Wednesday, November 17, 2010

TOTOO KAYANG hinuhulaan na ngayon pa lang ng mga malalapit na kaibigan nitong showbiz couple na hindi rin sila magtatagal dahil kung gaano ka-overacting ang kanilang pagka-sweet sa isa’t isa, ganundin ka-OA ang mga bayolenteng eksena kapag may away sila?

Sa location ng pelikulang ginagawa ng mag-asawang ito, nabibigla na lang daw ang ibang mga production staff at co-artists nila na biglang may mga nagliliparang lamp shades at ilang gamit. Iyon pala, may matinding away ang showbiz couple. Kaya naaantala ang shooting nila.

Pero pagkalipas ng ilang oras, parang wala nang nangyari at sweet na naman sila. Tuloy na naman ang shooting!

TALONG ANONYMOUS

No comments:

Post a Comment