Thursday, November 11, 2010

Aktor na may erectile dysfunction, takot mag-asawa?!

Natawa ako sa kuwento ng kaibigan kong bading. Kuwento raw sa kanya ng isa niyang kaibigang doctor na may erectile dysfunction ang isang aktor kaya hindi ito nagpaplanong mag-asawa.

Yup, as in hindi raw tumatayo ang kanyang sandata kaya ayun lahat daw ng mga girlfriend nito, hanggang halik-halik lang. Walang ‘nangyayari.’

Paano naman nalaman ng bading na ito ang problema ng aktor?

“May nagkuwento sa akin. ‘Yung isa niyang naging girlfriend, nakausap ko. Wala raw nangyari sa kanila. Eh matagal-tagal din ang naging relasyon nila,” dagdag na kuwento pa ng source na bading na in fairness ay credible pagdating sa mga kuwentong ganito.

Medyo may edad na nga ang aktor na ito. Marami-rami na ring naging girlfriend pero ‘yun nga, pinagtatakhan kung bakit wala siyang sini-seryosong babae.

Baka nga, ayaw makisama ng kanyang sandata.


HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment