Tuesday, November 16, 2010

Batang Aktor, Hibang Na Hibang Sa Dyowang Modelo!

Kaya naman pala hanggang ngayon ay wala pang nangyayaring maganda sa career ng young actor na ito ay dahil sa kakabuntot niya sa modelong girlfriend niya.

Kinontrata na nga ng isang management office ang young actor, pero hindi nga ito mabigyan ng trabaho dahil hindi nito priority ang magtrabaho talaga. Mas enjoy raw itong bumubuntot-buntot sa girlfriend niya.

May isang malaking project na sana ang management ng young actor sa kanya. Magiging bida siya sa isang indie movie na pang-international ang release. Nagustuhan kasi siya ng director at tamang-tama sa kanya ang role. Pero noong nagkaroon ng story conference, hindi dumating ang young actor at nalaman nila na nasa probinsya ito kung saan may photo shoot ang kanyang model-girlfriend.

Sa hiya ng manager, nirekomenda na lang ang isang alaga nilang young actor na mabuti na lang ay nagustuhan ng director. So tanggal na ang unang young actor na mas feel na maging alalay ng girlfriend nito.

Pagkauwi sa Manila ay sinabon nang husto ng manager ang young actor. Hindi lang siya kinusot kundi kinula pa siya sabay binabad pa sa sabon para matauhan. Hindi na lang sumagot ang young actor dahil kasalanan nga naman niya. Pinakawalan niya ang isang project na maganda pa naman para sa career niya.

Nangako nga itong magbabago na at titigilan na ang pagiging hibang sa girlfriend niya. Mag-focus na raw ito sa kanyang career. Pinatawad naman siya ng manager at hinanapan ng trabaho.

Naging matino naman daw si young actor after nang nangyari. Isang buwan na behave ito at mga shows sa probinsya ang naging raket niya.

Pero hanggang isang buwan lang pala matino ang young actor dahil sa isang naging show nito sa probinsya, bagama’t ginawa niya, hindi naman na ito umuwi ng Manila.

Hindi nga raw sumabay sa service ng manager nito ang young actor at nagdala ng kanyang sasakyan.

Nalaman nila na after ng show ay pinuntahan nito ang kanyang girlfriend na may photo shoot sa isang isla na malapit lang sa probinsya kung nasaan siya.

Three days na walang balita ang manager sa young actor at kinansela na niya ang mga schedules nito for pictorials at tapings. Huling balita ay binitawan na ng manager ang young actor dahil sa pagi*ging baliw nito sa kanyang modelong girlfriend.


HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment