Sunday, November 21, 2010

November 21, 2010 PM

SIKAT NA PREMYADONG AKTRES, SOBRANG TUMANDA
ni Baby E, PM

Sa katatapos na Star Awards for TV ng PMPC, na ginanap sa Resorts World, marami ang naka-puna sa sobrang itinanda ng isang popular at award
winning na actress, na ma-tagal-tagal na ring hindi na-sa-sight sa mga showbiz gatherings.

Occasionally na rin siya kung ma-panood sa telebisyon. Sa pelikula naman, since her last appearance for her home studio (dati), 'di na rin
siya active.



AKTRES NA NAG-YA-YABANG NG KAYAMANAN, NANUNUHOL NG PERA MANALO LANG NG AWARD
ni Ed De Leon, PM


Napaka-cheap talaga ng isang aktres na talagang para ipag-yabang nga sigurong mayaman siya, talagang nag-a-alok daw ng pera manalo lang ng award.

Ang sabi pa, huwag nang mag-hanap pa ng highest bidder dahil kung magkano ang highest bid, dodoblehin niya siya lang ang manalo. Kaya basta
nanalo iyan, alam naming sinampal-sampal niya ng pera ang mga organizers ng award-giving body na iyon!



SIKAT NA DIVA NUKNUKAN NG KUNAT!
(Pati raw mga katulong tini-tipid sa pagkain...)
ni Jobert Sucaldito, Bandera

Sino itong naging super sikat na female singer noong kanyang panahon pero active pa rin naman ngayon, ang walang kasing-kuripot sa lahat ng
pagkakataon? Hindi ko maunawaang meron pa rin palang ganitong klase ng mga tao sa mundo.

Isa-isahin natin ang drama ng female singer na ito na na-pa-panood pa rin tuwing weekend sa isang variety show. Tuwing uma-alis ang babaeng ito
patungong ibang bansa, nag-i-iwan lang siya ng budget sa kanyang mga kasambahay na good for one week lang, pero more than a month siyang
nawawala! Minsan two months pa.

Kaya ang mga kasambahay niya ay napipilitang maki-kain na lang sa kanilang mga kapitbahay dahil ubos na ang budget na ibinigay sa kanila ng
kanilang amo. At ito pa ang drama, magaling lang mag-dala ng kasuotan ang female singer na ito pero ang mga stockings at false eyelashes niya
ay either sa Baclaran lang o Divisoria niya pina-bi-bili sa kanyang mga katulong, and take note, ang stockings niya ay kailangang hindi
la-lagpas sa halagang P3.50 lang ang isa!

Mag-pa-pabili siya ng tatlong dosena noon at tuwing ga-gamitin niya ito ay i-ta-tapon na niya agad pagka-hubad. 'Yung false eyelashes naman niya
ay hindi puwedeng lumagpas ng P7.50 at kapag walang mabiling ganu'n ka-mura ang kanyang katulong, major major na talak ang a-abutin nila.

Kapag naman nag-gi-guest ang female singer na ito sa isang noontime show at nasa P7000 lang ang tina-tanggap nitong honorarium, hindi niya
gagamitin ang magara niyang kotse - mag-ta-taxi lang siya. At para hindi siya masyadong ma-kilala ay mag-su-suot siya ng damit na may hood para
ma-takpan ang ulo at parte ng mukha niya. Kesehodang kuntodo make-up siya, wala siyang pakialam huwag lang magastusan.

Isa pa, malalaman mo raw kung magkano ang kontratang pi-piramahan niya sa isang producer na duma-dalaw sa bahay niya para mag-contract signing
for a show. Kung ang bayad sa kanya ay less than P100,000, ang i-se-serve niya ay tubig lang. 'Pag lagpas P100-K ang fee niya, juice or
coffee ang ipapa-serve niya. Kapag medyo mas malaki sa P100-K ay saka lang siya magpapalabas ng ensaymada. Kaloka, 'di ba? Hindi ko siya
kinaya!

Ang siste, ang ganda-ganda ng bahay ng sikat na female singer na ito. Mamahalin ang collection niyang antiques. Nag-ta-taka lang ang mga
friends niya kung saan na-pu-punta ang pera niya. Aanhin niya ang sobrang yaman kung hindi naman niya ito ma-e-enjoy?

Clue? May pagka-tomboyita nang konti ang lola ninyo. Saka naging sikat talaga siya noong time niya. Naku, basta, kakaloka siyaaaaa!


EXY YOUNG STAR, 'DI NAKAPAG-PIGIL, SUMALISI, NAGPAKA-SASA SA PAG-HAWAK SA MANOY NG GUWAPONG KOMEDYANTE!
(When? Delikado ata 'yun, siya muna ang humalili sa GF ng guy...)
ni Roldan Castro, Bulgar


Over naman ang elya sa katawan ng sexy young star na mula sa isang artista search dahil balitang hinipu-hipo nito ang umbok sa pagitan ng legs
ng guwapong comedian na na-kasama nito sa isang TV guesting.

Ang siste, habang 'di pa raw nag-ti-take, mag-kasama sa isang lugar ang sexy young star at ang guwapong comedian nang makaramdam ng antok ang
huli kaya dali-dali raw humiga sa lap ng girl. Eh balitng ma-tagal-tagal na rin daw type ni sexy young star ang napaka-flawless comedian.

Wala raw pina-lagpas na pagkakataon ang sexy young star at nag-paalam ito sa komedyante na gusto niyang hawakan ang muscles sa braso nito na
pinag-bigyan naman nito. Hanggang namataan daw ni sexy young star na medyo umu-umbok na ang bukol sa pagitan ng legs ng comedian kaya nag-litanya
ito ng, "Can I touch that?" sabay turo sa harapan ng guy, na ino-ohan naman ng nag-i-init na sigurong komedyante.

Kaya ang endibng ay touch-to-death talaga ang hitad sa bukol ni komedyante na sinasabing ga-bombilya ang laki ng pagka-lalaki. Sa ngayon daw
ay constant textmates ang dalawa at kung minsan-minsan ay luma-labas-labas na rin para mag-date. Ang masama, alam kaya ito ng isa pang
starlet na ka-relasyon ngayon ng comedian?

Gerald at Bea Break na raw pero ginawang MOTEL ang business class ng eroplano.

November 21, 2010

Sexy actress, naloka sa hiling ng senador

NAGBABALIK ang isang dating sexy actress na sumikat noong kanyang kapanahunan. Hindi kataka-takang makabalik ang aktres dahil maganda pa rin siya kahit nagbago na ang kanyang katawan.
Tumaba nang husto ang sexy actress. Napabayaan niya ang kanyang katawan mula nang iwan niya ang showbiz at magkaanak.
Maraming kuwento si sexy actress.
Gaya na lamang sa dahilan kaya napaslang ang kanyang manager na isang government official. 
Maraming nalalaman ang manager niya sa isang grupo kaya itinumba ito.
Ipinangalandakan ni sexy actress na naging syota siya ng isang mayamang businessman na ngayon ay nakaupo na sa Senado.
Dalawa ang kanyang mamahaling sasakyan noon na bigay ng senador. Pero dahil naging waldas at pabaya sa kanyang kinikita ang kanyang ina-inahan, nawala ang kanyang mga pinaghirapan.
Aminado si sexy actress na minahal niya ang senador. Kaya lang, hindi niya ito puwedeng angkinin dahil may tunay itong asawa. 
Tanggap ni sexy actress na hindi na siya babalikan ni senador dahil sa kanyang mala-aparador na katawan. 
Nang magkita sila nito sa South kung saan naninirahan si sexy actress, nagkatuksuhan na lang sila nito.
Ikinaloka ni sexy actress na parang ginawa siyang bugaw ng senador. 
‘Yung role ng kanyang manager na nambubugaw ng mga talent ay siyang in-apply ni senador sa kanya.
Hiniling ni senador na ihanap niya ito ng mga babaeng magaganda, bata at sariwa.
Nasabi ni sexy actress sa sarili, kung sexy pa rin siya ay baka siya na ang kinulit-kulit uli ng senador.
Prangkahanng sinabi ni sexy actress na may mga anak na siya at hindi niya trabaho ang mambugaw.
Hindi na nagtaka si sexy actress sa pagiging malikot ni senador.
Noong pinaghahanap siya ng babae ni senador, may dalawa itong kabit na nasa Maynila.

Rey Pumaloy
November 21, 2010 Sunday


Matagal nang natsitsismis ang isang aktres na galing sa isang reality program dahil sa kanyang attitude.

Kahit noong bagu-bago pa lang siya sa showbiz, naiintriga nang lumaki ang ulo ng hitad.
Nagsimula ang attitude at big star complex niya nang mabigyan siya ng solo starrer.
Kaya lang, dahil sa negative publicities niya at sa mga reklamong nakakarating sa management ng network, naudlot ang build-up plan para sa kanya.
Isa pa, nabalitang ikinasal ang aktres sa kanyang boyfriend.
Ngayong nasa ibang network na si aktres, inakala ng marami na magbabago na ang attitude nito.
Pero hindi pa pala dahil mas tumindi ang pagiging maarte niya kaya isinuka siya ng ilang staff ng isang show na nilalabasan niya.
Sumbong sa amin ng isang staff, maraming kaechusan ang aktres.
Nag-iinarte ito tuwing kukunan ng interview at footage kaugnay sa concept ng kanilang show bawat linggo.
Kailangan kasing kunan ng interview ang lahat ng kasama sa segment sa show. Regular sa segment na iyon si aktres kaya regular ang pagkuha ng interview sa kanya.
Hindi maintindihan ng staff kung bakit tuwing kukunan niya ng interview ang aktres, lagi itong tumatanggi samantalang na-brief siya na kailangan ‘yun sa show.
Laging sinasabi ni aktres huwag na lang siyang kunan, ‘yung iba na lang niyang mga kasama, kasi, hindi siya naka-make-up, pawisan siya at galing sa rehearsal.
Eh ‘yun nga ‘yung kailangan sa segment na pre*paration para sa gagawin nila sa show. Ipapa*kita muna ang kanilang rehearsal at kukunan sila ng mga statement bago nila gawin nang live ‘yung ni-rehearse nila.
Ang ikinaloloka pa ni staff, ipinaparinig ni aktres sa mga kasama ang pagtanggi.
Okey lang sana kung consistent si aktres pero pumapayag siya kapag naiinggit na siya sa masa*yang interview ng kanyang mga kasama.
Inireklamo na ni staff ang aktres at kinausap naman ito ng executive producer.
Ang rason ng hitad, hindi siya binibigyan ng time na makapagpa*hinga bago siya i-request ng inter*view.
Naloka ang staff dahil na kay aktres iyun kung kailan niya gustong magpa-interview. Naghihintay lang siya.
Sa inis ni staff, nag-shout siya sa Facebook na kinayayamutan niya ang nasabing aktres at kung hindi lang trabaho, dinedma na niya sana ito.

Rey Pumaloy
November 21, 2010 Sunday



2 FEMALE STARS ANG TINDI NG PUTOK
ni Reggee Bonoan, Bandera

Naka-chikahan namin ang kilalang stylist na nag-da-damit sa mga sikt na artista, pero balitang ini-iwasan nilang damitan ang dalawang aktres na
parehong ma-galing dahil hindi raw sila ma-ingat sa mga damit na ipina-su-suot sa kanila.

Ayon mismo sa stylist na na-kausap namin, "Akala ko, ako lang ang nakaka-pansin sa kanila (dalawang aktres), hindi pala, nag-usap kaming mga
sylists at i-isa ang reklamo nila, may amoy ang damit kapag hinubad na nila.

"Okay sana kung pa-la-labhan nila o ipapa-dry clean, eh hindi, i-ba-balik sa amin na hindi pina-linis, kaya amoy na amoy 'yung putok nila! Ang
nakaka-loka, parang hindi man lang sila nag-effort na linisin kasi deadma sila pagka-balik, parang utang na loob pa namin na sinuot nila ang
mga damit namin.

"Kaya ang nangyayari kapag sinuot na nila ang mga damit, hindi na namin ipina-ga-gamit sa iba, talagang naka-tago na. Minsan nga, hindi na
namin sino-soli, bina-bayaran na lang namin sa pinag-kuhanan namin. O 'yung minsang binili namin, wala na, tsugi na,"dagdag na sumbong ng
aming kausap.

Deadma na sa clue kung sino ang dalawang aktres na ito, bossing Ervin, dahil baka tayo naman ang talakan! Basta hindi sila pure pinoy! Gets
mo na?



2 SOSYAL NA BEAUTY QUEENS NA-PAHIYA
ni Ambet Nabus, Bandera

Tawa kami nang tawa sa chika ng isang kaibigan hinggil sa sosyal na showbiz personalities na ma-hilig mag-marunong sa lahat ng bagay at feel
na feel na lagi silang pinag-u-usapan.

Sa isang okasyon ay parang mga reyna itong dumating at super deadma sa pag-istima ng mga ushers at usherettes na supposedly ay mag-ga-guide
sa kanila. Gusto marahil nilang ipakita na sanay sila sa mga bonggang okasyon at lugar kaya hayun dire-diretso ang mga ito sa pag-pasok at ang
ending, na-ligaw ang dalawang sosyal na personalidad.

Ang napuntahan pala nilang lugar ay isang lounge kung saan puwedeng mag-smoke, mag-charge ng phone o umistambay (super hate nila ang mga
naninigarilyo, we tell you! Hahaha!) Kaya nang maramdaman nilang nagkamali sila ay nag-emote ang isa na may hina-hanap at ang isa nama'y may
kina-kausap sa phone gayung naka-off naman daw ang phone nito.

Pa-simple pa raw na nag-mura ang mga ito sa nangyari sa kanila. Pareho silang may title sa kagandahan na naging mga hosts din at madalas
kasama sa mga indie movies.



Sexy actress, baliw

Naging obsessed pala ang isang sexy actress sa isang model-turned-actor pagkatapos nilang magkakilala sa isang showbiz event. Pagkatapos nga ng one-night stand nila ay nauwi iyon sa isang sikretong relasyon na mismong ang model-turned-actor na ang nagtapos.


Nalaman na lang ni sexy actress na nahuhumaling ang model-turned-actor sa isang non-showbiz girl na anak ng isang kilalang pamilya sa society.


Para kay mo*del-turned-actor wala raw seryosohan ang naging relasyon niya sa sexy actress. Sex lang daw ang lahat at iyon ang usapan nilang dalawa.


Nagtataka na lang si model-turned-actor dahil nagpapakita ng pagseselos ang sexy actress sa dine-date niyang non-showbiz girl.


Iniyakan nga raw ni sexy actress ang ginawa sa kanya ni mo*del-turned-actor dahil nagpalit ito ng cell number na hindi nito sinasabi sa kanya. Nalaman na lang ni sexy actress na matagal na palang dine-date nito ang isang non-showbiz girl habang nagkakaroon sila ng secret affair.


Nang magkita ang dalawa sa company party, mabilis na umiwas ang sexy actress dahil nakita nga niyang kasama ni model-turned-actor ang non-showbiz girl. Nakita nga naman ni sexy actress na maganda, disente at sosyal ang babaeng dine-date nito.

Ni RUEL MENDOZA
SUNDAY, NOVEMBER 21, 2010



Regalong sapatos ni Kris, pinarerentahan ng aktres!

Siguradong mahi-hurt ang feelings ni Kris Aquino kapag nalaman niya na ang isang aktres na niregaluhan niya ng mamahaling sapatos ay pinagkakakitaan ang mga regalo niya.


Kuwento ng aming source, gulat na gulat siya nang makasama niya ang kanyang kaibigan na suut-suot ang isang branded na shoes. Gulat na gulat ang aming source, dahil kung titingnan mo raw ang kanyang kaibigan, can’t afford naman itong bumili ng ganun kamahal na shoes.


Pero, agad daw na nagkuwento ang kanyang friend, na sabi nga, hindi naman niya binili ang shoes na suot niya, kundi nirentahan lang niya. ‘Yun daw kasi ang uso ngayon, na kung hindi mo kayang bumili ng mga branded na gamit, puwede ka namang mag-rent.


Kuwento pa ng friend ng aming source, nirentahan niya ang suot niyang shoes mula sa isang aktres.

At sabi, ang shoes daw na `yon ay regalo ni Kris sa naturang aktres.


Ganun? Kakalungkot naman, na parang hindi pinahahalagahan ng naturang aktres ang sapatos na bigay ni Kris.


Hindi ba dapat, kapag binigyan ka ng isang mamahaling gamit ng kaibigan mo, sobrang pag-aalaga ang dapat mong gawin, at kung puwede ay ayaw mong ipagalaw `yon sa kahit na sinong tao sa paligid mo.


Pero, `yung pagkakitaan mo pa ang regalo sa iyo, parang mali na `yon. Paano kung makita ng taong nagregalo sa iyo ang shoes na `yon, na gamit ng ibang tao?


Pero teka, kataka-taka naman na kailangan pang pagkakitaan ng aktres ang regalo sa kanya ni Kris?

Eh, sa dami ng project na ginawa niya, na dati nga ay halos araw-araw mo siyang napapanood sa TV, hindi ba siya nakaipon ng pera, at kailangan pa niyang umabot sa puntong `yon?


O baka naman sadyang negosyante lang ang takbo ng utak ni aktres, na hanggang puwede niyang pagkakitaan ang isang bagay, gagawin niya `yon?

Ni DONDON SERMINO
SUNDAY, NOVEMBER 21, 2010