Saturday, November 13, 2010

MALE TV HOST, PRANING NA SA KADUDROGA!

Malala na raw ang problema ng male TV host na ito dahil sa paggamit nito ng droga na pampatulog. Hindi na raw siya tinatablan nito, pero useless daw siya ngayon dahil nag-iiba ang mood swings nito.

Suko na nga ang kinakasama ng male TV host dahil sobrang hindi na mapagsabihan na tumigil ito sa pag-inom ng droga. Ang ginagawa na lang nito ay iniiwan niya si male TV host na buong araw raw na tulala sa kuwarto nito.

“Kailangan din naman magtrabaho ng kasama ni male TV host. Paano na ang buhay nila? Hindi nga nagtatrabaho si male TV host. Sinusumpong parati. Kaya no choice ang kasama nito kundi ang mag-work na or else wala silang kakainin,” chika pa ng a*ming source.

Ang hindi pa raw maganda ay pinapamihasa ng pamilya ng male TV host ang hindi magandang bisyo nito. Kapag nagsusumbong ang kasama ni male TV host sa pamilya nito, sasabihan lang siya na pabayaan na lang at lilipas din daw ang bisyo na iyon. Hindi naman daw niya kailangang i-pressure ang male TV host na biglang tumigil.

“Imbes nga na tumulong sila, sila pa itong nag-i-spoil sa male TV host sa ginagawa niyang mali,” dagdag pa ng source namin.

“Kaya suko na ang kinakasama ng male TV host. Hindi na siya makikialam sa ginagawa ng male TV host. Kung gusto nga raw nitong malulong, huwag nitong sabihin na hindi niya ito pinagsabihan.

“Mahiya lang daw sana ang male TV host dahil matanda na ito at ang ginagawa niya ay gawain lang ng mga batang nag-i-experiment. Too late na raw ito para mag-experiment sa droga.”

Mas kinakainis nga ng kasama ni male TV host kapag tawag ito nang tawag sa kanya. Napapraning daw ito na wala siyang kasama sa bahay. Sa sobrang inis ay minura-mura na niya sa telepono si male TV host.

“Hindi na nakapagpigil ang kasama ni male TV host. Ilang buwan na kasi siyang nagtitiis at umaasa na magbabago ito. Pero walang improvement. Kaya walang karapatan na makialam si male TV host sa pagtanggap nito ng trabaho.

“Pagkatapos ngang murahin si male TV host, hindi na raw tumawag ito at na*ngulit. Siguro naman daw ay pumutok ang ear drum nito sa malakas na pagmumura sa kanya sa telepono,” natatawang pagtatapos na chika ng aming source.

Ni RUEL MENDOZA
SATURDAY, NOVEMBER 13, 2010


HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment