Wednesday, November 17, 2010

Juicy (TV5) (November 16, 2010)

Blind item ni Shalala: Sino ang direktor gagawa ng international movie na nagkaproblema dahil siya ay naiwan sa Pilipinas pero nakarating sa ibang bansa ang bagahe niya? No choice na kaya nag-take over sa directing ang assistant director. Natapos ang movie, nandito pa rin sa Pilipinas si direktor. Doon sa ibang bansa, pagbaba ng airport, si assistant director na ang nagbubuhat ng bagahe ng direktor kahit saan sila magpunta.

Blind item ni Cristy Fermin: Bagitong young actress, walang nagtatagal na make-up artist. Kapag hindi nagustuhan ang make-up, tinatanggal ang make-up. Kapag inaayusan ng buhok, sinisita ang make-up artist kapag hindi niya gusto ang hati ng buhok niya. Pinagpipistahan ngayon ng mga make-up artists ang aktres. Kapag naghahanap ang production assistant ng make-up artist, tinatanggihan ng mga makeup artist ang alok niya. Kaya kung sinu-sino na lang ang make-up artist na nag-aayos sa malditang aktres dahil wala ngang nagtatagal sa kanya.

Blind item ni IC Mendoza: Love triangle ang isang sexy actor, isang non-showbiz girl, at isang male singer. Dating may ugnayan sina male singer at non-showbiz girl, pero na-turn-off si non-showbiz girl dahil 'dominador' daw itong si male singer. Ngayon, nagde-date sina non-showbiz girl at sexy actor. Naloka si male singer sa pagde-date ng dalawa kaya't tinawagan ni male singer si non-showbiz girl. Pero ang ikinaloka ni non-showbiz girl, sinabihan siya ni male singer kung puwedeng threesome sila ni sexy actor! Clues: Si sexy actor - siya ba 'yung frontal king? At magandang title ng blind item na ito ay 'morning star trilogy'.

Blind item ni Shalala: Naimbitahan sa isang out-of-town show ang isang host. Kumanta siya. Pagkatapos ay sayawan naman. Habang ginaganap ang dance number, may biglang bumagsak na ahas mula sa puno. Namagitan ang barangay captain, na nangasiwa sa pagtanggal at pagpatay ng ahas. Itinuloy ang dance number pero nakatingin lagi sa itaas ang host, na natatakot pa rin. Clue: may gan'on?

No comments:

Post a Comment