Sunday, November 14, 2010

Super sikat na singer, super ang kakuriputan!

Laman ng kuwentuhan ngayon ng mga delivery boy sa isang kilalang appliance store ang sikat na female singer. Nag-shopping daw kasi si female singer sa store na `yon, at pinagkaguluhan talaga siya ng mga tao roon.

Humble at accommodating naman daw si female singer at panay ang bati niya sa mga tao. Pinagbibigyan din niya ang mga nagpa-picture sa kanya.

Anyway, namangha ang mga empleyado sa female singer dahil halos lahat yata ng klase ng appliances mula sa kitchen, dining, living at bedroom ay binili nito. Maging ang ilang mga electric type appliances na pang-garden ay binili rin ni singer. Kaya humigit kumulang sa P400K ang halaga ng mga appliances na binili ng female singer.

Hindi naman katakataka na mamakyaw ng mga mamahaling gamit ang female singer dahil bukod sa sikat siya ay mayaman na siya. Ang kinikita niya ay hindi matatawaran mula sa kanyang mga concert abroad.

Kung may listahan ng mga mayamang singer sa Pilipinas ngayon, tiyak na mangunguna sa listahan ang female singer na ito.

Anyway, dahil sikat at mayaman si female singer, talagang super asikaso sa kanya ang mga tao sa naturang appliance store. Sa dami ng mga pinamili ni singer, natural na ipa-deliver na lang ito ng store sa kanyang bahay.

Hindi na nakakapagtaka kung mag-agawan ang mga delivery service boys sa pagdadala ng mga appliances sa bahay ni singer. Maliban sa gusto nilang makita ang bonggang bahay nito, nakakasiguro silang makakatanggap sila ng malaking tip mula sa singer.

At `yun na nga, duma*ting na ang delivery sa bahay ni singer. Ibinababa isa-isa ang mga appliances.

Apat ang delivery boy na nagbababa ng mga appliances. At para hindi na rin mahirapan pang magpuwesto sa dapat kalagyan ang mga appliances, isa-isa ring ipinuwesto na sa dapat nitong lugar ang mga kasangkapan.

Panay lang ang turo ni singer at ng kanyang ina sa kung saan dapat ipuwesto ang mga kasangkapan.

Mahigit sa isang oras inabot ang paglalagay ng mga appliances sa loob ng bahay ni singer. Alam naman ni singer at ng ina nito na matapos ang trabaho, magugutom at mauuhaw ang mga boys, kaya nag-serve naman sila ng meryenda para sa mga ito. Nang matapos ang meryenda, hindi lang ipinapahalata ng mga delivery boy pero nai-excite sila sa matatanggap na tip mula sa singer.

Bago lumabas ng pinto, inabot ni singer ang nakarolyong pera sa palad ng isa sa mga delivery boys.

Pagkasakay sa van, tinignan ng mga delivery boys ang inabot na pera sa kanila ni singer. Naloka sila dahil P400 lang ang ibinigay ni singer. So, tag-100 pesos lang silang apat.

Dismayado ang apat na delivery boys. Inaasahan kasi nilang para silang makakatanggap ng Christmas bonus sa singer, pero ang ibinigay nito ay pang-caroling lang.

Kaya nga nu’ng minsang magpa-deliver pa uli ng ilang mga kasangkapan ang singer, nagtuturuan na ang mga delivery boys para makaiwas sa pagdi-deliver ng gamit sa bahay ni singer.

Rey Pumaloy
SUNDAY, NOVEMBER 14, 2010


HULAAN NA!

2 comments:

  1. grabe naman dapat mas malaki pa don sa laki ng kita nya sa pag kanta at isa sikat sya ha! tapis ang liit pa ng binigay grabe... dapat namna mag bahagi din sya ng bleesing sa iba kong sino ka man at kong isa ka sa mga idol kong singer sigurado ako na mawawala ka sa mga listahan ng mga idol kong singer grabe ka naman sna hnd kna maging sikat madamot ka at kuripot pa :)

    ReplyDelete
  2. ahahhaa! katawa-tawa ka naman sobrang kuripot mo siguro si charice pengpengko ka no? ahahaha kataww-tawa ka tlaga kaya ka yumayaman dahil saka kuripotan mo dha! hahaa:P

    ReplyDelete