Saturday, November 13, 2010

TISOY NA YOUNG ACTOR WASAK ANG BUHAY DAHIL SA BISYO

NAKAKALUNGKOT lang malaman na ‘yung isang tisoy na young actor na binigyan ng pagkakataon noon na makilala at mapalutang ang talento ng isang malaking network ay nagpatalo sa kaway ng bisyo.

Napakaganda na ng takbo ng kanyang karera, nagkakaroon na siya ng magagandang proyekto, pero mahina ang disiplina sa katawan ng batang aktor na ito. Nakumbinse siya ng kanyang mga katropang walang pangarap sa buhay na mapailalim sa isang bisyong siguradong wawasak sa kanyang kinabukasan.

Sabi ng aming source, “Maniniwala ka ba na nakikita na lang siya ngayon sa mismong lugar nila na pakalat-kalat? Kung saan-saan siya tumatambay, nakikikain na nga lang siya sa kahit saan.

“Sayang na sayang ang batang ‘yun! Ang dami-daming nangangarap na makilala, parang tren nga ang haba ng pila sa mga audition sa iba’t ibang channel, pero sinayang lang niya ang chance na ibinigay ng isang station sa kanya.

“Meron na siyang mga teleserye noon, kasunod na siya ng bida sa mga roles na ibinibigay sa kanya, pero ano ang ginawa niya? In the middle of the series, binigyan niya ng problema ang production.

“Late na siyang dumarating sa set, ang palagi niyang dahilan, e, masyadong ma-traffic daw, saka mahirap kumuha ng taxi dahil wala nga siyang sariling sasakyan!

“Nu’ng puro ganu’n pa rin ang ginagawa niya, e, nainis na sa kanya ang staff, pinaigsi ang role niya, itinapon na lang siya sa malayong probinsiya sa istorya.

“Sayang na sayang ang batang ‘yun, ang galing-galing pa naman niyang umarte, mababaw ang luha niya, bukod pa sa guwapo siya,” kuwento ng aming impormante.

Sayang na bata. Sayang na pagkakataon. Sayang na tiwala ng network na hindi niya pinahalagahan. Sayang na sayang ang batang aktor na ito na walang pagbibigay-importansiya sa kanyang sarili at sa kanyang kinabukasan.

D’yan ka magaling, d’yan ka mahilig, kaya d’yan ka rin babagsak. Nandiyan po sa linyang ‘yan ang clue kung sino ang nakapanghihinayang na guwapo at magaling na tisoy na batang aktor na ito.


Bandera


HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment