Saturday, November 13, 2010

BYUTING AKTRES, SUPER BAHO NG HININGA, KA-EKSENANG AKTOR 'DI TULOY MAKAPAG-EMOTE NANG TAMA AT TODO LAYO NG MUKHA! (Kahit siguro si Cookie Monster 'di makaka-tiis...)

Kailangan na siguro talagang makipag-kita ng isang pamosong aktres sa isang espesyalista para hindi siya nagiging bida sa mga kuwentong showbiz,
dapat na siyang kumilos agad, para hindi siya pinag-pi-pistahan at para magkaroon na rin siya ng katahimikan ng kalooban.

Hindi maganda ang hanging ibinu-buga ng bibig ng naturang aktres, nakaka-hilo 'yun sa kabahuan, tuloy ay palagi siyang ini-ha-hambing sa isang
stand up comedian na bukbukin ang mukha na hayup din sa kabahuan ang amoy ng hininga.

Sabi ng isang source, "Ano nga kaya ang mangyayari kapag nag-kasama sa isang air conditioned car ang dalawang 'yun? Ma-baho na ang hininga ni
(pangalan ng La Ocean Deep na stand up comedian), eh super baho rin ang hininga ni (pangalan ng pamosong aktres na ma-ganda pa naman)?

"Nagkaka-amuyan kaya sila ng hininga? Mag-sabihan kaya sila na meron bad breath ang isa sa kanila, kapag ganu'n na pareho namang ma-ba-baho ang
hininga nila?" tanong ng aming impormante.

Ang eksena ay ma-drama, kailangang umiyak nang umiyak ng aktres, habang nasa harapan niya ang isang ma-galing na aktor na amoy ma-linis na ay
ma-bango rin ang hininga.

Unang pag-sa-sama nila 'yun, noon lang sila nagka-trabaho, kaya wala pang ka-alam-alam ang aktor tungkol sa pinagpipistahang bad breath ng
ma-ganda pa namang aktres.

"Nag-rehearse sila ng mga lines nila, nag-batuhan sila nang nag-batuhan, okey pa si (pangalan ng guwapong aktor) dahil ma-layo naman ang distance
nila sa rehearsal ng mga lines nila sa eksena.

"Heto na. Take na. Nag-monologue ang girl, talagang halos dikit na dikit na ang mga mukha nila, na-pansin ng direktor na parang nag-ba-bago
ang facial expression ng aktor.

"Instead na ma-dala siya sa eksena, eh, na-pansin ni direk na parang umi-iwas siya, parang ini-la-layo niya ang mukha niya sa nag-u-umiyak na
ngang ka-eksena niya.

"Sumigaw ng cut si direk, hindi pasado sa kanya ang eksena, nawawala raw sa eksena ang lalaki, isa pa uling take pero ganu'n pa rin ang 
kinalabasan ng eksena, hindi na naman na-gustuhan ni direk 'yun. Kinausap na ni direk si (ang guwapong aktor), 'Ano ba ang nangyayari sa iyo,
madalas na kitang nai-di-direk pero bakit parang iba ang acting mo ngayon?' Ganu'n ang panunumbat ni direk sa artista niya.

"Sumagot ang aktor, 'Direk, pasensiya na po, hindi ko lang talaga kina-kaya ang amoy na na-la-langhap ko. Ma-baho po kasi, bad breath talaga si
(ang magandang aktres).'

"Na-loka si direk, ginamot niya ang eksena, kunwari na lang, eh, nag-di-diskusyon ang dalawa pero magka-layo na sila. Guma-galaw na sila, hindi
basta magka-harap lang, noon lang na-tapos ang eksena," napapa-iling na kuwento ng aming source.

May mga nagsasabing dahil daw sa sobrang pag-da-diet ng aktres ay na-apektuhan na ang kanyang bituka, meron namang nag-pi-pilit na noon pa man daw
ay may bad breath na siya, kaya lang ay na-ga-gamot niya 'yun sa ma-dalas na pag-spray ng kung anu-ano sa kanyang bibig.

Huling hirit pa ng aming source, "Sayang, ang ganda-ganda pa naman niya, pero majoho naman ang hininga niya. Ayaw na ayaw ni Cookie Monster
ng ganu'n!"

Anak-anakang Carlo Castillo na nag-bitiw na sa DZMM, huwag mong sabihing ma-u-upo ka pa ngayon sa Row 4 na ka-tabi ang mabahong basurahan, gusto
mo bang i-Face-To-Face ang kasong 'yan?


ni Cristy Fermin, Bulgar


HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment