Friday, December 10, 2010

December 10, 2010 PM

MGA TAGA-MEDIA, NANGAROLING SA SUPER KURIPOT NA AKTOR, P500 LANG ANG IBINIGAY, 'DI PA HINARAP!
('Di man lang bumati ng magandang gabi...)
ni Erlinda Rapadas, Bulgar

Maraming kuwentong Pasko ang hindi ma-li-limutan ng mga reporters na siyempre, and bida ay mga artistang kanilang nakakadaupang-palad. Super
puri sila sa mga celebrities na bonggang-bongga kung mag-pa-party at mamigay ng regalo sa movie press. Na-a-aliw naman sila at na-sa-shock sa
ilang artistang Korina Sanchez (read: kuripot) at halos ayaw mag-bitaw at mag-share ng blessings kahit limpak-limpak na salapi na ang kinita at
kinikita sa pag-a-artista.

As always, ilan sa masasabing generous sa showbiz ay sina Boy Abunda, Ai Ai Delas Alas, Ricky Reyes, ang yumaong si FPJ, si Nora Aunor (noong
kasikatan niya), Vilma Santos, Inday Badiday (noong kasikatan ng See True), Sharon Cuneta, at iba pa. Pero ang hindi malimutan at classic na
kuwentong-Pasko ay nang magpa-caroling ang isang sikat na guwapong aktor sa isang grupo ng editorial staff ng isang malaking publication
kasama ang ilang kolumnistang reporters.

May kaya naman sa buhay bgao nag-artista ang aktor, pero ang hinatag sa grupo ng mga carolers ay tuma-taginting na Ninoy (P500 lang)! Abonado
pa sa inarkilang sasakyan at ni hindi man lang nagpa-merienda ang tinapatang aktor, bagkus ay iniwan lang sa maid of cotton (read: katulong)

ang envelope ng mga carolers! 

Dismayado ang tumapat, to think na halos linggu-linggo ay cover ng kanilang fan magazine ang sikat na aktor.




Young actress ginagamit ng nanay para mangutang!
2010-12-09 06:20 PM
by: Push Mina

Nakakaawa naman pala ang isang super young drama and comedy actress na ito, dahil kapag wala pala siyang project, ginagamit siya ng kanyang nanay para dumiskarte ng pera.

Ayon sa isang reliable source na ang nanay ay kaibigan ng nanay ni young actress, kapag wala raw project si young actress, pinapatawag ito ng kanyang mother sa mga kakilala nila para mangutang ng pera. As in “hello po, si _________ po ito, baka naman po pwedeng makahiram ng pera”. Ganun! At minsan daw, kapag hindi pinapautang ay pagkain na lang ang pinapahingi ni mother sa kanyang anak na young actress. Kwento pa ng source, minsan daw ay isang pack ng hotdog na lang ang hiningi para pang-ulam daw nila.

Nakaka-awa naman kung tutuusin ang young actress na ito. Pero sana hindi naman siya yung ginagawang front ng kanyang nanay para mang-delihensya. Mabait pa naman si young actress, na lately ay kahit sa drama show napapabilang, laging comic relief ang hatid niya. So ayun, good luck na lang kay young actress at sana magtuloy-tuloy ang projects mo lalo pa’t medyo tumatatak na ang character mo sa isang primetime program sa network na pinagta-trabahuhan mo.






No comments:

Post a Comment