Monday, November 15, 2010

SEXY ACTRESS, TAKOT NA TAKOT, CONDO AT KOTSE 'DI NA NA-BA-BAYARAN NG PULITIKONG KASALUKUYANG INI-IMBESTIGAHAN

Hindi na alam ng dating sexy actess na ito ang kanyang ga-gawin dahil baka palayasin na siya sa tini-tirhan niyang condo unit at ma-hatak ang 
kanyang mamahaling kotse dahil sa gina-gawang imbestigasyon sa kalukadidang niyang pulitiko.

Ini-imbestigahan ang mga ari-arian ng naturang politician na ito na galing pa sa probinsiya. Ma-tagal na itong papa-papahan ng dating sexy actress
noong kasalukuyang namamayagpag pa siya sa pelikula. Nag-decide itong biglang tumigil dahil ginarahe na siya ng pulitiko.

Pero ngayon ay nangangamba ang dating sexy actress dahil baka any moment ay i-padlock na ang tini-tirhan kapag wala siya. At pati na ang regalo
sa kanyang kotse ay biglang mawala na lang basta-basta.

"Takot na takot ang lukaret kasi wala naman sa pangalan niya ang condo at kotse niya. Noon pa namin siya sinabihan na ipa-lipat sa name niya
ang condo at sasakyan para safe siya. Eh nag-ma-maganda at hindi naman daw siya i-iwan ng papa niya. Confident ang pok*pok na mag-ta-tagal sila!
feeling misis!

"Hayun, ngayon siya na-ta-taranta kasi baka sa kalsada na siya ma-tulog balang araw kapag pina-sara ang condo niya," chika ng aming source na
close sa dating sexy actress.

Itinakwil na ang dating sexy star ng kanyang pamilya dahil sa pag-sama nito sa pulitiko na may asawa't mga anak pala. Kahit na against ang
kanyang pamilya, nag-pumilit pa rin ang dating sexy actress na maki-sama sa pulitiko.

"Eh pag-ibig kasi ang nararamdaman niya sa papa niya. Hello, tigilan niya ako, 'no! Dahil sa lalaking 'yon, tumigil siya sa dating trabaho at
nag-buhay reyna siya. Sana lang natutong mag-ipon ang bruha para sa mga ganitong sitwasyon ay may nai-tago siya para sa sarili niya. Pero
I doubt na may na-ipon ang luka-luka. Hindi naman siya nag-bi-bigay sa pamilya niya. Ubos-biyaya siya kaya hayan ma-u-ubos na rin ang mga
biyaya niya balang araw," tatawa-tawang kuwento ng source.

Hindi na tuma-tawag sa dating sexy actress ang kanyang lover na pulitiko. Kapag tina-tawagan niya ito, patay ang cellphone. Hindi niya alam
kung bayad na ba ang monthly rent niya sa mamahaling condo at sa monthly payment ng kotse.

Kaya ang tanging gina-gawa na muna ng dating sexy actress ay ang mag-sangla ng mga alahas niyang regalo sa kanya at sa pag-benta ng ilang muwebles
sa condo at ng ilang mga mamahaling damit at sapatos para may pera siyang madala kung sakaling biglang mawala ang lahat.


ni Ruel Mendoza, PM


HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment