Tuesday, November 16, 2010

TOTOO KAYANG hanggang ngayon ay hate pa rin ng mga staff itong si actress/TV host dahil hindi pa sila binabati hanggang ngayon dahil lang sa isang sulat mula sa isang viewer.

Noong may talk show pa kasi itong si actress/TV host, may nagpadalang viewer na pawang puna sa style ng hosting nito ang nakasulat. Hindi nagustuhan ni actress/TV host ang mga komento laban sa kanya pero hindi siya naniniwalang sulat iyun mula sa isang viewer. Ang duda niya, gawa-gawa lang iyun ng mga staff. Kaya magmula nun, hindi na niya binabati ang mga staff niya.

Matagal nang tsugi ang show na iyun, pero hanggang ngayon ay dedma pa rin si actress/TV host sa mga staff na dati niyang programa.


HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment