Friday, November 12, 2010

BATANG AKTOR, SAKSAKAN NG BAHO ANG MGA PAA!

Naging usap-usapan nga sa isang grupo ng mga young actors noon ang kakaibang amoy ng paa ng isang baguhang young actor. Guwapo, matangkad at inglesero ang young actor na ito. Malinis naman sa katawan pero hindi nila akalain na saksakan ng baho ang mga paa nito.

Kakapasok lang nito noon sa showbiz at dahil mala¬kas ang dating, kaagad siyang nagkaroon ng maraming fans. Ma-PR din ang baguhang young actor kaya marami kaagad itong naging kaibigan.

Bukod sa marunong makisama, galante pa ito. Kada suweldo nga nila sa network ay nanlilibre ito sa mga kasama niya.

Minsan daw ay nagyaya ito na mag-basketball sila ng kanyang grupo sa clubhouse ng kanilang subdivision. Since wala naman daw silang taping ay mag-enjoy naman daw sila at makapag-bonding pa sila nang husto.

Naglaro nga ang baguhang young actor at ang kanyang mga kasama ng basketball ng ilang oras. 
Noong matapos na ay sabay-sabay silang pumasok sa locker room para makapag-shower.

Nang nagtatanggal na ng mga suot nila ang grupo ay biglang may mabahong amoy na umalingasaw sa loob ng locker room. Amoy patay na daga raw na nakakasuka.

Hinanap daw nila kung saan nanggagaling ang mabahong amoy at nasundan nila iyon sa gym socks ng baguhang young actor na nakasabit sa locker door nito.

Buti na lang at nasa shower na ang baguhang young actor at hindi nito naririnig ang mga nangyayari sa locker room.

Nilayuan nga ng grupo ang locker door ng baguhang young actor dahil sobrang lakas ng kabahuan nito. Lumipat sila sa kabilang side kunsaan may air vent na nakatulong para hindi nila maa¬moy ang mabahong medyas ng baguhang young actor. Para hindi mahalata ay sabay-sabay na silang nag-shower nang maramdaman nilang papalabas na ang baguhang young actor.

Nang magharap-harap ulit sila sa cafeteria ng clubhouse para kumain, naaamoy pa rin ng grupo ang mabahong paa ni baguhang young actor. Naka-flip-flops lang daw kasi ito at nakadekuwatro pa. Kaya walang choice ang grupo kundi magyosi para malabanan nila ang amoy ng paa ni baguhang young actor.

Hindi naman daw nila puwedeng pagsabihan ang baguhang young actor dahil baka ma-offend ito at hindi na sila ilibre nito kada suweldo. Kaya pinapraktis na lang nila ang tiisin ang amoy ng mga paa nito. 

RUEL MENDOZA
FRIDAY, NOVEMBER 12, 2010


HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment