Wednesday, November 17, 2010

TV HOST, PLASTIK AT MAITIM ANG BUDHI!

Hindi nga natutuwa ang staff sa TV host na ito dahil sa plastik na ugali nito. Kalat na nga sa ibang managers ang hindi magandang ugali ng TV host na ito kaya inaayawan nilang mag-guest ang alaga nila sa show nito.

Ang masama pa sa TV host ay kahit may name ang kanyang guest sa show ay dine dedma niya ito. As in, wala siyang care kung titulado ka.

Nagkuwento nga ang isang PA ng isang kilalang negosyante na kinuhang mag-guest sa show ni TV host. Binigyan ng call time ang guest pero ilang oras ito naghintay para sa TV host na late dumating.

Imbes na mag-sorry sa guest ay dinaanan lang niya ito at dumiretso sa dressing room. Inabot pa ulit ng isang oras bago ito lumabas ng dressing room.

“Ang bastos naman pala niya. Akala ko mabait siya, pero wala pala siyang breeding,” ngitngit ng PA.

“Imagine, siya na nga ang late pero hindi man lang nag-sorry sa guest. Basta na lang dumating siya at pumasok sa dressing room niya. At ang tagal niyang lumabas, huh!

“Kung sana nag-apo logize siya sa guest, eh ‘di sana naintindihan siya. Eh hindi niya ginawa iyon kaya nawalan ng gana ang guest sa kanya. Kaya never na raw itong magge-guest sa show niya.”

Pati mga celebrities din nga ay tumatanggi na mag-guest sa show ni TV host dahil pinipili raw nito ang kakausapin niya. Kapag hindi kalakihang artista, dinededma niya ito. Pero kapag big star, super-chika ito. Ganyan kaplastik ang TV host!

Pero noong mag-guest sa kanila ang isang malaking aktres ay ‘di man lang daw ito kinibo ng TV host at hindi man lang daw pinapasok sa dressing room.

“Doon ko nakita ang kabastusan niya talaga. Nagbigay ng oras ang big star na ito para lang sa show niya pero ano ang ginawa niya? Hindi man lang kinausap at ayaw niyang papasukin ng dressing room,” sey ng aming source.

“Nai-insecure kasi siya sa big star na ito. Napag-alaman namin na nakakaagaw pala niya ang big star na ito sa mga commercial endorsements at magazine covers. Eh siyempre mas fresh si big star kaya ito ang napipili.

“Hindi kasalanan ng big star na sikat siya. Huwag naman iparamdam ni TV host na insecure siya dahil makikita iyon sa mukha niya. Mukha pa naman siyang mabait, pero nakikita ko ang kaitiman ng budhi niya!”

Dahil sa ginawang iyon ni TV host kay big star, nangako ang big star na hindi na ito tatapak pa sa set ng TV host. Ayaw na raw niyang mabastos pa ulit ng TV host na ito.

No comments:

Post a Comment