Monday, November 15, 2010

BAGUHAN PA LANG NA BIDA SA SERYE, FEELING SUPERSTAR NA, MALDITA AT PALENGKERA PA KAYA PINAGKAKAISAHAN NG MGA CO-STARS! (Ilang saging na ba ang na-kain at na-impatso na sa konting kasikatan?)

Nagkasundong lumabas isang gabi ang isang tropa ng mga artista kasama ang staff ng isang programang pang-hapon. Ka-pansin-pansin na hindi
nila kasama ang bida sa serye, parang ini-ligwak talaga nila ang star kuno of the show, may kuwento tungkol du'n.

Kuwento ng aming source, "Paano siya i-sa-sama sa bar ng mga kasamahan niya, eh siya ang pag-pi-pistahan du'n, siya ang bida sa kuwentuhan,
siya ang ti-tilad-tilarin ng mga kasamahan niya?"

Ngayon pa lang ay marami na palang na-i-inis sa magandang babae sa istorya. Bukod daw kasi sa nag-tapos ng kursong marketing (read: palengkera)
ang babae ay meron na agad siyang hindi kagandahang ugali na siyempre'y na-pansin agad ng kanyang mga kasamahan.

"Naku, may attitude na agad ang babaeng 'yun, akala mo na siya kung sino, eh, hindi naman siya kagalingang umarte! Bukod du'n eh hindi rin
na-gu-gustuhan ng mga kasamahan niya ang pag-porma niya na akala mo kung sino na siya. 'Di ba, kapag baguhan ka, eh kailangang mag-bigay pugay
ka sa mga datihan na? Ma-tanda o bata man ang artista, ang usapan, eh, seniority, kaya dapat, lumagay ka sa ayos.

"Aba, ang hitad na si (pangalan ng bagitong aktres-aktresan), kapag dumarating siya sa set ng serye, eh akala mo na kung sinong diri-diretso
lang! Ni hindi siya nag-bi-bigay pugay sa mga beteranang artista, hindi rin niya bina-bati ang mga bagets pang kasamahan niya na 'di hamak na
mas na-una naman kesa sa kanya, mahadera ang lokah!

"Ganu'n siya, para siyang ruma-rampa sa isang mahabang entablado na parang wala siyang na-ki-kita, kaya tuluy-tuloy lang siya sa pag-la-lakad.
Natural, na-i-inis sa kanya ang mga artista, ang staff, lahat ng nasa set," kuwento uli ng aming impormante.

Kung maldita ang nag-re-reyna-reynahang baguhang aktres-aktresan kunong ito ay marunong ding mag-maldita ang kanyang mga kasamahan, kaya 
kapag dumarating siya sa location, hindi rin siya pina-pansinn ng mga ito. 

"Kapag dumarating siya sa set lately, eh, hindi na rin siya pina-pansin ng mga kasamahan niya. Kesehodang dumarating pa siya, parang walang
na-ki-kita ang mga nasa paligid, parang bulaklak siya ng kanturay na hindi pina-pansin ng mga kapwa niya artista. Jusko, ano naman kasi ang
maipag-ma-malaki niya, ang kakarampot pa lang na opportunity na ito na baka nga bukas lang, eh, wala na rin sa kanya? Ano na naman ang akala
niya sa sarili niya?

"Eh du'n nga sa pinang-galingan niyang mundo, eh, hindi naman siya ang tunay na winner, 'di ba naman? Huwag siyang nag-re-reyna-reynahan nang
ganito ka-aga, dahil wala pa siyang na-pa-patunayan, 'no!" komento pa rin ng aming source.

Huling hirit pa ng aming impormante na may kasama nang clue, "Teka, sumobra na kaya ang kain ng saging ng babeng ito kaya parang na-i-impatso na
siya sa ka-kapiranggot pa lang namang popularidad na meron siya?'

Anak-anakang Roel Caba of the Philippines, huwag mong sabihing ma-u-upo ka pa ngayon sa Row 4 na ka-tabi ang ma-bahong basurahan, ma-hilig kang
tumutok sa beauty pageant, 'di ba, kaya kilala mo kung sino ang bida sa istoryang ito.



No comments:

Post a Comment