Wednesday, December 15, 2010

December 15, 2010

MAGALING NA AKTRES BUNTIS NA NAMAN?
ni Ambet Nabus, Bandera


Naku, kapatid na Ervin, gulat na gulat kami nang malaman namin ang identities ng magka-relasyong sikat na aktor at sikat na aktres na ma-tagal
na palang nag-pa-plano na mag-pakasal.

Yes, isang mapagkakatiwalaang source ang na-dulas sa amin isang hapon habang kami'y nag-ku-kuwentuhan ng mga usapang bakasyon out of the country,
ang nag-chika nga na dapat pala ay noon pa nagpa-secret marriage ang dalawa. Minsan na kasi silang nag-bakasyon together at noon diumano nila
napagkasunduang mag-pakasal, pero na-delay ito dahil sa dami ng mga projects nila.

Muli nila itong plinano bago pa mag-Decmeber, pero may oportunidad uling dumating na isang bonggang project for them. Pero sabi nga ng aming
impormante, "Baka after Christmas ma-gawa na nila. Malay natin, it comes in threes! Hahaha!"

Obvious namang positibo ang dulot ng relasyon nila sa kanilang mga career at personal lives, at nasa hustong gulang na sila to settle down.

A-abangan natin ang su-sunod na kabanata, mga kapatid. Hindi lang namin sure kung totoo ang mga chika na kaya mag-pa-pakasal na ang showbiz 
couple na ito ay dahil buntis na ang girl. 'Yun na!




CALL CENTER AGENT NA EX-JOWA NG BADING NA MATINEE IDOL, AYAW MAG-ARTISTA
ni Ed De Leon, X-Files

Wala naman daw balak na maging artista ang call center agent na nag-si-simula nang mag-kuwento sa naging relasyon niya sa isang bading na matinee
idol. Kuntento na raw naman siya sa kanyang trabaho. Nagkataon lang na nakapag-kuwento rin siya tungkol sa kanyang naging karanasan dahil
sa pagka-inis na rin dahil feeling niya ay ni-loko rin naman siya ng bading.





PA-LAOS NA AKTRES, MAMATAY-MATAY SA INGGIT SA KASABAYANG AKTRES
ni Ed De Leon, PM

Ang totoo, mamatay-matay pala sa inggit ang isang aktres na hindi na masyadong na-pa-pansin ng mga tao at ng media. Lalo pa nga siyang na-i-inis
dahil ang ka-kumpetensiya noong panaahon ng kanyang kasikatan hanggang ngayon ay talagang sikat pa rin. Paano ba naman siyang hindi ma-i-inggit?

Sa haparan, sina-sabi pang sana ay mag-balik na nga ang dati niyang ka-laban pero pag-talikod sa iba, ang sina-sabi, "Bakit kaya hindi pa iyan
manahimik?"





MAY EDAD NANG MALE SINGER, ULYANIN NA, PINAGBINTANGAN ANG KASAMAHANG NINENOK ANG GAMIT NIYA, NA-IWAN PALA SA RESTO!
(Koriks! 'Di win 'pag puno ang memory...)
ni Roldan Castro, Bulgar

Nakaka-loka ang male singer na ito dahil may sakit na siyang ka-limot. May edad na rin kasi kaya laging nawawalan ng gamit. Nu'ng una, nawalan
ito ng gadget at pinagbintangan niya ang isang kasamahan sa trabaho. May chismis na na-iwan pala niya ang gadget sa kinainan niyang restoran sa
Timog at ibinalik naman sa kanya.

Pero dahil may pinagbintangan na siya, hindi na niya inamin na ibinalik sa kanya dahil may tao na siyang na-saktan at na-pahiya. May nabalitaan
na naman kami na nawalan uli ng gamit ang magaling na male singer. Hay, naku, dala na talaga ng katandaan!

Sino ang male singer? Basta ang show niya ay napapa-balitang ma-si-sibak na...





SIKAT NA YOUNG STAR, KINU-KUWARTAHAN LANG ANG TIBONG DIREK, GUWAPO AT BIG TIME NAMAN NA AKTOR ANG TOTOONG LABS!
(Kelan kaya siya ma-ha-halata at ma-te-take ang gina-gawa niya?)
ni Mercy Lejarde, Bulgar

Press release ng isang sikat na young star, best friend niya ang t-bird na direktor, pero ayon sa isang network insider, ang totoo, ka-on
niya ito at kinukuwartahan lang daw niya dahil lalaki pa rin ang kina-career niya - ang isang aktor na na-li-link sa kanya ngayon na guwapo
na ay big time pa dahil galing sa isang mayamang pamilya.

Korek, bilmoko raw (raw, ha, raw!) ang girl sa tibong direk, pero panay naman ang pa-cute nito sa guwapong aktor na nagpapa-tibok sa kanyang
heart. Kung kelan siya ma-ha-halata ni tibong direk at ma-te-take ang kanyang gina-gawa, that's the question.

No comments:

Post a Comment