Tuesday, November 30, 2010

Tuesday November 30, 2010 P.M.

Aktres, tanggap na ang pagiging laos
Written by Ed de Leon
Tuesday, 30 November 2010 00:01
HATAW!

MUKHANG tanggap na ng isang female star na wala na ring pupuntahan ang kanyang career. Una, kasi naman matanda na siya, at saka sa ngayon marami ng mga batang artista na talagang mas sumikat dahil mga bata pa lang ay nagpakita na ng pagiging isang tunay na aktres, hindi kagaya niya na noong araw, mga basurang pelikula lamang ang ginawa niya.

Ngayon nga ang biruan, hindi na pagiging artista ang kanyang hanapbuhay kundi graft and corruption na.




Young actor, damay sa kabaliwan ng manager!
RUEL MENDOZA
TUESDAY, NOVEMBER 30, 2010
Abante Online


Naaawa ang isang talent coordinator sa isang promising na young actor dahil baka madamay ito sa hindi magandang pag-uugali ng kanyang manager. Nagsisimula pa lang ang young actor na ito at mukhang malaki ang magiging future sa showbiz. Pero malaking balakid ang kanyang manager na walang kuwentang kausap.

Sobrang hirap daw kausap ang talent manager na ito dahil hindi ito matinong kausap. Nababaliw nga ang talent coordinator na ito dahil magulo raw kausap ang manager. Matinong kausap sa umpisa, pero kinabukasan ay iba na ang mga sinasabi. Para nga raw sinasapian at kung anu-ano ang mga pinagsasabi.



“Naku hindi na siya madaan sa matinong usapan. Lahat ng gusto niya ibibigay naman, pero may reklamo pa rin siya. Ang ending, kinansela na lang namin ang guesting ng talent niya.
“Naawa nga ako sa talent niya kasi excited pa naman ito sa guesting niya.

Gustung-gusto nga niyang mag-guest sa show, pero dahil sa sinasapian ng masasamang espiritu ang manager niya, huwag na lang dahil hindi namin kailangan ang ganyang mga manager na nagpa-power trip. Ang dami kayang artista diyan kaya sorry na lang sa kanila,” mataray na kuwento ng talent coordinator.

Nalaman na lang ng talent coordinator na may kinalaman ang talent fee sa alaga ng baliw na manager at sa talent fee ng nakakatapat ng alaga niya kaya ito nagpa-power trip.

“Tama lang na bayaran namin ng maganda ang kalaban ng alaga niya dahil mas malaki ang name nito at hindi sakit ng ulo ang manager niyan. Isang tawag mo lang, basta available ang talent niya, ibibigay niya. Wala nang pag-uusapan sa TF kasi maayos naman.

“Hindi tulad nitong isang manager na mukhang pera na. Gusto mas mataas ang TF ng talent niya. As if naman puwedeng gawin iyon, eh may record sila dito sa amin ng TF nila. Paano mo irarason ang biglang pagtaas ng TF ng talent niya?”

Dapat nga raw ay matutong makisama ang talent manager na ito para na rin sa mga alaga nito. Mamuhunan muna siya ng PR bago ang paniningil niya ng sobrang mahal na TF.

No comments:

Post a Comment