Monday, November 22, 2010

E-LIVE

Entertainment Live
Blind Items
Nov. 20, 2010


1. Record BookYoung actor na nabuking ng non-showbiz girlfriend na may booking out of town.

Ang alam ng non-showbiz girlfriend ay may town fiesta or event na pupuntahan ngunit booking pala ang dinayo nila ng boyfriend na actor. Matagal ng split ang dalawang ito.

Clues:Ang pangalan ni young actor ay parang banal.
Dating may ka love team ngayon wala na.
Ang initials na may dalawang letra na pampagulo ay ABPJ.


2. BulaloKomedyana, hindi napigilan ang call of nature sa gitna ng trafficKagagaling sa isang concert sa Roxas blvd at patungo sa birthday ng isang executive sa ABS CBN nang abutan ng call of nature sa daan ang komedyana. Nang hindi na mapigilan, bumili ng supot sa isang convenience store at nag jingle bells sa loob ng kanyang van.

Napagkamalang pasalubong na bulalo ng kanyang nanay paguwi niya sa bahay.

Clues:Kapag nahulaan, win kayo, pero kapag buong Pilipinas ang nakahula, win na win kayo
Ang initials ay BKP 

3. CellphoneSinger-actress, super type ang hunk actor na partner niya sa serye
Sa sobrang pagka type ni singer-actress kay hunk actor na partner niya sa serye, tinawagan ng kampo ng babae ang manager ng lalaki para i-set up silang dalawa at ma-tsismis na type siya ni hunk actor. Tumanggi ang manager ni hunk actor at sinabing bunsong kapatid lang ang tingin sa singer-actress.

Clue:
Ang pangalan ay may pagkakapareho

No comments:

Post a Comment