Tuesday, December 14, 2010

TUESDAY DECEMBER 14 2010

Aktres, mahilig manlait kahit maputik ang sarili
Written by Ed de Leon
Tuesday, 14 December 2010 00:05
HATAW!


NATATAWA na lang ang isang aktres sa tuwing mapag-uusapan ang mga kahibangan ng kanyang dating sister in law na artista rin naman. Kung ano-ano nga raw kasi ang pinagsasabi niyon tungkol sa kanyang buhay, e sa totoo lang may sabit pa nga siya dahil kasal pa naman siya sa nauna niyang asawa. Kaya nga natatawa na lang ang kanyang dating sister in law. Akala mo nga naman kung sinong makaporma pero magulo rin naman ang buhay.




2 komedyante, naghahangad masulot ang titulo ni Ai Ai
Written by Timmy Basil
Tuesday, 14 December 2010 00:02
HATAW!

NAGKAROON ng Christmas Party for the movie press si Ai Ai delas Alas na ginanap sa City’s Best. Parang panata na rin siguro ni Ai Ai ang mag-share ng kanyang blessings tuwing Pasko sa mga movie reporter na nakatulong naman sa kanya in terms of publicity sa loob ng isang taon.

After all, siya pa rin naman ang Comedy Queen. May mga nag-aasam na masungkit ito mula sa kanya pero pawang bigo sila.

Actually, dalawa ang gustong masungkit ito sa kanya pero ‘yun na nga, bigo sila at hindi talaga makuha-kuha nila mula kay Ai Ai ang titulo.

Tamang-tama at akma ang titulo ng concert ni Ai Ai na Akin ang Tronong ‘To na siguro ay patama niya sa dalawang komedyana na nag-asam na makuha ito mula sa kanya.








Seksing young actor, bugaw ng mga batang aktor!


Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang isang sexy young actor na bading pala ang dating child actor na napapanood niya noon sa TV at pelikula. Na-confirm niyang bading ito nang minsang mai-take home siya nito mula sa isang kilalang bar sa Quezon City.


Kasama nga raw ni sexy young actor ang kanyang mga kaibigan nang magpunta sila sa naturang bar.


Since sanay na nga ang sexy young actor na kapag nalasing ay naiuuwi ng kahit sino. Pero hindi siya libre na naiuuwi dahil may presyo siya. Raket nga niya iyon since wala siyang masyadong trabaho ngayon sa TV.


Noong tumambay ito sa bar ay nilapitan siya ng isang lalake na hindi naman daw mukhang bading pero pamilyar ang mukha. Nag-offer ang lalake sa kanya ng presyo at kinagat naman ng sexy young actor. Since medyo lasing na siya, maaatim na niyang romansahin ang lalakeng ito dahil maganda ang presyo na bigay sa kanya.


Nang dalhin daw siya sa condo unit nito, nakita ng sexy young actor ang mga litrato na naka-display.


Kaya pala pamilyar ang bading ay dahil dating child actor ito. Naka-display pa nga ang isang trophy nito na katabi ng kanyang mga litrato noong bata pa siya.


Nang tawagin siya sa kuwarto ay agad niyang si*nimulan ang trabaho sa bading. Alam ni sexy young actor na madatung ang bading kaya gagalingan niya para may ekstrang bayad.


Hindi nga naman nabigo ang sexy young actor dahil natuwa ang bading sa kanyang performance at na-triple ang bayad sa kanya. Pero bago umalis ang sexy young actor ay tinanong ng former child star na ngayon ay bading kung mairerekomenda niya ang ilang mga young actors ngayon na pahada.


Kapag nagawa raw niya iyon, may komisyon siya.


Nag-name drop nga ang sexy young actor ng mga pahadang young actors ngayon at nangako siya na madadala niya ito sa bading na dating child actor. So ngayon, bukod sa pa-take home na ang sexy young actor, bugaw pa ito ngayon kaya sobra-sobra na ang niraraket niya kahit wala siyang regular na trabaho ngayon.


RUEL MENDOZA
TUESDAY, DECEMBER 14, 2010




KINSA Sila? Dati nang may maraming hindi kagandahang balita tungkol sa ugali ng young actress A na sumikat sa TV version ng isang sexy movie noon.
December 14 | Posted by admin | Blind Items | Pinoy Parazzi


KINSA Sila? Dati nang may maraming hindi kagandahang balita tungkol sa ugali ng young actress A na sumikat sa TV version ng isang sexy movie noon. Si young actress A ay produkto ng reality star search ng isang malaking istasyon kapareho ng bestfriend niyang si young actress B na nagmula rin sa isa pang reality search sa isang sikat na bahay.

Naging mabilis ang kanilang pagiging mag-bestfriend dahil pareho silang galing sa south. Palagi silang magkasama sa mga lakaran, sa gimikan at maging sa mga sikreto nilang dalawa ay alam ng bawat isa. Kuwento pa ng ate ni young actress B sa isang staff ng isang showbiz talkshow, sa kanila pa nagpa-Pasko noon si young actress A dahil nga malayo ito sa kanyang pamilya. Pero lately, naging maasim na raw itong si young actress A kay young actress B dahil mas magagandang proyekto ang naibigay kay young actress B kaysa sa kanya.

Marami rin ang nagtataka kung bakit marami umanong istorya ng kamalditahan sa staff at sa personal assistant itong si young actress A. Noong nagsisimula pa lang itong si young actress A, sweet ito sa mga staff ng mga showbiz talkshow kasi lagi itong bumebeso sa kanila. Pero ngayon, kapag nasalubong or nakatagpo sa mga events itong si young actress A, hindi na nito ginagawa ang pagbeso sa mga crew ng mga talkshows.

Sana hindi tuluyang malunod sa isang basong tubig itong si young actress A, dahil ang kanyang bestfriend noon na si young actress B ay hindi pinagbago ng kasikatan kaya tuloy nananatili ito sa rurok ng tagumpay!!!

(Arniel Serato)





Young actor sobrang sinungaling
Bandera
First Posted 07:30:00 12/14/2010


MAY nabasa kaming mga pahayag ng isang hunky actor tungkol sa rumor na pumapatol siya sa bading. Halos mabuwal kami sa aming kinauupuan dahil grabe rin palang magpalusot ang bagets na ito. Wala siyang inamin siyempre, lahat itinanggi niya.

Pinalabas niyang baka may bading lang daw na nag-iilusyon sa kanya. My gosh! Love ko pa naman ang bagets na ito pero nagtayuan ang mga balahibo ko sa pagdedenay niya. Sana ay hindi na lang siya nag-comment para hindi siya pinagtatawanan ngayon ng mga bakla.

Ang sabi ni bagets ay ni minsan daw ay hindi siya pumatol sa bading. Meron daw minsang nag-text sa kanya but was asking for a "date". Ang ginawa niya ay nagpalit daw siya agad ng number para hindi na siya kulitin nu'ng bading.

"I saw that guy with a gay beautician na nagsa-shopping. Pinamili siya ng bading and confirmed ko na may relasyon sila. Sinusundo pa nga siya minsan, e. And looks like, in love ang bading sa kanya. Balita ko, meron siyang tinatanggap na regular allowance from my gay friend," anang isang source namin. Nang marinig namin ang namesung ng bading ay naalala kong nakasama ko pa minsan sa New York ang gay beautician na ito. Mabait nga iyon at may ipon na talaga.

"Nang mabasa ko ang denials ni _____ (pangalan ni actor), natawa talaga ako. Ang galing-galing niyang mag-imbento ng kuwento. Ano naman ang masama kung nakikipag-date siya sa bading, aber? Pinakikinabangan naman niya, di ba? Hindi naman siya nagbabalahura. Kung ayaw niyang malaman ng fans niyang meron siyang gay benefactor o sumama na siya before sa mga bading, manahimik na lang siya.

"Deadmahin na lang niya ang issue or i-comedy na lang niya by saying na matagal na niyang naririnig ang tsismis na iyan. Pero hindi na niya kailangan pang magpaliwanag dahil hindi naman totoo. Ang haba-haba ng explanation niya, hindi naman totoo. Ano ba iyan?" litanya ng aming kausap.

Ayan kasi, hindi nag-iingat kaya nakakalkal tuloy ang past. Meron pang sinabing isyu ang source naming ito tungkol sa isang naudlot na affair ni bagets actor sa isang talent manager na bading na tinanggihan siya for some personal reasons. Alam n'yo, sakit na ng mga artista iyan eh, ang mag-deny kahit bukung-buko na.







Matinee idol kabit ng 2 mayamang bading
Bandera
First Posted 07:30:00 12/14/2010


Meron pang isang kuwentong gay story na sarap pagpistahan. Ha-hahaha! Hindi lang ito ordinaryong affair ng sikat na matinee idol sa isang mayaman niyang gay benefactor. Kakaiba rin ang drama ni bagets. Hiniwalayan na niya ang kanyang sikat ding girlfriend dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang gay lover.

Gandang story, 'di ba? Hindi ito fairytale, totoo ito. Ganito ang kuwento. Long time ago, ang kaibigan naming rich gay ay may steady boyfriend na isa ring actor na nanalo sa isang reality show ng isang malaking network. Pinag-aral ni rich gay ang noo'y bagets pang actor.

Kinunan niya ito ng condo unit sa Quezon City at talagang nagmahalan sila na parang tunay na magdyowa. One time, nakarating sa actor na may another actor na kinalolokohan ang kanyang gay lover. Mas sikat daw sa kanya. Narinig ni steady boyfriend na ikinuha ng townhouse ng bading ang matinee idol.

Hindi naman binili ni rich gay ang townhouse, patira lang kumbaga sa matinee idol na that time ay nagpapagawa pa lang ng sarili niyang bahay. One time ay inikutan ni steady boyfriend ang townhouse na iyon at kitang-kita raw niya ang bading na nagbababa ng bagong appliances para kay matinee idol. Kinagabihan ay nag-usap nang masinsinan si steady boyfriend and rich gay, pilit na pinaamin si bading kung may relasyon nga ba sila ng matinee idol.

Deny naman nang deny si rich gay kahit huling-huli na sila sa akto ni matinee idol. Umiyak si steady boyfriend, as in hagulgol talaga! Sabay sabing bibigyan na niya ng kalayaan ang kanyang lover kahit mahal na mahal niya ito.

And guess what? Totoo nga pala ang tsismis, naging mag-on talaga sina matinee idol at rich gay. Hiniwalayan pa raw ni matinee idol ang kanyang sikat na GF. Pero ano itong bagong kumakalat na chika na hindi pa raw nakuntento si matinee idol sa mabait niyang gay lover dahil once in a while daw ay nakikita itong nakikitulog sa isang maitim na gay TV and movie director?

Ano naman daw kaya ang drama ni matinee idol sa buhay ng gay director na ito? Kung pera naman ang pag-uusapan, marami na namang ipon si matinee idol, napakaganda ng ipinatayo nitong bahay. Marami siyang shows at mabenta sa mga out of town performances. Ano pa't namamangka pa siya sa dalawang bading na ilog?

Kakaloka, di ba? Pag nakorner mo ang bagets na ito, definitely, magdedenay rin ito. Sure na sure na kami diyan. Mabait lang talaga ang batang ito kaya hindi namin mabuking sa aming mga panulat.

Nagugulat lang kami sa kuwentong nakabalot sa buhay at pagkatao niya. Ang tanong nga namin, hindi kaya bading na rin siya ngayon?

No comments:

Post a Comment