Sunday, December 12, 2010

December 12, 2010

FEMALE STAR TAKOT NA TAKOT KAY SIKAT NA AKTOR
ni Ervin Santiago, Bandera


Takot na takot daw itong si female star. No, hindi siya minu-multo o ina-asawng. May fear factor lang daw ang magandang aktres dahil sa 
pagkaka-link niya sa isang sikat at super guawpong aktor.

Sey ng ating source, hindi raw kasi nagugustuhan ni female celebrity ang pagkakaroon nila ng "special conection" ni kilalang aktor, bukod daw
kasi sa ayaw niya ng mga negang intriga, na-ta-takot din daw siya sa posibleng gawin ng misis ni male star sa kanya kung mag-pa-patuloy ang 
pag-kalat ng mga chismis tungkol sa kanila.

May chika kasi kaming narinig na minsan na raw pina-sundo ni aktor si female star sa bahay nito, ang akala raw ng girl ay driver lang ang
su-sundo sa kanya, pero na-shock daw siya na pati ang aktor at mga bodyguard nito ay kasama rin.

Hiyang-hiya man daw si aktres ay sumakay na rin siya sa kotse ni aktor. Sey ng ating source, "Wala namang nangyari sa kanila. Basta sinundo
lang siya dahil nga may shooting sila that time. Siguro, nagpapaka-gentleman lang si (name ni aktor) pero malay natin kung ano talaga ang
balak niya du'n sa girl, 'di ba?"

Sey pa ng ating source, "Buti na lang hindi pokpok si (name ng aktres) dahil kung cheap 'yun, pumatol na 'yun. Ang masama lang diyan, baka
ma-challenge 'yung lalaki sa kanya at hindi siya tigilan, 'di ba? Patay kang bata ka! Baka 'yun ang ikina-ta-takot nu'ng girl, baka one day 
ay sugurin na lang siya ng misis ni aktor! Hahaha!"

Kailangan pa ba ng clue? I know, alam niyo na kung sino sila. 'Wag nga kayong mag-maang-maangan. Hahaha!




SEXY STAR PINI-PILAHAN NG MGA MA-YA-YAMAN
(Ma-tapos kalasan ng milyonaryong may-ari ng maraming condominiums...)
ni Ernie Pecho, PM

Kilala ang isang sexy star sa kanyang mga relasyon sa mga very rich at powerful. Sanay siya sa real-life role na backstreet woman o betsa
by golly wow (read: kabit).

Maganda na sana ang takbo ng affair niya sa isang may-ari ng mga condominiums. Noong una ay nai-ta-tago pa ang lihim na relasyon. Na-gulat na
lang ang millionaire-builder na nasa blind items na siya bilang bagong sugar daddy ni Miss Sexy.

Higit siyang nag-panic nang hilingin sa kanya ng voluptuous star na siya ang kuning image model sa mga condominiums na ibine-benta sa publiko.
Siyempre, higit na ma-bu-bulgar ang affair nila kapag ang artista ang lumabas sa mga anunsiyo ng kanyang condo buildings.

Napilitan tuloy ang negosyante na kumalas bigla sa kanyang betsa by golly wow! Na-iwan na lamang nag-i-isa ang artista. Ewan ko ba kung bakit
madali naman maka-kita ng bagong mag-ma-mahal si sexy.

Mukhang maraming ma-ya-yaman ang naka-pila at nag-ha-hangad na ma-tikman siya!





Female Dancer Binastos, Ipinahiya Ni Willie!
(Sey daw ng mga nakapanood sa Willing Willie...)
ni Jobert Sucaldito, Bandera


DON'T watch Willie Revillame's show actually, honest to God! You know naman why, di ba? Alangan namang magpakaplastik pa ako sa inyo – natural na hindi ko panonoorin ang show niya – para ano? Ha-hahaha!

Anyway, a friend of mine from the States sent me an e-mail tungkol sa napanood niyang episode kung saan may nag-birthday daw na isang female dancer si Willie.

"Kapamilya talaga ako, palagi lang akong nakatutok sa mga shows ng Dos kaya lang, hindi ko type ang Noah kaya lumipat ako sa TV5. Kapal talaga ng mukha ng Willie na iyan. Nag-birthday yung isang dancer niya. Imagine, sinalpak niya ang cake sa mukha ng babae. Kahit sabihin pang biro iyon, hindi magandang tingnan, di ba?

"How ungentleman of him! Wala talaga siyang modo, akala niya magandang tingnan at nakakatawa yung ginawa niya? Ang bastos!" ayon sa kanyang e-mail.

Kahit hindi ko napanood ang episode na iyon, I feel na in bad taste nga naman kung totoong ginawa ‘yan ni Willie. Kawawa naman ang girl para salpakan mo ng cake sa mukha.

Hindi na lang sana siya nag-birthday sa show para hindi siya nabastos nang ganoon. Para kay Willie siguro cute ang ginawa niya, pero sa ibang tao, hindi maganda ang ganu'ng biro.

Kasi nga, napakarami niyang nabobolang matatanda at kiyemeng sumusuporta sa kanya kaya akala niya, sikat na sikat pa rin siya. Ewan ko ba sa mga matatandang ito, naniniwalang si Willie ang magbabago ng buhay nila. Hindi nila alam na gamit na gamit sila sa show. Pinaniniwala sila ni Willie na siya ang emissary ng langit para tumulong sa kanila gayong hindi naman talaga. Kaloka!

May nag-e-mail naman sa akin na tatlong girls na galit na galit naman kay Willie dahil sa pakikipag-break daw nito kay Nadine, ito yung girlfriend niya noon na estudyante, remember?

"May naka-post pang photo nila ni Nadine na magkasama pa sa trade launch ng TV5 noong October at sweet pa sila. Ngayong pumasok na sa eksena itong si Shalani Soledad ay bigla niyang hiniwalayan si Nadine. Anong klaseng lalaki 'yan? Pinaglalaruan lang ba niya ang mga babae?" anang galit na galit na e-mail sender namin.

Feeling ko, kaibigan nu'ng Nadine ang mga babaeng nag-e-mail as amin, pero hindi na lang ako nag-react sa akusasyon nila dahil wala pa akong nakukuhang ibang detalye about it. Pero isa lang ang masasabi ko rito, totoong marami pa rin ang imbiyerna kay Willie.

"Nakakaloka ang kuwento tungkol sa dancer niyang si Aiko. Nang may makaaway itong isa pang dancer sa show nila, biglang tinanggal si Aiko sa show at binawi ang mga ibinigay niya du'n sa tao. Bakit? May relasyon ba sila? Kasi parang nagselos yata itong Aiko sa isang dancer ni Willie?" ang isang post naman na nabasa ko sa aking Facebook account.

I wouldn't know pa rin kung ano ang totoo tungkol diyan. I am not privy to Willie's affairs. I don't really care a bit. Hindi na naman bago sa pandinig natin ang kapilyuhan ni Willie sa girls, di ba? Ilang sexual harassment cases na ba ang isinampa laban sa kanya? Kaya kebs naman natin diyan.

Hay naku, napakaraming kuwentong hindi maganda about Willie Revillame. Yung maraming press releases na pinalalabas nila about him na kesyo mabuti ang puso niya, na mabait siyang kaibigan, na matino siyang tao, etcetera, etcetera ay hindi ko talaga mapaniwalaan. Sa mga mata pa lang ni Willie ay basang-basa ko na ang nasa loob niya. My gosh naman!





SHOWBIZ COUPLE, I-DE-DEMANDA NG MGA ADVERTISERS!
(Kapag na-buking na hindi sila OK...)
ni Ervin Santiago, Bandera


Totoo nga kaya ang mga na-ba-balitaan naming mga chika about this showbiz couple na pilit itina-tago ang kanilang marital problems para protektahan
lang ang kanilang multi-million endorsements?

Ayon kasi sa isa nating source, true raw ang mga bulung-bulungan na hindi ma-ganda ang relasyon ngayon ng dalawang celebrities na ito. Duma-daan
daw kasi sila sa isang maselang sitwasyon kung saan may third party involved.

"May affair daw kasi si (name ni female celebrity) sa isang mayamang businessman, pero hindi niya ito ina-amin kay (name ni male celebrity).
Kahit na may mga nag-pa-patunay na totoong may ka-relasyon siyang iba bukod sa partner niya," unang chika ng aming spy.

May naka-kita raw kasi kay female celebrity sa isang secluded place sa isang probinsiya kasama ang mayamang negosyanteng sinasabing kalaguyo nito.
Isa ring kilalang personalidad ang tinu-tukoy na businessman sa kuwento kaya nag-ta-taka ang aming source kung bakit napaka-lakas ng loob ng
dalawang ito na mag-pakita sa mga tao gayung may kanya-kanya na rin silang buhay?

"'Yun nga ang point, hindi naman daw kasi basta friends lang ang makikita mo sa mga kilos nila, there's something deeper pa raw sa sinasabi
nilang friendship. Hindi mo i-isiping basta mag-kaibigan lang sila dahil parang kini-kiliti raw ang girl kung maka-tawa habang mag-kasama raw sila,"
dagdag pa ng ating kausap.

Actually, hindi ito unang pagkakataon na ma-chismis na may ibang lalaking kina-kalantari si female star, pero hindi kami maka-paniwala na pa-patulan
ni aktres ang sinasabing negosyante dahil na-kilala nga ang personalidad na ito sa mga hindi kagandahang issue noon sa gobyerno.

Ang chika pa rito, pigil na pigil lang ang partner ni female star dahil hindi nga ito makapag-react nang bonggang-bongga dahil baka ma-demanda
sila ng ilang advertisers sa TV. Na-batid kasi namin na hindi sila maaaring ma-involve sa isang iskandalo habang sila ang endorsers ng mga
nasabing produkto.

Wala na munang clue dahil medyo sensitive ang issue, basta regular silang na-pa-panood sa TV at mga commercials. Hahaha! Ma-hirap ba?





MA-GALING NA AKTRES, LAGING KASAMA ANG DATING MATINEE IDOL SA GAY BAR
ni Roldan Castro, Bulgar

Napa-dalaw kami sa White Bird sa Roxas Boulevard, Paranaque kung saan ipinasyal namin ang amiga namin from Davao na si HP kasama ang kaibigang
si Danny Batuigas. Napag-usapan na na-talbugan sila ng isang ma-galing na aktres at isang aktor dahil nag-punta sa ka-laban nilang gay bar.

"Dito talaga sila unang nag-pu-punta. Ma-tagal na silang nag-pu-punta rito dahil kaibigan nila ang isa sa mga owners ng White Bird. Hindi naman
ako naniniwala na nakikipag-agawan si (name ng aktres na na-ka-kaladkad ang pangalan sa gay bar) ng i-te-table. Na-no-nood lang 'yan, behave lang.
Ang daming guwapo rito sa White Bird pero never siyang nag-table," sey ng isang insider sa White Bird.

Ang ikina-wi-windang namin at itina-tanong ay kung bakit laging kasama ng ma-galing na aktres 'yung dating matinee idol na may edad na ngayon sa
ganong klaseng lugar>? Kasama rin daw nila ang isang gay director. Na-no-nood lang kaya sila at may indie movie na ga-gawin tungkol sa gay bar?

Pero ang na-loka kaming kuwento sa White Bird ay may nag-punta rin dati na dalawang beteranang aktres. Kasagsagan 'yan na na-li-link ang award
winning actress sa isang macho dancer.

Nag-table daw sila roon pero cheke ang ibinayad. Ang nakaka-loka, tumalbog ang cheke! Hindi na raw pina-laki ng owner ang isyung 'yun dahil
kaibigan niya ang mga ito. Hindi kaya makita ulit sa December 18 ang aktres, dating matinee idol at dalawang veteran actresses dahil grand
finals ng Mr. White Bird 2010?

'Yun na!





Senador Pang-Kampanya Ang Christmas Gifts
(Boyet Jadulco)


Kahit pitong buwan nang tapos ang halalan sa bansa, mistula pa ring nangangampanya ang isang miyembro ng Upper House.

Paano ba naman, imbes na pagbati ng Merry Christmas ang atupagin ng senador sa kanyang mga kaibigan at kakilala, aba’y pagbubuhat ng bangko ang ginagawa ng mokong.

Sa impormasyong nakuha ng TONITE, namahagi raw ng mug ang senador na ito sa kanyang mga kakilala at kaibigan kung saan nakatatak ang kanyang mukha.

Ang classic pa nito, ipinagyabang pa nito ang isang Republic Act, ang nag-iisang batas na naipalusot nito sa ilan taon niyang paninilbihan sa Senado, nang itatak niya ito sa kabilang bahagi ng mug.

Halos maloka raw ang mga nabigyan ng mug, aba’y ito na kasi ang regalo ng senador sa kanila ngayong Kapaskuhan.

Wala naman daw Christmas message na nakatatak sa mug, napapaghalata tuloy na ito ang latak ng mga ipinamahagi ng senador sa mga botante noong siya ay tumakbo nitong May elections.

Buti sana kung ginto ang mug at baka tanggapin pa sa sanglaan na iniindorso ni Ogie pero tatlo isangdaan lang ito sa Divisoria o kahit na saang branch ng Uniwide.

Malamang, pang-kolek*syon ang mug na ito, siguro ay gawa sa lahar na hindi maubos-ubos sa lalawigan ng Pampanga at Sorsogon.

Clue: Ang senador na namigay ng mug sa panahon ng Kapaskuhan ay yumaman sa negosyo ng buhangin. May letrang L sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Lunok ng Lunok lang ito ng laway tuwing may sesyon ang Senado. 

No comments:

Post a Comment