Monday, November 22, 2010

November 22, 2010 PM

GUWAPONG YOUNG ACTOR, MA-TUNOG NA BADING DAHIL PURO BISEXUAL ANG LAGING KASAMA
(Sana maka-survive na...sino?)
ni Roldan Castro, Bulgar


Bulung-bulungan kung bakti puro bi raw ang barkada ng isang guwapong young actor. Pinag-chi-chismisan na siya 'pag tuma-tambay sa gimikan
sa lugar nila na mga bi ang kasama. Pinag-du-dudahan tuloy kung ano ang gender niya.

Pang-leading man material pa naman ang young actor at mukhang siya ang si-sikat sa mga batch niya sa artista search kaya mag-ingat siya sa mga
galaw niya at mga taong na-ka-kasama niya.

Na-pa-pansin na 'yun ngayon kahit sa pakikipag-umpukan niya sa mga bi ay na-la-lagyan ng kulay, huh?!

Sana, maka-survive siya sa chism na 'yan at hindi mag-tuluy-tuloy!



MA-GALING NA AKTRES, CAUSE OF DELAY SA SHOOTING DAHIL KINA-KAUSAP PA ANG MGA IMAGINARY FRIENDS BAGO MAG-TRABAHO
(Naka-chin up kaya 'pag nag-o-orasyon?)
ni Roldan Castro, Bulgar


Nahirapan palang mag-adjust ang isang indie director nang maka-trabaho niya ang isang ma-galing na aktres. Dala-dala kasi ng aktres ang pagiging
kontrabida niya sa isang serye na na-tapos na sa ere nu'ng nag-la-lagare siya sa shooting. Kailangan kasi, ma-hinhin ang gina-gampanan niya sa
movie, kaya dapat, mawala 'yung maldita character niya.

Na-wi-windang ang director at mga staff dahil super wait sila sa aktres. May orasyon pa raw kasi ito at kailangang kausapin niya muna ang
kanyang imaginary friends bago mag-shoot. Ang aktres na ito ay napapa-balitang kina-kausap ang mga halaman, puno, paru-paro at kisame.

Alam mo na?!



SEKSING FLAWLESS NA KOMEDYANA, STRAIGHT NA RAW ANG HAIR DAHIL BREAK NA SILA NG NAG-KU-KULOT NA BF-SINGER
(This is the moment na umamin siya...)
ni Cristy Fermin, Bulgar


Tumawag sa amin ang isang kaibigang nanood ng show ng isang pamosong komedyana sa ibang bansa. Napaka-sexy daw ng komedyana, napaka-kinis pa,
kaya lang ay pa-ulit-ulit na lang ang pa-kuwela niya sa entablado.

"'Yun din kasi ang ginawa niya sa isang show na napanood namin noon, walang pag-ba-bago, palaging ganu'n lang. Ang na-dagdag lang, eh, isa.
Sabi niya, 'Kita niyo, straight ang hair ko ngayon, hindi tulad noon na kulot, 'di ba? Eh kasi naman, wala na ang taong nangungulot-ngulot
ng hair ko noon!'

"Ay, 'di ba, ang naging boyfriend niya, eh si (pangalan ng isang magaling na singer)? Totoo bang bading 'yun?" tanong tuloy ng aming kaibigan.

Aray ko!



NETWORK AT MANAGER NG ACTOR, 'DI MAGKATUGMA ANG PRALALA
ni Dinno Erece, Bulgar

Iba ang sina-sabi ng isang network, iba rin ang sina-sabi ng manager at actor sa kabila. Hindi ma-ayos na kausap ang manager ni young actor. A
discovery from a reality show, may balita nang sakit sa ulo ang actor and so was the manager.

Hindi nga ba't in so many years of the contest, ang young actor lang ang ka-isa-isang boy na umiyak onstage nang na-tanggal ito at hindi na rin
nagpa-interview sa mga press that time?

In fairness sa bagets, may future talaga siya at akala nga namin, he will figure in the top spot, pero hindi, so he should charge it to
experience na lang sana. Pero nag-ma-madali yata itong sumikat.

Signed up for five years sa original network niya, nag-audition ang actor sa isang bagong sow sa kalabang network. Nang nalaman ito ng
network, ipina-alala nila sa manager na may kontrata pa ang bagets. Ang sagot nito, hindi naman daw totoo ang chismis.

Now, lumabas na ang poster ng show at nandoon si young actor. Ang explanation ng manager, hindi naman valid ang kontrata dahil ang actor lang
ang pumirma at underage ito, so which is which ba?

PERO nang PERO ang mnager, ngayon, iba na ang isina-SHOUTOUT niya



BAGONG KASAL NA CELEBS, 'DI MATAPUS-TAPOS ANG SHOOTING NG MOVIE DAHIL HAPON NA KUNG GUMISING!
('Tol, sobra na 'yan...)
ni Ador Saluta, Bulgar

Dapat daw ay Hanggang Kailan ang titulo ng pelikulang gina-gawa sa ibang bansa ng isang kontrobersiyal na couple dahil sa bilang na bilang ang
araw ng kanilang trabaho.

Reklamo ng aming source, "Paano ba naman ma-ta-tapos sa takdang playdate ang movie, eh, kung mag-shoot sila ay once in a blue moon at kung
su-suwertehin pa ay three times a week lang?"

Pahirapan daw kasi kung gumising ang bagong kasal na celebs, "Laging after lunch, laging hapon kung magpa-gising. Eh ano pang araw ang
ma-ku-kunan kung day effect ang i-su-shoot na eksena? Hindi naman puwedeng dayain ang sikat ng araw! Ano 'yun, puro gabi na lang ba ang setting?"
buntong-hininga pa nito.

Bigay na bigay na kung sino ang couple na ito na lumikha ng ingay noong mag-decide silang mag-pakasal sa bayan ng mga nagpapa-5-6



BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong multi-talented male personality na hindi lang kilala sa kanyang talent kundi maging sa kanyang natatagong lihim ay nasisiwalat na rin?!

Ang chikka kasi ng aking parazzi girl, nakasama niya itong si male actor sa isang shooting at amoy na amoy niya ang hindi magandang amoy ni actor. As in sa kabila ng kanyang kaguwapuhan, nagtatago ang masangsang niyang amoy. Yuck! Turn off!

Ngunit hindi lang iyan, dahil habang tumatagal ay lumalala ang situwasyon ni aktor dahil hindi lang sa katawan, maging bibig niya ay hindi na rin kaakit-akit ang amoy! Shocks! May BO na, bad breath pa. Tsk tsk tsk!

Kilala n’yo na ba siya? MULTI-TALENTED ACTOR. Gets?!



AKTOR NA HIWALAY SA DYOWA, BINABAKURAN NG CONTROVERSIAL FEMALE TV PERSONALITY NA HIWALAY SA ASAWA! 
November 22, 2010
Pinoy Parazzi

BLIND ITEM: ISANG taklesang driver ang walang kagatul-gatol na ikinukuwento ang lakad at milagrong pinaggagawa ng kanyang among aktor na hiwalay sa dyowa at sa controversial female TV personality na hiwalay sa kanyang asawa.

Tsika raw ng nasabing driver, halos araw- araw ay magkasama ang kanyang among aktor at ang nali-link ditong sikat na sikat na female TV personality. Halos hindi nga raw mapaghihiwalay ang mga ito sa ngayon na halos buong araw at gabi ay laging magkasama.

At kahit nga raw lakad na ng kanyang among aktor, nakabuntot pa rin ang controversial female TV personality. Mukha nga raw in love na in love ang nasabing babae sa kanyang guwapito at machong among aktor. Kaya naman daw kung todo-bantay ito at walang pakialam sa mga taong nakakakita sa kanila. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla



FLAWLESS SEXY ACTRESS, PURO BADING ANG NAGING JOWA! 
November 22, 2010
Pinoy Parazzi


BLIND ITEM: SUPER emote ang flawless sexy actress na ito habang nakikipag-usap sa kanyang comedian friend actress. Ang topic? Mga naging jowa niya.

Bakit daw hanggang ngayon wala pa raw siyang seryosong relasyon, samantalang dati raw ang daming guys from showbiz at politics ang nanligaw at nambobola raw sa kanya?

Siyempre, sumagot ang friend niyang actress/comedian ng “Loka! Bakit kasi puro bading ang naging jowa mo?”

Gulat-gulatan naman ang reaksiyon ni flawless sexy actress. “Naku, mga malilinis lang sila sa katawan.”

Hagikgik to the max naman si comedian/actress sabay namesung sa mga naging boyfriend ni flawless sexy actress. Ang ending, parang nauntog si flawless sexy actress, sabay bigkas ng “Kaya pala panay touch sa akin, gusto pala nilang maging flawless na tulad ko!”

Ay, naku! Dami na namang magtatanong kung sino ito. Yes! Billboard model ng sabon diyan sa cubao ‘yung isa, at ‘yung isa naman, model ng kapsula at may billboard sa mga MRT stations. ‘Yun na!



MAHULAAN N’YO KAYA ITONG MASHUNDANG AKTRES NA HANGGANG NGAYON AY MAHILIG PA RING MANG-AGAW-EKSENA 
Pinoy Parazzi

MAHULAAN N’YO KAYA itong mashundang aktres na hanggang ngayon ay mahilig pa ring mang-agaw-eksena dahil sa kabila ng kahirapan niya sa buhay na maging kuryente at tubig ay putol na ay nagawa pa rin niyang magbayad ng lalaki?!

Tamah! ‘Yung natitira niya yatang pera ay nagbayad pa siya ng bagets worth P1,500.00 para maging escort sa isang award-giving body na chaka naman! Sayang lang ang pinambayad kung inipon na lang niya sana iyon ay maaaring sa tamang panahon ay magkakuryente at tubig na siyang muli nang mawala na ang kanyang asim!! Ha-ha-ha!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz, weekdays, from 11:30 AM to 12:NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!



MALDITANG YOUNG ACTRESSES
ni Cristy Fermin, Bulgar

Kapag nag-ka-kasama-sama ang mga make-up artists-stylists ng mg artista ay asahan mo nang sangkatutak na kuwento ng kaartehan ng mga kilalang
personalidad ang malalaman mo. May kani-kanyang anekdota sila tungkol sa mga artista, minsan ay nakaka-tawa, pero kadalasan ay nakaka-inis at
naka-bi-bigla. Sila kasi ang tunay na nakaka-alam ng mga kalokahan ng mga hina-hangaang personalidad ng publiko.

Unang uwento, tawagin na lang natin siya sa taguring Young Star A. Nag-bida agad ang magandang batang aktres na ito sa isang seryeng tinutukan
talaga ng publiko.

"Ay, ibang klase si (pangalan ng young actress na baguhan lang pero na-kilala agad, dahil parehong artista ang kanyang mga magulang), maldita
ang batang 'yun! Na-tapos na ang pag-me-make up mo sa kanya, areglado na, buhok na niya ang gina-gawa mo. Maya-maya, ku-kuha siya ng cream,
ssabihin niya, 'Ayoko ang make-up ko!' Ganu'n lang ka-simple, pinaghirapan mo ang pag-me-make up sa kanya, tapos, bu-burahin niya nang pa
ganu'n lang?

"Kapag ayaw niya naman ang ayos ng buhok niya, bigla niyang a-agawin ang brush, 'Ganito ang gusto ko, dito ang hati ko, hindi diyan!' Gan'un
ka-maldita ang batang 'yun! Ang sarap-sarap niyang buhusan ng agua oxegenada, sa totoo lang! Ang sarap niyang i-tulak sa swimming pool!"
simulang kuwento ng aming impormante.

Ikalawang kuwento. Tawagin natin siyang Young Star B. Palaging lumu-lutang ang kuwento tungkol sa kanyang pag-ma-maldita, ang kaartehan niya
sa set ng mga teleseryeng gina-gawa niya, lumaki agad ang ulo ng dalagang ito.

"Ay, iba naman ang isang 'yun, wala pa naman siyang gaanong na-pa-patunayan kundi ang mga teleseryeng pinagbidahan niya, pero nag-maldita na
agad siya. Maarte 'yun, ayaw niyang kumain sa set ng galing sa catering, talagang nag-pa-pabili siya ng food niya. 'Yung ibang artista nga, eh,
sarap na sarap sa kaka-kain ng food ng catering, pero siya, ayaw niya talaga.

"Nag-da-dala si (ang malditang young star) ng sarili niyang make-up kit, hindi siya guma-gamit ng brush at mga kagamitan ng make-up artist ng
production, ayaw na ayaw niya ng ganu'n. Meron kasing mga artistang may sariling kit, pero puwede mo silang i-retouch ng gamit ng production,
'yun ang hindi mo ma-ga-gawa sa maarteng batang aktres na 'yun! Ayaw niya talaga, ang dami-dami na raw kasing pinaggagamitan ng brush, kaya baka
mahawa pa siya ng skin disease!

"Tama naman siya ru'n, pero huwag na sana siyang nag-sa-salita pa, ibigay niya na lang sa make-up artists ang mga gamit niya, mag-bilin na lang
siyang huwag ga-gamit ng iba para sa kanya, hindi 'yung kung anu-ano pa ang sina-sabi niya!" kuwento ng aming source.

Si Young Star C naman ay ma-bait sa make-up artist, ang problema lang ay wala siyang mga kagamitan, ini-a-asa na lang niya sa nag-me-make up
ang mga kailangan niya.

"Lipstick lang ang dala-dala niya, 'yun lang, ang production na ang bahala sa lahat ng mga kailangan niya. As in, ayaw niyang gumastos, ini-a-asa
lang talaga niya sa make-up artists ng production ang pagpapaganda sa kanya," kuwento pa rin ng aming impormante.

Heto na ang mga clues ng aming source sa kanyang huling hirit, " Si Young Star A, masarap siyang paliguan ng agua oxehenada, 'di ba? Si Young
Star B naman, rich na rich siya sa kamalditahan, samantalang si Young Star C naman, may ka-pangalan siyang sabon at galing siya sa pamilya ng
mga artista."

Anak-anakang Konsehal Marlon Alejandrino ng Valenzuela, ma-u-upo ka pa kaya ngayon sa Row 4 na ka-tabi ang mabahong basurahan, maka-tumbok ka
kaya ng kahit isa lang sa tatlong hitad na young stars na bida sa mga kuwentong na-basa mo?

1 comment:

  1. I think ung star B c erich gonzales po... peace po sa lahat ng fans nya in my opinion lng nmn po...

    ReplyDelete