Thursday, November 11, 2010

Sikat na aktres, pinagsilbihan ang karelasyon

Nakasama namin kamakailan sa isang showbiz party ang isang sikat na aktres na may lihim na karelasyon.
Pagdating niya sa nasabing party ay karay-karay ng sikat na aktres ang kanyang bagong pag-ibig.
Alam ng sikat na aktres na isang intimate party ang kanyang pupuntahan, na kahit mga taga-showbiz ang nandu’n ay puro kaibigan niya, kaya kampante siyang dalhin ang kanyang latest dyowa.
Naaliw kami sa kanilang dalawa dahil ang sweet nila sa isa’t isa. Nagustuhan ng dyowa ng sikat na aktres ‘yung dessert doon sa party na food for the gods.
Sarap na sarap ito kaya ang sikat na aktres ay panay ang balik doon sa may food area para ikuha ng food for the gods ang kanyang mahal.
Feel na feel ng sikat na aktres na pagsilbihan ang kanyang non-showbiz dyowa. Itinanong niya pa sa amin kung saan naka*kabili ng nasabing desserts dahil gusto raw ng karelasyon niya na meron din silang ganu’n sa birthday ng sikat na aktres.
Kinunan namin sila ng picture na magkasama, pero naglambing sa amin ang sikat na aktres na kung maaari ay huwag namin ‘yong ilalabas at itago na lang namin sa aming personal files.
Actually, hindi na niya kami kailangang pakiusapan dahil nauunawaan namin ang sitwasyon ng sikat na aktres.
Wala kaming balak ilantad sa publiko ang kanyang personal life, natuwa lang kami sa kanilang dalawa kaya piniktyuran namin sila na magkasama.

Allan Diones
November 11, 2010 Thursday


HULAAN NA !

No comments:

Post a Comment