Wednesday, November 17, 2010

Tumaba na at madungis: Dating sikat na action star, nagba-bus na lang

NAGHIHIRAP na ba ang isang dating sikat na action star. Nagkapangalan siya noong dekada 90′s. Kaliwa’t kanan ang mga solo movies niya.

Nang humina ang action film ay unti-unti na rin siyang nawala sa sirkulasyon.

Nakikita na rin ngayon na nagco-commute sa bus at madungis na daw itong tingnan.

Halos hindi na nga raw makilala ng aming source kung hindi pa daw niya ito kinausap at nagtanong kung siya ba ‘yun? Ang laki nga raw ng itinaba at naging madungis na nga raw at nawala na ang kaguwapuhan ng actor na ito.

Produkto siya ng dating panghapong programa at nagkaroon ng anak sa isang kilalang actress at ex-beauty queen.

‘Yun na yun!

No comments:

Post a Comment