Saturday, November 13, 2010

CADDIE SA GOLF CLUB PINAG-MU-MURA NI TV PERSONALITY

Nakakapanlumo ang isang chika na nakarating sa amin sa pamamagitan ng isang kaibigan mula pa noong kolehiyo na ngayon ay nagtatrabaho sa isang
golf club. 

Paano kasi, halos hindi rin siya makapaniwala sa inasal ng isang nirerespeto at kilalang-kilaang personalidad na bahagi ng showbiz, negosyo,
sports at pulitika.

Ayon sa chika, hindi lang grabeng pagmumura ang ginawa nito sa isang caddie na wala naman diumanong maling ginagawa. "Baka off night o may
bad hair day kaya malas sa paglalaro ng golf," ang tila may malasakit pang unang kuwento ng aming impormante.

Pero nang makita raw niyang halos duraan, dinuro at halos hambalusin ni sikat na personalidad ng hawak nitong golf club ang naturang caddie,
"Doon na talaga ako naniwalang may kasamaan talaga siya ng ugali," hirit ng aming impormante.

Kasi raw noong nagmumura ito ay may mga salitang hindi mo aakalaing kaya niyang sabihin, inisip na lang daw ng aming source na marahil ay
expression lang niya ito kapag na-pe-pressure sa golf. Pero nang lumaon ay lumabas na ang tunay na kulay ng sikat na personalidad kung saan
ang caddie nga ang nabiktima nito.

Nagulat man kami sa chikang nabanggit dahil ang projection nga ng taong aming tinutukoy ay isa siyang mabait at matulungin at very sporty na 
idolo, subalit parang rapido raw ang bunganga nito kung makapagmura.

Wa na clue dahil may mga inisyal na kaming nasabi na maikukunek sa pangalan niyang halos noon ay araw-araw na naibabalita. 'Yun na!

ni Ambet Nabus, Bandera


HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment