Monday, November 15, 2010

LASENGGONG MALE CELEB, MUNTIK MAKULONG!

Magpapalipas na sana ng buong magdamag sa kulungan ang male celebrity na ito dahil sa kanyang pagiging lasenggo.

Dahil nga sa kanyang hindi magandang bisyo ay may mga naabala siyang grupo ng kabataan.

Nataon pa na ang naabala dahil sa kanyang pagiging lasenggo ay anak ng isang mayamang businessman.

Galing nga sa isang bar ang male celebrity at napasobra ang kanyang inom dahil kasama niya ang mga non-showbiz friends niya. Nanlibre siya sa inuman at sumobra ang pag-inom niya. Pinigilan na siya ng kanyang kaibigan sa pag-inom dahil may trabaho pa ito kinabukasan. Baka raw hindi na ito magising sa sobrang kalasingan.

Pinagsabihan na siya na huwag na siyang mag-drive at ihahatid na lang siya ng kasama niya. Pero tumanggi sa offer ang male celebrity dahil kailangan din niya ang kanyang sasakyan dahil may maagang rehearsal siya at nasa loob ng kanyang sasakyan ang lahat ng kailangan niya.

Mayabang pang sinabi ng male celebrity na kaya raw niya ang mag-drive dahil ilang beses na siyang nalasing pero nakauwi rin naman daw siya. Pero hindi pa siya nakakalayo sa bar ay nabangga niya ang sasakyan na naka-park lang sa tabi.

Si male celebrity pa ang galit at nagmumura dahil nayupi ang bagong bili niyang sasakyan at sinisi niya ang naka-park na kotse. Biglang dumating nga ang may-ari ng kotse na anak pala ng isang mayamang businessman. May mga kasamang bodyguard ito at nagtawag na sila ng pulis para kasuhan ang male celebrity for DUI (driving under the influence) at damage to property.

Doon biglang nawala ang pagkalasing ni male celebrity at humingi ng sorry sa nagawa niya. Hindi raw niya intensyon ang mabangga ang kotse dahil lasing na lasing siya. Dumating naman sa lugar ang mga kasama ni male celebrity sa inuman at nakiusap na lang sila na huwag nang ipakulong ang male celebrity dahil hindi nito alam ang ginagawa dahil sa kalasingan.

Dahil sa pakiusap ay hindi na dinala sa presinto ang male celebrity pero babayaran niya ang damages sa kotse ng nabangga niya. Walang magawa ang male celebrity kundi ang um-oo na lang at sinamahan siya ng kanyang mga kaibigan para mag-withdraw ng pera sa ATM card niya.

Ang ending, libu-libo ang inabot na dama*ges sa kotseng nabangga niya at halos maubos ang savings ni male celebrity. Kesa nga naman kasuhan siya at makulong siya, naglabas na lang siya ng pera. Naisip na lang ni male celebrity na kikitain naman daw niya lahat ng iyon ulit. 

RUEL MENDOZA
MONDAY, NOVEMBER 15, 2010

HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment