Friday, November 12, 2010

KOMEDYANA, HINDI NA NGA MA-GALING, SUPLADA PA SA FANS, MA-BENTA LANG DAHIL CHAKA KAYA PINAG-LA-LARUAN! (Sarap i-pokpok, wang kasi as in nakaka-buwang!)

Paboritong imbitahan sa mga out-of-town shows, birthdays at mga pistahan ang ma-husay na komedyanang kontrobersiyal at sikat na sikat na ngayon.

Gaya na lang ng kaibigan naming talent manager na nag-bu-book din ng mga artista sa mga ganitong raket, si komedyanang kontrobersiyal at sikat
na sikat ang parating request sa kanya.

'Yun nga lang, hindi niya ma-kuha-kuha ito dahil ma-hirap daw kausap at ma-arte pa ang tuma-tayong RM (road manager) nito. 'Di naman niya
diretsong ma-kausap ang komedyana dahil sobrang busy nito at kahit na nasa dressing room at mine-make-up-an ay 'di puwedeng gambalain.

Heto na naman, mag-bi-birthday ang isang kilalang personalidad sa bandang Norte at muli, ini-request ang ma-husay na komedyana. Inunahan agad
ito ng aming kaibigan, iba na lang daw ang kunin dahil ma-arte at ma-hirap nga raw kausap ang road manager ng komedyana. Marami pa naman daw 
sikat, ma-galing at mas ma-ganda pa sa komedyana.

"Ewan ko ba naman at gustung-gusto nila 'yung komedyanang 'yun! Hindi naman siya ganu'n ka-galing. May pagka-supladita pa ito sa mga tao.
Siguro, na-a-aliw sila at pinag-la-laruan lang ito dahil nga sa hitsura. Ang chaka kasi niya," litanya pa ng friend namin.

Hahaha!

ni Ronald Rafer, Bulgar



HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment