang nagbuking na ito ang nanini*ngil sa Pinoy producer - let say $250,000 ang package ng isang grupo ng mga artistang magko-concert sa Ame*rika. Yup, $250,000 plus airfare, hotel accommodation, and food allowance.

So magdi-deposit daw ang produ. Pero nakapangalan daw ang tseke sa nasabing napagsa*waan ng panahon na singer na tumatayo ngang broker lang.

One time raw nauna itong naningil ng $50,000 sa isang producer para sa isang show. Nakapa*ngalan ang naunang bayad sa nasabing Pinay na nagrereyna-reynahan doon. After ng ilang days, naniningil na naman daw ito ng another $50,000 na nakapangalan sa grupo naman ng may concert. “So malinaw na sa kanya na ang naunang $50,000,” say ng isang source.

So hindi pa rin naman daw umaangal ang produ. Ang masakit lang daw, pagdating ng mga artista, kinakawawa pa ng Pinay na ito ang mga financier nila dahil ni hindi ipinakikilala sa mga artistang kasama at ni walang acknowledgement.

Tapos sa poster at print ads, gusto pa nitong ka*sama ang kanyang pangalan.

“Kaya ang lumalabas na producer, siya na. Hindi na ang nagbayad ng $250,000. Kaya ang mga artista, ni hindi kilala ang mga nagdala sa kanila sa Amerika. Ganun kasaklap ang nangyayari ngayon sa mga produ na Pinoy sa Amerika. Kawawa talaga. Kaya tingnan mo bibihira na ang show sa Amerika lately,” kuwento ng source.

Pilipino Star Ngayon
December 06, 2010