Thursday, November 11, 2010

Laos na singer, nagmamaasim!

Nagmamaasim ang isang female singer nang mag-guest ito sa isang celebrity talk show. Ang emote niya ay wala raw nakakaalam na nandito siya sa Pilipinas kaya wala siyang guestings.

Pakiramdam ng female singer na hindi na siya feel kunin ng mga shows dahil parati siyang nasa ibang bansa.

Pero tsika ng isang talent coordinator sa amin, nagpapatulong ang female singer na ihanap siya ng guestings. Sayang naman daw ang pinamasahe niya pauwi ng Pilipinas kung hindi raw niya mababawi ito through guestings sa TV or mga shows.

Ang problema kasi kay female singer noong kasikatan niya ay masyado siyang maarte at mahirap kunin as guest kahit na may talent fee. Inaalam muna nito kung sino ang makakasama niya sa pag-guest.

Kung hindi niya feel, hindi siya magge-guest at magre-request na solo guesting na lang siya.

“Masyadong umakyat sa ulo niya ang kasikatan noon. At saka, may amnesia ang bruhang ‘yan.

Kausap mo siya ng ilang oras one day, pero the next day kapag nagkita kayo, parang ‘di na niya kilala.

“Ni hindi ka nga niya ngingitian at tagus-tagusan ang tingin sa iyo. So, sinong mawiwili na kunin siya kung ganyan ang ugali niya?” kuwento ng aming source.

Ang mahal pa raw ng talent fee nito kapag mag-guest sa isang show. Feeling daw ng singer na ito ay in-demand siya. Hindi niya alam na wala na ngang nakakaalala sa kanya dahil lumipas na ang galing niya at marami nang bago sa showbiz ngayon.

“Ang hirap kasi sa mga singer na ‘yan, akala nila in pa rin sila. Hello, kapag ang topic lang ay blast from the past sila kailangan. Sa dami ng kilala ngayon at mas magagaling sa kanila, etsapuwera na sila.

Huwag na silang mag-feeling na puwede pa sila sa TF na malaki. Honorarium na lang sila,” patuloy na talak ng talent coordinator na katsika namin.

Siguro nga dahil sa pangit na ugali noon ni female singer ang dahilan kung bakit hindi na siya memorable. Sumikat nga siya noon, pero hindi naging maganda ang relasyon niya sa ibang tao, lalo na sa mga maliliit na tao ng showbiz.

“That’s what they get sa pagiging mayabang noon. Dati laging bukang bibig ng babaeng ‘yan na magma-migrate na raw sa US at ayaw na niya ng local showbiz. O, eh bakit nandito siya? Kung maningil akala mo hinaghanap-hanap siya.

“Tapos gusto niyang bawiin ang pinamasahe niya pauwi rito sa mga guestings niya? So wala pa rin sa puso niya ang umuwi rito kasi hindi niya maisakripisyo ang pinamasahe niya. Masama pa rin ang ugali ng laos na ‘yan!” pagtatapos ng mataray na TC.


RUEL MENDOZA
THURSDAY, NOVEMBER 11, 2010



HULAAN NA!

No comments:

Post a Comment