Wednesday, November 17, 2010

PINOY PARAZZI BLINDITEM


BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong biglaang celebrity mom na masyadong lumaki na ang ulo matapos mabigyan ng pangalan ng kanyang anak?! Mukhang hindi ko na kailangang i-elaborate ang kuwento at magbigay pa ng clue dahil doon pa lang ay gets n’yo na agad. Hindi ba?!

Ang kuwento kasi ng aking parazzi girl, mula raw nang makilala ang celebrity mom na ito ay biglang nagtaas na ang value or talent fee sa tuwing inimbitahan siya para sa mga projects, tulad ng commercial at mga pelikula. Ngunit hindi iyon ang chikka!

Mas nalerkey raw itong ating parazzi girl ng marinig niya sa isang dressing room itong celebrity mom dahil hindi lamang talent fee ang nagbago, ngunit pati ang kanyang pangalan ay nais na ring baguhin?! Kaloka, hindi ba?! Sa pangalan na iyon siya nakilala tapos babaguhin pa niya?! Ay, naku! Hindi na talaga ka-level itong si celebrity mom, masyadong lumaki ang ulo dahil sa nakamit ng kanyang anak. Tsk, tsk, tsk! Bad ‘yan!





BLIND ITEM: SINO itong dalawang young stars na ‘di pa man gaanong sumisikat ay sobra-sobrang laki na ang ulo at nagpi-feeling sobrang sikat na. Kahi’t nga ang mga kasamahan ng young stars na ito sa kanilang top-rating na palabas ay nagtataka na rin sa ikinikilos ng dalawa.

Hindi nga raw nakikisama ang mga ito sa kanilang co-stars at mistulang may sariling mundo at inilalayo ang kanilang sarili sa taping ng kanilang shows. Kahi’t nga ang ibang mga movie press ay ganu’n din ang nararamdaman sa dalawang nagpi-feeling sikat na young stars.

Noong nagsisimula raw ang mga ito ay super bati sa mga press na nakikita. Pero ngayong nagkaroon ng kakapiranggot na pangalan, mistulang deadma raw ang mga ito kapag nakikita ng mga movie press.

Pagtataray nga ng isang manunulat na dating close sa dalawa na ngayon ay galit na rin sa kanila na ‘wag daw makaasta-asta na akala mo’y sikat ang dalawang young stars, dahil flop as in ‘di kinagat ng masa ang kanilang shows sa primetime, kaya natsugi kaagad. Kaya walang kagatul-gatol na sinabi nitong, “’Di sila sikat, ‘noh!” ‘Yun na!






BLIND ITEM: HETO ang sabi ng dating matinee idol habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga friendship sa isang resto sa Roces Ave.

“Dapat lang, mabulok siya sa kulungan kasi, kahit mga kaibigan niya rito sa showbiz, e, nilalaglag niya noon. Ngayon, siya naman ang nalaglag,”sabi pa ng guwapo pa ring aktor na sobrang kulit.

Ilan lang naman ang mga artistang nakakulong kaya piliin n’yo na lang kung sino ang kanyang tinutukoy, hane?




BLIND ITEM: SA isang bayan sa Rizal ginagawa ang taping ng isang teleserye. Sumasabay na rin ang seryeng ito sa paseksihan.

Dahil siyempre, malayo ang location, ang daming nanonood ng shooting. Isang kaibigang taga-roon ang nagtsika sa amin na pinagagalitan ni directed by ang kanyang bida.

Baket?

“Eh, kasi nga, ang mga eksena eh, paseksihan, ‘di ba? Ang nakakalokah, naka-two-piece na ‘yung ibang kasama, naka-short shorts pa ‘yung mga lalake, samantalang ‘yung bida, naka-kamison.

“Eh, narinig ko lang ang director, ang sabi, ‘Juice ko, anak, puro na lang kamison ang isinusuot mo? Kelan ka ba magpapapayat para makapag-two-piece ka na?

“Nagtataka na ang mga televiewers kumbakit ikaw lang ang naka-kamison, eh ikaw itong bida?”

Sey ng aming source, “Eh, truelalash naman, ate. Ang lola mo, mataba ngayon. In love ba talaga siya kay (name ng isang young actor) at ‘yun ang nagpapataba sa kanya?”

That we don’t know. Mapanood nga nang may mai-comment nga kami kung true ang claim ni Direk.


No comments:

Post a Comment