Thursday, November 11, 2010

‘Gay Benefactor’ ng aktor, dating manager niya ang nagkalat

‘Gay Benefactor’ ng aktor, dating manager niya ang nagkalat
May rason ang aktor na ito na layasan ang da*ting manager at lumipat sa ibang manager. Nadiskubre nitong ang dating manager ang nagpakalat ng isyung may gay benefactor siya, kaya maayos pa rin ang buhay kahit noong panahong hindi siya masyadong active sa showbiz.

Kinompronta ng aktor ang dating manager pero nag-deny na siya ang pasimuno ng isyu. Hindi na nakinig ang aktor at umalis na lang sa poder ng da*ting manager at naghanap ng ibang magpapatakbo ng kanyang career na walang tsismis.

Iba na ang manager ng aktor at thankful ito dahil sa tulong nito’y unti-unti siyang nakababalik sa showbiz. Hindi pa rin nito maisip kung bakit ginawan siya ng isyu ng dating manager, gayung alam nitong may negosyo siya at mabubuhay kahit hindi mag-showbiz at ’di kailangan ng gay benefactor. 

Nitz Miralles 
November 11, 2010




HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment