Saturday, December 4, 2010

December 4, 2010

Aktor, baon sa utang dahil sa kayabangan
Written by Ed de Leon
Saturday, 04 December 2010 00:04
HATAW!

BAON na sa utang ang isang young male star. Hindi lang ang kanyang bahay ang hindi niya nababayaran for the past two months, may notice of disconnection na rin siya ng koryente, at halos wala nang pang-load sa kanyang prepaid na cell phone. Mayabang naman kasi ang batang iyan e, kaya kahit na nagsasabi na siyang hirap siya sa buhay, walang gustong tumulong sa kanya. Noon kasi ang tumutulong sa kanya sinusuwag pa niya ‘e.





DESIGNER, GALIT NA GALIT SA FEMALE CELEBRITY NA MALAKAS ANG ANGHIT!

Sobrang imbiyerna ang kilalang fashion designer na ito sa isang female celebrity at sa mga tauhan nito dahil sa mga hiniram nilang mga damit mula sa kanyang boutique.


Ginamit nga raw nila ang mga hiniram na gowns para sa isang photo shoot ng isang magazine, pero hindi nila ito pinaalam sa designer. Ang masama pa ay nagamit ang isang specially-made gown niya para sa cover ng isang CD ng female celebrity. Hindi man lang daw nilagay sa credits ng CD na galing ito sa designer.


Matagal na sa industriya ang naturang fashion designer at ilang mga celebrities na ang dinamitan niya at nanghiram ng mga creations niya. Pero ngayon lang daw siya nakaranas na naimbiyerna siya dahil parang binastos siya.


“Maniningil ako sa mga buwisit na ‘yan,” talak ng designer.


“Imagine, sabi nila gagamitin daw sa isang event ang gowns ko. Okey lang kasi event naman. Nalaman ko na ginamit sa isang photo shoot tapos ginawa pang cover ng CD niya ang isang gown ko.


“Hindi ako nagpapagamit ng gowns ko sa isang photo shoot na walang bayad. SOP ‘yan sa marami.

Tapos sila niloko nila ako para lang makalibre sila. Humanda sila sa isisingil ko sa kanila,” mataray na bira ng designer.


Isa pang kinainis ng designer ay nang binalik ang ilang gowns niya na halos may mga damages na.

Yung iba raw ay amoy anghit!


“Nakakalokah ang mga taong ‘yan. Imagine, kinulit-kulit nila ako tungkol sa mga gown, eh bababuyin lang pala nila.


“Mga salaula sila gumamit ng mga damit ko! Hindi ko na siya mapapagamit pa sa ibang mga modelo ko dahil grabe ang ginawa nila!” talak ng designer.


Pitong gowns nga raw ang hiniram ng tauhan ng female celebrity at lahat nga raw ay noong ibalik ay hindi na tulad nang kunin ito sa shop ng designer.


“Noong ibalik kasi nila sa shop ko ang mga ‘yan, wala ako. Nasa ibang bansa ako that time. Mga two weeks bago ako makabalik at noong makita ko, nagsisisigaw ako. Grabe ang kababuyan na ginawa nila sa mga gowns ko.


“Ano bang katawan meron ang pinasuot nila sa gown ko? Bakit kakaiba ang amoy? Amoy arabo na hindi ko maintindihan!”


Kaya hindi na nga raw makakaulit ang tauhan ng female celebrity na makahiram ng damit sa kanya. At pagbabayarin pa niya ito.


“Hindi na sila makakaulit sa akin talaga. At sisiraan ko sila sa ibang designers para wala na silang mahiraman. Pero babayaran pa rin nila ako sa paggamit nila ng gowns sa pictorial at sa damages.

Malolokah sila sa sisingilin ko sa mga walanghiyang ‘yan!” pagtatapos pa ng mataray na fashion designer. 

RUEL MENDOZA
SATURDAY, DECEMBER 04, 2010




Kapamilya actress nixed from TV5 soap

May teaser ng mga bagong show ng TV5 for 2011 sa Christmas party for the press kamakalawa ng gabi at isa sa mga ipinakita’y ang soap na Babaing Hampaslupa na maglo-launch kay Alex Gonzaga bilang drama actress at makakasama niya si Alice Dixson na babalik ng bansa para sa soap.

Gaano kaya katotoo na ang role na gagampanan ni Alice ay unang in-offer sa isang Kapamilya actress? Willing naman daw sanang lumipat ang actress lalo’t maganda ang project, pero ang request nito’y ’wag siyang maging kontrabida sa first soap niya sa TV5.

Ano kayang nangyari at napalitan ang Kapamilya actress, hindi kaya nasunod ang request nito o sa ibang show na lang siya ipapasok?





This female singer na produkto ng isang talent search ay dyowa pala ng isang tomboy. Nakilala ng mang-aawit ang tiborsya noong mag-show siya sa US. Hangang-hanga sa kanya ang lesbian kaya naman nakipagkaibigan ito sa kanya pagkatapos ng kanyang show.
At para ipakita ang kanyang pagmamahal, talagang sinundan ng Tivoli ang female singer dito sa Manila. Todo-ligaw ito sa kanya ay iniwan na ang magandang buhay sa US. Hindi naman nabigo ang lesbiyana dahil sinagot naman siya ng mang-aawit. Naging sila kahit na tutol na tutol ang fadir ng singer.

Kapag nakita n’yong may kasamang parang tibo ang singer, iyon na ang kanyang dyowa. Ang pakilala lang niya rito ay pinsan niya kaya lagi niyang kasama sa mga lakarang may kinalaman sa kanyang career. Da who ang female singer?

Well, member siya ng isang grupo na hindi sumikat-sikat. Want more? May ipinaretoke siya sa kanyang face kaya nagbago ang kanyang hitsura!





Lantaran ang panloloko sa kanyang mister
SIKAT NA FEMALE STAR MAY KABIT

Bandera
First Posted 07:30:00 12/04/2010


Meron tayong blind item for you folks!

Sino itong sikat na aktres who, despite being so much married to her actor-husband, ay may boyfriend pang isang high-profile personality. Nakikita raw silang magka-holding hands sa ilang gatherings.

Aware naman daw ang husband ng aktres na may ibang lalaki ang asawa niya, kaya lang, di raw makapalag si husbandry dahil nasa kontrata raw nila sa kanilang endorsements na hindi sila puwedeng mapabalitang nmag-aaway or else, makakasuhan sila ng milyon-milyon.

Someone very reliable whispered to us na kasama pa raw kung minsan ang husband ni aktres sa dinners nila ng bago niyang mhin. Oh no! Puwede ba iyon? Tanggap na raw ng husband ng girl na wala na sila ng aktres.

Hindi ako makapaniwala sa kuwentong ito. Sa pelikula lang ako nakakapanood ng mga ganitong eksena. Meron ba talagang ganyan? Nakakalito rin kasi sa showbiz eh, hindi mo na alam kung ano ang totoo at kung ano ang gawa-gawa lang.

Pero ayon nga sa ating source, nagmamartir-martiran na lang ang lalaki dahil sayang nga naman ang milyones na kinikita nila sa endorsements ng kanyang misis. Kapag pera na talaga ang naghari, lahat pwedeng mangyari, agree?





Nag-inarte na naman daw sa trabaho
YOUNG ACTRESS NILAYASAN ANG TAPING DAHIL SA PIMPLE

Bandera
First Posted 07:30:00 12/04/2010

NAKAKALOKA ang sumasanib na kamalditahan sa batang aktres na ito na talaga namang kinaiinisan na ng kanyang mga kasamahang artista, mismong staff ng teleserye at maging ng kanyang mga direktor.

Kung saan humuhugot ng lakas ng loob na magmaldita ang young actress na ito ay hindi rin nila alam, pero nakarating na pala sa mga nangangalaga sa kanyang career ang mga pagmamalditang ginagawa niya, dahil hindi na ‘yun puwedeng palampasin.

“Imagine naman, wala talaga siyang respeto sa mga katrabaho niya, puro sarili lang niya ang alam ng young actress na ‘yun na nabigyan lang ng magagandang projects ng network niya, e, lumobo na ang ulo!

“Nu’ng one time na lang, naging big deal para sa kanya ang iisa lang namang tumubong taghiyawat niya sa pisngi niya. Para na siyang ninakawan nu’n, problemadong-problemado na siya, hindi na niya malaman ang gagawin dahil sa pimple niyang ‘yun!

“Ang ginawa niya, nagpaalam siya sa kanilang EP na patitingnan lang ‘yun sa derma niya, babalik din daw siya agad sa location, pero ano ang nangyari?

“Umuwi pa siya ng bahay, natulog pa, kaya ang buong staff, inis na inis na, dahil lahat ng eksenang kukunan nila na kasama ang maarte nilang artista, wala du’n!

“Nagpatay pa siya ng phone, pati ang PA niya, out of reach din ng staff. Tama ba namang nang dahil sa kaartehan niya, e, ma-delay ang taping nila? Ganu’n siya kaarte,” simulang kuwento ng aming source.

Nu’ng bumalik na sa set ang batang aktres ay natural lang na napansin niyang asar na asar sa kanya ang lahat, pero sa halip na humingi ng paumanhin, tumulis pa ang kanyang nguso sa sobrang pagsimangot.

“Siya pa ang galit, samantalang siya na nga ang naging cause of delay! Siya pa ang may ganang mag-inarte, samantalang siya na nga ang nakapang-abala sa work flow nila!

“Mula nu’ng gumanda ang career ni ____ (pangalan ng malditang young actress), e, naging sobrang maarte na siya. Sakit na siya ng ulo ng production, dahil nagmamaldita na siya.

“At kung makapagsalita ang batang ‘yun, parang hindi siya edukada, may kabastusan ang bibig niya, malditang-maldita na talaga siya ngayon!” naiinis pang kuwento ng aming impormante.

Ang tanong, ugali ba ‘yun ng isang babaeng nasa tamang edad na ngayon? Pasable pa siguro para sa iba ang kaartehan niya kung trese, katorse, kinse o disisais lang siya. Gets n’yo na?






3 comments:

  1. ahhh alam ko na yan kung sino ito tamah... sobra lumaki ang ulo... masyado talaga maldita. sabi ng kaibigan ko na kaibigan niya direct.. naku kahit dito maldita talaga. lalaos din yan kung ganyan ng ganyan yan hahaha

    ReplyDelete
  2. pwede po ba sabhin nio kong cno po sya...kakaintriga nmn po yan...

    ReplyDelete